Chapter 49

101 5 0
                                    

nagising ako ulit ng maaga ngayon dahil mag jojoging sana ako plano ko rin sanang mag gym ngayon pero nawawalan talaga ako ng gana,mas lalo akong nawalan ng gana nang tinawagan  ako ni demmss  na hindi tuloy ang flight niya dito next week dahil may schedule pala siya.

nakakainis sobrang boring ko, although meron naman akong kaibigan pero alam kong kinakaibigan lang nila ako dahil may pera ako! mas maganda padin yung tunay

kaya napag desisyonan ko nalang na bumaba at baka ready na ang breakfast

nung bumaba ako si mommy at daddy kumakain na hindi manlang nila ako tinawag or katokin sa kwarto

hindi nalang ako nagsalita at dumiretso na sa upuan ko

umupo nalang ako at kumain hindi sila umiimik at patuloy lang sa pagkain

kaya nagsalita na ako

"bakit po kayo tahimik?"

hindi pa din sila nagsalita

hindi ko nalang pinansin at pinagpatuloy ang pagkain ko

siguro galit parin sila sa inasta ko kagabi?

bahala na nga lalabas na lang ulit ako ngayon

andito na ako sa kwarto ko kakatapos ko lang magbihis, nakaligo na din ako

aalis ako ng bahay at mag shopping nalang ulit ako

pababa na ako ng hagdan at nakita ko si mommy na nanunuod ng tv habang si daddy wala, nasa garden  siguro

kahit ano naman yatang pagpapansin ko hindi ako papansinin nyan kaya hayaan ko nalang muna

"im going"

yun lang sinabi ko at umalis alam ko din naman kasing ayaw nila akong kausapin at naiintindihan ko naman yun,

pumunta nalang ako sa grahe'an namin at pumasok na sa kotse ko para paandarin at pupunta ng mall yun lang kasiyahan ko kapag malungkot ako eh

andito na nga ako at pupunta lang ako sa jewelry section para mag tingin tingin kung may magustuhan bibilhin ko

"hi maam good morning"

bati sakin ng sales lady

tinanguan ko nalang siya at nag tingin tingin sa ring section

may umagaw sa atensyon ko isang napakagandang diamond ring

bilhin ko kaya?

total alam ko naman na walang magbibigay sakin nito eh

forever na yata akong single

kukunin ko na sana ang sing sing na yun nang naramdaman kung nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko muna yun at tinignan kung sino ang tumatawag

Donny?

"ow hi?"

bati niya kaagad

"uy hello? bat napatawag ka?"

bakit kaya siya napatawag?

"im here"

simpleng sabi niya ..wait.... he's here?

"huh? saan? dito sa Manila?"

"guess what?"

"omgggg! talaga? where are you pupuntahan kita!?"

masayang bati ko at lumalakad palabas ng mall nanghinayang tuloy ako sa diamond ring na yun,nakalabas na nga ako sa jewelry section dahil magkikita nga kami,babalikan ko nalang siguro yun mamaya or bukas..

"wag na, ako na pupunta sayo nakakahiya naman sa CEO na kagaya mo"

natatawa niyang sabi, hindi pa din nagbabago ang loko haha ganun pa din siya

nag text nalang ako ng place na pwede kaming magkita

malapit lang din sa mall na pinuntahan ko

sa isang cafe

kakadating ko lang and ang dami namang tao! ayoko pa naman sa maiingay! pero na send ko na ang location sa kanya eh,

pagkaupo ko nilapitan kaagad ako ng waiter at binigyan ng menu kaya kinuha ko nalang yun at nagtingin tingin

nag order lang muna ako ng cake habang inaantay siya

"hey"

napa angat ako ng tingin ng nakarinig ako ng pamilyar na boses  at alam kong siya na nga yan

tumayo kaagad ako at niyakap siya

"omayghad, you're really here!"

masayang bati ko habang nakayakap pa din sa kanya niyakap niya na din ako ng mahigpit

"of course! hello nagsasalita ako!"

sarcastic na sabi niya

naghiwalay na kami ng yakap ng bumitaw na ako at umupo na
napatingin tuloy ako sa paligid at mukang halos lahat ng tao nakatingin samin

"how are you?"

tanong niya sakin

"well im still pretty,you know"
sabi ko at pinagpatuloy na ang pagkain ng cake ko

nakaupo na pala kami

nag'usap lang kami nang nga bagay bagay

"so kailan balik mo?"

tanong ko sakanya ..

"next week pa,may time pa tayo"

may time pa kami?

"what?"

natatawang tanong ko

"nevermind haha,so kamusta ang love life nang isang CEO?"

nakakaloko niyang tanong

"ikaw ha! nakakaasar kana"

sabi ko at tinarayan siya, tumawa lang ang loko

kumain nalang kami

masaya kaming nagkwekwentuhan

nang may biglang nagsalita sa likod ko

"you look happy together"

isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa likod ko..

hindi pa ako nakakatingin nang nagsalita ulit siya

"kaya pala ayaw mo akong maging ka business partner mo, dahil baka magalit boyfriend mo?"

huh? this time tumingin na ako sa likod ko at sinampal siya

"How dare you!"


Im Inlove with My Brother? (Completed)Where stories live. Discover now