Chapter 3

37 6 0
                                    

"Hay Naku!!!!" Inis na palatak ni Aila saka pabagsak syang naupo sa sofa.

Araw iyon ng linggo. Araw ng pahinga nya pero nasira ang mood nya. Halos katatapos lang kasi nilang mag usap ni Atty. Ramos at ni remind sa kanya yung deadline ng payment.

Binuklat nya ang passbook nya, may laman iyong two hundred thousand plus yung pinag bentahang ng kotse nya at mga binenta nya online.

"Kulang pa rin!" inis na sabi ni Aila saka inilapag nya yung passbook nya sa sofa pero dumulas iyon at nahulog. Yumuko si Aila para kuhain iyon pero napukaw ang pansin nya sa isang magazine at may bigla syang naalala.

Kinuha nya iyon saka may hinanap na article.
At hindi nga sya nagkamali......

"Tristan Aaron Taves, one of the Richest Bachelor in the country---" basa nya sa naka sulat doon.

Meron pa ngang tanong doon?
"Have you been in-love?"

"I'm a busy person and I'm already commited with my work." Sagot nito.

Napa taas kilay si Aila. " Wala din syang Lovelife?" natatawa nyang sabi. "Impossible!" palatak nya saka tinitigan ang larawan nito.

Napaka imposible nga naman! Sa yaman at gandang lalaki nito for sure maraming girls ang nag kakandarapa dito.

And for sure, sa dinamirami ng mga girls na iyon may isa doon na bumihag sa puso nito.

At syempre, hindi nya iyon aaminin dahil meron syang image na dapat protektahan.

"Sa tingin ko nga.... isa kang playboy!" Ingos nya habang kinakausap ang larawan nito.

Pero sandali, bakit nya ba pinag tutuunan iyon ng pansin? May problema sya na dapat nyang ayusin at hanapan ng solusyon!

"Ayyyyy!!! Anong gagawin ko!" Halos sabunutan na ni Aila ang sarili. Tapos natigilan sya saka muling nya iyong tinignan. "Your not my option!" Aniya.

Pero paano kung ito na lang ang natitirang solusyon sa problema nya?

"Should I?" Aniya na waring tinatanong ang sarili.

Pero sabi nga di ba? Ang taong gipit kahit sa patalim kumakapit!

Bumuntong hininga si Aila.

"I'm doing this for my parents--" aniya saka hinanap yung calling card na binigay nito.
Saglit syang nang isip saka tinitigan ang hawak ng calling card. "Final na ito!" Aniya saka kinuha ang cellphone.

Nanginginig ang mga daliri nya habang dinadayal ang numero ng phone nito.
At mas lalong nanginig ang buo nyang katawan ng biglang iyong mag ring.

"Naku! Hwag na lang kaya--" kinakabahan nyang sabi. I e-end call na sana nya pero...

"Hello---" sagot sa kabilang linya.

Natigilan si Aila. Biglang kumabog ang dibdib nya. Hindi sya makapag salita. Para syang biglang napipi.

"Hello?" Muling sabi sa kabilang linya.

"H-Hello p-po" halos mautal na sagot ni Aila.

"Whose this?"

"A-ako po yung binigyan nyo ng calling card sa restaurant two weeks ago."

Bigla iyong nanahimik.

"S-sir?"

"Have you made your decision?"

"Ano po kasi----" saglit na natigilan si Aila. "Okay lang po ba? Gusto ko po muna kasing malaman ang buong detalye bago ako mag desisyon?"

CINDERELLA'S SHOES(A Fairytale Love Story)COMPLETEDWhere stories live. Discover now