Chapter 11

7 0 0
                                    

"What?" Lingon ni Aila kay Kate. Kanina pa kasi iyon nakatingin sa kanya.

"May gusto ka bang sabihin sa akin?" Anito.

"Wala!" Iling nya dito.

"Ah okay. Wala kang sasabihin." Anito tapos lumapit iyon sa kinauupuan ni Aila. "So, ako na lang ang mag tatanong--"

Napatingin si Aila dito. Patay! Anong sasabihin nya ba dito?

"Sino si Aaron?"

"Ahmmmm--" napapakamot sa ulong sambit nya.

"Okay. Let me rephrase it. Ano mo si Aaron?"

Tinitigan nya si Kate. Should I tell her. Aniya sa sarili. Sabagay, close friend naman nya ito at for sure naman hindi sya nito titigilan sa kakatanong.

"B-Boyfriend ko--" halos pabulong nyang sabi dito.

"What?" Anito. Hindi yata nito narinig ang sinabi nya.

"Boyfriend ko--" muli nyang sabi.

"I can't hear you--" anito.

Napabuntong-hininga si Aila.

"Boyfriend ko nga!"napalakas nyang sabi na halos marinig iyon sa buong office nila.

"Wooohhhhhh!" Tili ni Kate. "May Boyfriend na si Aila!!" Sigaw nito.

Nag palakpakan naman ang mga ka officemate nya at ang iba nga'y binati pa sya.

"T-thank you!" Nahihiya nyang sabi saka hinila si Kate. "Ano ka ba. Nakaka hiya!"

"What Aila? Ikinahihiya mo ang ganon kagwapong jowa?" Anito. "Kung ako iyon, ipag lalandakan ko pa iyon sa buong mundo!"

"Nakakahiya sa kanila!" Halos pandilatan nya iyon ng mata.

"Okay." Anito saka naupo na. "Excited lang naman ako!" Anito. "Pero curious ako--" biglang sabi nito.

Napatingin si Aila dito.

"Paano nang simula ang love story nyo?"

Nangiti si Aila. "Mahabang kwento--"

"Okay. Basta ang importante masaya ka." Sabi nito. "I'm so happy for you girl!" ngiti nito. Halata sa tinig nito ang saya.

Ngumiti si Aila saka tinignan iyon.

Dapat ba syang maging masaya? Hay! Kung alam lang ni Kate kung anong klaseng relasyon meron sila.

Napa buntong-hininga si Aila saka ibinaling na ang atensyon sa ginagawa.

"Break time na!" Kalabit sa kanya ni Kate.

"Oo nga!" Aniya. Hindi nya namalayan ang oras dahil busy sya sa ginagawa.

Sa may cafeteria na lang sila ng lunch ni Kate. Mas okay yon para malapit lang sa office nila.

Pagkatapos nilang kumain bumalik na agad sila sa office.

Sinimulan na rin nya ang ginagawang trabaho. Gusto nya kasing matapos agad iyon para hindi na nya kailangang mag OT. Friday naman ngayon at wala naman syang pasok bukas pero gusto nyang makauwi na rin ng maaga.

Alas singko na ng hapon. Tumunog na rin ang bell hudyat na uwian na.

"Di ka yata OT ngayon?" Bulong sa kanya ni Kate nang makitang nag aayos na sya ng mga gamit nya.

"Tinatamad akong mag OT" biro nyang sabi dito.

Tumawa iyon.

"Lets go!" sabay silang nag out at nag abang sa elevator.

"Susunduin ka ba?" Narinig nyang tanong ni Kate.

"Huh? Hindi--" ngiti nya. Nasa lobby na sila noon at palabas na ng building. "Nandyan na ba sundo mo?" Tanong nya kay Kate.

"Parating na--" sabi nito.

Nasa labas na sila ng building nang mag ring ang phone ni Aila. Si Aaron ang tumatawag.

"Hello?" Sagot ni Aila.

"Hi!" Anito. "Are you going home?"

"Ah yes."

"Are you free tomorrow night?" Narinig nya tanong nito.

Napa isip si Aila. Yayayain ba sya nitong mag date?

"Yeah. I dont have any plan tomorrow--" sagot nya.

"Ok. I was invited for a party. I want you to come with me."

"Ahm....o-ok"

"See you tommorrow night." Anito saka ni off na yung phone.

"'Whats wrong?" Tanong ni Kate.

"'Si Aaron, his inviting me sa party ----"

"'Wow!! Really? For sure sosyaling party yan!" Tila na excite na sabi ni Kate.

"'And thats my problem--" palatak ni Aila.

"Why?" Kunot noong tanong ni Kate.

Napatingin si Aila dito saka napatawa.

"Hello! Look at me---" anito sa malungkot na tinig.

Tinignan sya ni Kate. "Your beautiful, your sexy. So whats the problem?"

"Ano ka ba! You know naman na hindi ako uma-attend sa mga ganoong party. Ano na lang magiging hitsura ko doon. Baka pagtawanan pa ako.Tiyak na mga kilala at bigating tao ang dadalo doon. Nakakahiya naman---"

"Ang harsh mo naman sa self mo--" ani Kate.

"Totoo naman. Parang I don't belong there and----"

"Sssshhhhh' narinig nyang sabi ni Kate. "Can't you see me"

"Huh?" Nalilitong tingin ni Aila dito.

"Your problem? Solved na yan!" Ngiti nito.

"What do you mean?" Lito pa rin si Aila.

"Your attire, your hairstyle, make up etc...leave it to me---"

"Seryoso ka?"

"Yes!"

Natawa si Aila.

"Puro ka naman joke!" Saka bahagya nya iyong hinampas.

"I mean it! I'm not just your friend." Saka humarap iyon sa kanya. "I'm your Fairygod Friend!" Saka ngumiti iyon.

"Are you serious?"

"I will make your night magical! And I'll make sure na lalong ma i-in love sayo si Aaron" tila kinilig pa iyon.

"Ahhhmmm Kate. You don't have to do this---"

"Aila! Don't worry. I'll got you!" Ngiti nito saka kumindat pa.

Napatingin si Aila dito saka napilitang ngumiti.

Matutuwa na ba sya or mas kailangan nyang mangamba?

Napa buntong hininga sya saka muling tinitigan si Kate na busy sa kaka search sa internet ng mga Attire at hairstyle sa mga ganong okasyon.

Well, fashionista naman si Kate. Okay naman itong mag damit at mag ayos sa sarili pero may kaba pa rin syang nararamdaman.

"Lord! Kayo na pong bahala sa akin!" Naiusal na lang nya.
















CINDERELLA'S SHOES(A Fairytale Love Story)COMPLETEDWhere stories live. Discover now