[1]

149 8 3
                                    


***

"Uy, Jico! Alam mo na ba ang latest?"

"Ano'ng latest?" hindi lumilingong tanong ko sa kasamahan ko sa dorm na si Elise. Busy kaya ako. Kasalukuyan kong ini-stalk ang profile ni Kookie sa Twitter. With his thousands of followers, I am keeping my fingers crossed that he will follow me back. Kookie is a member of a seven member hip-hop boy group BTS from South Korea, by the way. Yep, I am a K-popper and I am proud of it.

Anyways-highways, my name is Jiles Corinne Ongpauco. I am a first year college student taking up Bachelor of Mass Communication here in FEU. I am the youngest daughter of Vice-Governor Ongpauco from Tarlac. I came from a rich family of hacienderos.

"Magkakaroon daw ng Kpop convention sa Singapore. And guess what, pupunta ang BTS."

"Eeeh? Di nga?"

"Yup-yup."

Napatili ako. As in! 'Yong tili ko ay puwedeng umabot hanggang sa amin sa Tarlac.

"Pupunta ako!" my ultimate dream ay ang makita ang aking bias at ultimate dream man na si Kookie ma labs!

"Papayagan ka kaya sa inyo?"

"It's only a three-hour flight from Manila, right? I'm sure papayagan ako ni Papu."

"Three hours and forty-five minutes max."

"Yep, whatevs!"

Hindi naging madali ang pagpapaalam ko kina Papu. Of course, okay lang sa kanila ang pagpa-fangirling ko. Especially with my Mamu who's very supportive at mas excited pa sa akin na maging son in-law si Kookie ma labs. Pero may inilatag na kondisyon si Papu, kelangan mag-top ako sa klase namin sa semester na iyon.

No problemo. Dahil hindi sa pagmamayabang, brain and beauty yata ako. O, di ba? Ang laki ng suwerte sa akin ni Kookie ma labs.

One month after ay gorabels na kami ni Mamu sa Singapore.

This is it, pancit! Itinodo ko na ang aking pagpa-fangirling. Todo ang tili ko at palakpak nang mag-perform ang BTS. Kahit halos mawalan na ako ng boses ay ayos lang. Ang hot ni Kookie! Lalo tuloy akong na-inspire isiping siya na talaga. He's the one! He's singing was flawless. The choreography of their dance moves was executed perfectly.

Walang pagsidlan ang tuwa ko. Sumasabay ako pagwi-wave ng lightstick. Pati si Mamu ay nakiki-wave rin. Earlier ay bumili kami ng mga collectible merchandise. Hindi bilang pasalubong kina Ate at Kuya, kundi bilang karagdagang koleksyon sa mga collection items ko na panay BTS.

Standing ovation kami. Hindi naman masyadong siksikan. In fact, during the event ay puwede kaming sumabay sa dance move habang nagpi-perform ang mga groups. Habang kinakanta ng BTS ang No More Dream ay napansin ko ang isang fanboy two person apart mula sa kinatatayuan ko. I can't tell kung ano ang hitsura niya dahil medyo dim ang lighting. What caught my attention was the way he moved. At mukhang fanatic siya ni Rap Monster. Sinasabayan niya talaga ang pagra-rap nito. Even the hand gestures ay kuhang-kuha niya.

I wasn't aware na masyado na akong na-hooked sa panonood sa kanya kaysa sa performance ng BTS. He danced so smooth and almost as perfect as the BTS choreo. Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko!

OMG, he's cute!

He winked at me and he smiled. I was about to return his smile nang maalala ko ang reminder ng isa kong friend from Manila. Na sa mga ganoong event daw ay hindi safe ang basta-bastang makipagpalitan ng ngiti sa isang estranghero. Lalo pa nga at mukhang hindi siya Filipino. Oh, well. Mahirap ma-differentiate kung Pinoy din siya o native ng Singapore. Medyo tsinito kasi siya at maputi.

My love is not the Star (One Shot Story)Where stories live. Discover now