Chapter 1

53 8 0
                                    

"Hayyyyyyyyy"

Problemadong palatak ni Aila. Halos katatapos lang nilang mag usap ni Atty. Ramos tungkol sa utang na naiwan ng mga magulang nya.

"Pasensya na Iha" sabi nito. "Gusto man kitang tulungan pero matagal nang hindi nakakabayad ang parents mo sa loan nila kaya nag patong patong na ang interest nito. At isa pa, ayaw nang i-extend ng Lending Company yung deadline. They are only giving you 3 weeks to settle the payment. If not, I'm sorry but they need to take your property."

"P-po? Wala na po bang paraan?"

"I'm sorry" sabi nito. Saka nag paalam na iyon.

Tulalang naiwan si Aila. Hindi nya alam kung ano ang gagawin.

"Saan naman ako kukuha ng ganon kalaking pera?" Halos maiyak-iyak na sabi nito saka itinukod nya ang mag kabilang siko sa mesa at sinapo ang nananakit nyang ulo.

Hindi naman sya papayag na mawala na lang basta ang pinag paguran at pinag sikapang ipundar ng mga magulang nya. At mas lalong ayaw nya iyong mawala dahil iyon na lang ang natitirang bagay na nag papa alala sa mga iyon.

Iyon na lang ang bagay na meron sya!

"What should I do now?" Ipinikit nya ang kanyang mga mata. Tila nawawalan na sya ng pag-asa. Sino naman ang lalapitan nya para pautangin sya? May saving naman sya pero hindi naman iyon kalakihan kaya kulang pa rin at kahit ibenta pa nya ang luma at kakarag-karag nyang kotse...hindi pa rin iyon sasapat.

Hindi rin naman kalakihan ang sweldo nya sa kompanyang pinapasukan nya.

"Meron bang tao sa mundong ito na makaka tulong sa akin?" Parang gusto na nyang sumigaw.

"Excuse me---"

Narinig nyang sabi sa may likuran nya.

"Pasensya na. Hindi ako interesado--" sabi nya saka ikinumpas nya ang kamay nya para paalisin iyon.

"Miss----" muling tawag nito.

Napapikit si Aila. Ano ba yan! Bakit kasi hinahayaan ng mga restaurant na may makapasok na mag o-offer lang ng paninda nila. Alam naman nya na way nila iyon para suportahan ang sarili at pamilya nila pero hwag naman ngayon!

Hindi na lang nya sana papansinin iyon pero naramdaman nyang kumilos iyon papunta sa harapan nya kaya idinilat nya ang kanyang mga mata.

Isang naka coat and tie na lalaki ang nakita nyang nakatayon doon. Tumingala sya para tignan iyon, bagamat naka shades hindi pa rin maipag kakaila ang pagiging magandang lalaki nito at infairness, matangkad at makisig ang pangangatawan nito.

Sabagay, iyon naman talaga ang strategy ng mga company ngayon. Kailangan with pleasing personality ang mga agent nila para makakuha ng clients.

Napa isip tuloy sya, napa ka pormal naman ng ayos nito. Ano bang i-o-offer nito sa kanya? Credit Card o Insurance?

"Can I seat---" sabi nito. Pero hindi pa man nag sasalita si Aila umupo na iyon.

Ay wow! May pag ka presko ha! Hindi maiwasang sabihin ni Aila sa sarili.

Tapos tinignan sya nito.

Ay naku! Kahit gwapo ito...hindi ako mag papadala dito!

"Actually, I over heard your conversation just now." sabi nito. "And I can solve your problem--"

Napatingin si Aila dito saka napa ngiti.

"With due respect Sir--" sabi nya. " hindi po barya lang ang pinag uusapan namin. Baka po----"

"I know." Putol nito sa sasabihin pa sana ni Aila.

Napa kunot si Aila. Seryoso ba ito?

"Well, you can think about it. Just call me if you made up your mind." Saka may inilapag iyong calling card. Tapos tumayo na iyon at umalis na.

Taka iyong sinundan ng tingin ni Aila.

Sino ba yon?" Aniya saka kinuha ang card na iniwan nito. "Tristan Aaron Taves, CEO?" At halos lumuwa ang mata nya, muntik pa nga nyang maibuga ang iniinom na juice ng mabasa iyon. Isa itong Chief Executive Director ng isang kilalang kompanya. At kung hindi sya nag kakamali. Na i-feature na ito sa isang sikat na magazine. Actually nabasa pa nga nya ang article na iyon. At nag guest na rin ito sa ilang TV Network dahil nga sa pagiging kilalang businessman nito.

Kaya pala ganon ang pormahan nito.

Ibig sabihin, hindi pala ito kung sino lang at mas lalong hindi ito agent ng isang credit card o insurance company. Isa itong kilala at popular na tao! Nag mamay-ari ng isang kilala at malaking kompanya.

Isa itong Milyonaryo!

Halos mamangha si Aila sa isiping iyon.

Pero hindi pa rin nya maiwasang mapaisip at mag tanong ng isang malaking BAKIT?

Bakit naman sya tutulungan nito?

Eh, ni hindi nga sila mag ka kilala personally. At isa pa, bakit naman pag tuunan ng pansin nito ang isang tulad nya?

Natawa si Aila!

Pinag tripan lang ba sya nito?

Hay naku! Ayoko nang mag isip. Masakit na ang ulo ko at marami na akong problema para idadag pa ito! Sabi nito sa sarili nya.

Napa buntong hininga sya.

Kailangan kong maka isip ng paraan para maka bayad ng utang.

"Oh Lord! Help me!" Tanging naibulalas ni Aila.

Tumayo sya at malungkot na lumabas ng restaurant saka pinuntahan ang naka parked nyang sasakyan.

Pagabi na ng marating sya sa kanyang bahay. Pumasok sya at malungkot na inilibot ang kanyang paningin.

Mula ng pinanganak sya, ito na ang nagisnan nyang tahanan. Lahat ng memories na meron sya, nandito sa tahanang ito.

Maaring hindi perpekto ang mga memories na iyon. Malungkot man iyon o masaya but its still a memories and she wants to keep it forever!

Malungkot nya kinuha ang larawan ng kanyang Ama at Ina.

Ang hirap pa lang mag-isa, wala kang matakbuhan sa oras ng pangangailangan mo. Walang mag pupunas ng luha mo sa tuwing umiiyak ka. Walang mag papangiti sayo kapag nalulungkot ka. Walang makikinig sa mga drama mo. Walang yayakap sayo para aluin ka. Walang mag sasabi sayo na..."Don't worry, nandito lang ako. Hindi ka nag-iisa."

"Pa, Ma....miss na miss ko na po kayo!" At tuluyan nang umagos ang luha ni Aila. "Sana po nandito kayo--" saka niyakap nya ang larawan ng mga iyon. "'Promise po, hindi po ako papayag na mawala ang bahay natin. Gagawa po ako ng paraan para po ma save ito." Aniya habang patuloy pa rin sa pag luha. "Hindi po ako susuko!" saka pinunasan nya ang kanyang luha. "Ayoko pong malungkot kayo dyan. Pasensya na po at iyakin ang anak nyo." Ani Aila saka pilit syang ngumiti.

Alam nya at naniniwala sya na hindi sya pababayaan ng Diyos.

Sabi nga, What hurts you today makes you stronger tomorrow.

Tama, she needs to be stronger para labanan kung ano man ang kinakaharap nya problema ngayon.

























CINDERELLA'S SHOES(A Fairytale Love Story)COMPLETEDWhere stories live. Discover now