31

67 3 0
                                    

Kabanata 31: Ang Sermon

Nagsimula na si Padre Damaso sa kanyang sermon nang makita niyang nakatuon na ang paningin ng lahat ng tao sa kanya. Sinimulan niya ang sermon sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang salita mula sa Bibliya.

Namangha sina Padre Sibyla at Padre Martin sa magandang bwelo ng pari. Ayon sa kanyang sermon, ang salita ng Diyos ay dapat magkaroon ng bunga sa bayan na iyon kung kaya’t ito ay hindi dapat itanim sa mabatong lupa.

Nagbanggit din siya ng mga tao na dapat tinitingala dahil sa kanilang pananampalataya katulad ni David, Roland, at ang mga gwardiya sibil ng kalangitan.

Ang sermon ni Padre Damaso sa wikang Kastila ay hindi naiintindihan ng mga Indio. Tanging ang mga salitang tulisan, gwardiya sibil, San Francisco, at San Diego lang ang naiintindihan ng mga Indio.

Marami sa mga nakikinig ang inaantok na sa sermon ng pari. Naghihikab na si Kapitan Tiago at sinusulyapan naman ni Maria Clara si Ibarra sa kanyang kinauupuan.

Pinatamaan ni Padre Damaso sa kaniyang sermon si Ibarra dahilan kung bakit nagalit ang binata. Dagdag pa niya na ang mga anak ng mga erehe ay bastos at walang galang.

Samantala, walang sinumang nakapansin na nakapasok si Elias sa simbahan. Lumapit ito kay Ibarra at binalaan na mag-ingat sa seremonya ng pagbabasbas na gaganapin bukas.

Aniya, huwag lalapit si Ibarra sa pundasyong bato dahil maaari niya itong ikamatay. Bigla namang nawala si Elias ng minsan pang lingunin ito ni Ibarra.

Talasalitaan:

Sermon – pangangaral

Nakatuon – nakabaling, naka pokus

Tinitingala – hinahangaan

Tulisan – hindi sumusunod sa batas, bandido

Naghihikab – pagkaantok

Sinusulyapan – palihim na tinitignan

Erehe – hindi sumusunod sa utos ng simbahan

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now