WAVE TWENTY-EIGHT

Start from the beginning
                                    

Lumabas na kami sa private balcony. Iniwan nalang niya ang pera sa ibabaw ng lamesa dahil wala kaming waiter na mahagilap.






Lumabas kami sa restaurant ng hindi siya kumikibo. Tinganan mo nga naman ang isang ito, mamimikon pero heto at siya ang unang napikon.






"Ano ba ang problema mo?" tanong ko sa kaniya nang makita ko na ang kanyang sasakyan.







Pero nang makalapit na kami ay hindi pa rin siya kumikibo. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at tahimik naman akong umakyat roon.






Narinig ko ang pag bukas ng pintuan sa likuran kung saan niya inilagay ang aking pinamili.






Nakahalukipkip lamang ako sa loob ng sasakyan. Buong akala ko ay agad niyang papa andarin ang kaniyang sasakyan pero hindi.






Nanatiling nasa manibela ang kamay niya at nakatulala sa harapan. "Really Dark? What is your problem?" iritang tanong ko sa kanya.






"I was just joking about earlier. Bakit kailangan mo pang tawagan ang ibang lalake?" napatigalgal ako sa kanyang sinabi.






S-so iyon lang ang ikinakasama ng loob niya? Tinakpan ko ang aking bibig upang pigilan ang mga tawang nagbabadya na lumabas.







Pero nang makita kong pinupukaw na niya ako ng nakakamatay na tingin ay hindi ko na kinaya pa at napahagalpak na sa tawa.






Pero nang ma realize ko na may kasalanan nga pala siya ay agad ko iyong inihinto. Umayos ako ng upo at siya naman ito ngayong nagtataka sa aking pinapakita.







Hindi ko siya nilingon at tanging sa harap lamang ang aking tingin habang paulit ulit na nag bubuntong hininga.






"What?" ani niya pero hindi ko pa rin siya pinansin at pinagpatuloy lamang ang aking ginagawa.






"Fine! Hindi ko nakalimutan ang birthday mo. Actually I even bought you a present pero mukhang hindi mo pa iyon nakikita." sabi niya kaya agad akong napalingon sa kanya.






"Kahapon hindi ba at naalala mong nagpunta ako sa inyo?" tumango lang ako. "Naabutan kitang natutulog tapos ang sabi nila Pen you vomited kaya hindi na kita ginising." sabi niya.








"Iniwan ko nalang ang regalo ko sa'yo roon, but it seems like you didn't know huh?" mapanuyang sabi niya. Napanguso ako dahil ro'n.








Ang balak ko ay pagsisihin siya pero mukhang ako pa yata ang nagsisisi ngayon. "Hindi bale na, dala ko naman ang pinaka regalo ko sa'yo ngayon." sabi niya kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.






"I want to give you this personally." sabi niya. Kita ko naman ang dahan dahan niyang pagdukot sa kanyang bulsa.








Nanlaki ang mata ko dahil sa aking nakita. Isa itong pulang box na mahahalata mo agad kung ano man ang nasa loob pero ayaw kong mag assume.






Nakabukas ang bibig na napatingin ako sa kanya. He flash me his sweet smile and open the small box immediately.






"I know that I'm still in the stage of courting you and I'm insane if I will do this pero wala na akong pake. I wanted to mark you now as mine, Zyreen." seryosong sabi niya.







"Dahil kahit gaano katagal mo man akong sagutin at paghintayin, sinisiguro kong babagsak ka rin naman sa akin." his words are like music to my ears.





Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now