•••

Nandito kami sa isang bilihan ng damit sa Araneta hindi naman siya masyadong mahal. May mga damit naman na kaya sa bulsa. Pinapili ko na sila ng mga gusto nilang bilhin.

Habang namimili sila ng mga damit ay biglang tumunog ang cellphone ko. Lumayo muna ako sa kanila para sagutin ang tawag.

"Hello, Sky?" Sagot ko.

"Where are you?" Tanong niya. Mukhang tapos na siya sa meeting niya.

"Nandito kami sa Araneta, bakit?"

"I'll go there," sabi niya at sinabi ko sa kaniya kung nasan kami.

"Wala ka na bang trabaho?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala na, I'll go now. Bye! I love you.." sabi niya at pinatay na ang tawag.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Ganiyan palagi si Sky, walang tawag na hindi niya ako sinasabihan ng I love you sa dulo.

He always make me feel that every seconds was important. Pinaparamdam niya sakin na worth ako, worth it ako pagtoonan ng pansin. Hindi naman na lingid sakin na may mga manliligaw ako nung highschool at college. Pero wala akong matipuhan sa kanila, wala akong maramdaman na nararamdaman ko kay Sky ngayon.

Siya yung taong ipaparamdam sayo na kahit gumuho man ang mundo, pero hindi yung pagmamahal niya. I was so lucky to have him, hindi ko na inisip ang sasabihin ng ibang tao sakin. Ang gusto ko lang ay kung paano ko ipaparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.

Ayoko siyang mawala sa buhay ko, hindi ko ata kakayanin na mawala siya sa buhay ko. He's the one who can make me feel that I'm worth it. Siya yung tipo ng tao na ipaparamdam sayo na deserve mo ng atensyon, deserve mo yung pagmamahal.

"Anak..." nabalik lang ako ng tinapik ako ng Mama ko. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Sobrang naa-appreciate ko lang talaga si Sky sa pagmamahal at oras na binibigay niya.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Mama sakin. Suminghot pa ako bago ngumiti kay Mama at tumango.

"Okay lang ako, Ma.. ano? Nakapili na ba kayo?"

"Oo, anak. Kanina ka pa namin tinatawag pero hindi ka lumilingon.. masama ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Mama. Hindi ko pala namalayan na kanina pa nila ako tinatawag. Masyado ata akong nalunod sa sarili kung iniisip.

"Okay lang ako Ma.. wag kang mag-alala. Tara na?" Tumango lang siya at inangkla ang braso niya sa braso ko. I smiled. She's always be the clingiest mother I know.

Habang nagpapa-cash kami ay biglang may pumasok sa loob. Nakita ko kung paano nagsi-laglagan ang panga ng mga babaeng nakakita sa kaniya. Sky was entering the shop with his both hands inside his pocket. With his office attire he looks handsome, wala naman atang oras na hindi siya pogi. Kahit nga ata mag short at mag-tsinelas ay babagay parin sa kaniya.

As soon as our eyes meet he automatically smiled. Ngumiti rin ako sa kaniya, lumapit siya sakin at hinalikan ang pisngi ko. Lumapit din siya sa magulang ko at nagmano at tinapik ang balikat ng kapatid ko na tipid lang ngumiti.

"Are you all done?" Tanong ni Sky habang nagpa-punch pa ang cashier sa mga gamit na pinamili nina Mama.

"Malapit na," sabi ko sa kaniya.

"I'll pay that," sabi ni Sky sakin. Kaagad akong umiling, pati ba naman sa pamilya ko ay siya ang magbabayad? Wag na 'no!

"No, nabayaran ko na." He sighed and nod. Pagkatapos ma-punch ay binigay na sa Mama ko. Hindi parin mawala ang tingin ng ibang babae sa kasama ko.

"Dude," napalingon kami ng biglang may tumapik sa balikat ni Sky.

"Kyle.." sabi ni Sky at nag man-hug sila. Ngumiti lang si Kyle sakin bago binalingan ang kasama namin.

"Pamilya mo?" Tanong niya, tumango naman ako. Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa Mama at Papa ko.

"Hi po, Tita, Tito.. ako po si Kyle, kaibigan ni Sky.." nakangiting sabi niya. Ngumiti naman ang magulang ko at binati rin siya.

"What are you doing here? Are you with someone?" Tanong ni Sky sa kaniya.

"Yeah, I'm with my girl." Sabi ni Kyle at kumindat kay Sky. Umiling naman si Sky sa tinuran ng kaibigan. Umiling rin ako dahil alam ko na ang ibig sabihin niyan. Kapag sinabi niyang 'I'm with my girl' isa lang yan sa mga naging babae niya pero kapag sinabi niyang 'I'm with my future wife' trust me.. he's serious with you.

Unti-unti ko na ring nakikilala si Kyle at Christian sa mga ugali nila pagdating sa mga babae. Nagpaalam na kami kay Kyle at pumunta na kami sa Messy Bonbon na restaurant. Inaya kasi kami ni Sky dahil lunch na din naman kaya hindi na ako nakatanggi.

"Sky, hijo? Pwede ba kitang makausap?" Biglang tanong ni Papa. Nagulat ako dahil tahimik lang naman siya sa relasyon namin ni Sky.

"Pa.." sabi ko. Anong sasabihin niya kay Sky?

"Wag kang mag-alala anak, kakausapin ko lang ang boyfriend mo.." sabi ni Papa. Hindi ko mapigilang mag-alala dahil sa mga kinikilos nila.

"Don't worry, I'll be fine."

_________________________________________________

:> ❤️❤️❤️

I'm InLove With YouWhere stories live. Discover now