"Yeah, I'm fine.. don't worry." Sabi niya at hinalikan niya ako sa noo. Pinuntahan ko muna ang pamilya ko sa loob.

"Ma.." tawag ko sa mama ko.

"Oh, anak?" Baling naman niya sakin.

"Dito kayo kila Tita matutulog?" Tanong ko sa kanila. Hindi kasi ako dito matutulog.

"Oo, anak. Ikaw ba?"

"Ah, Ma.. sa condo kasi ako ni Sky matutulog ngayon.." sabi ko. Three days lang sila dito dahil kailangan din nilang bumalik para sa trabaho ni Kuya. Buti na nga lang nandito sila sa graduation ko.

"Ganun ba? Oh sige.." sabi niya.

"Wag kayong mag-alala, ipapasyal ko kayo bukas.." sabi ko sa kanila.

"Sige kung ganun.." nakangiting sabi niya. Alam kung approved nila si Sky. Nilapitan ko naman ang papa ko.

"Pa.." bumaling naman siya sakin at binigyan ako ng tipid na ngiti.

"Anak..." sabi niya sakin.

"Kamusta pa? Ba't pumapayat ka? Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko. Last ko kasing kita sa kaniya ay hindi naman siya ganito ka payat.

"Okay lang ako anak.. wag kang mag-alala sakin.." sabi niya. He feels so weak.

"Kumakain ka pa ba, pa?" Nakakunot na ang noo ko.

"Oo naman anak, ako pa ba?" Tumawa siya pero hindi ako natawa. Ewan ko ba siguro marami lang akong iniisip.

Pagkatapos kung kamustahin ang pamilya ko ay bumalik na ako kay Sky. Pagkatabi ko sa kaniya ay niyakap ko kaagad ang beywang niya at naglalambing sa kaniya.

"Wala ka bang trabaho?" Tanong ko sa kaniya.

"Nope, I don't have meetings either.." sabi niya sakin at ngumiti. Alam narin ni Jane nung nakaraang araw na kami na at kinikilig talaga siya.

***

Kumuha ako ng breakfast para sa boyfriend slash boss ko. Baka magsusungit na naman yun. Pagbaba ko ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tinawagan pa talaga ako ng kumag.

"Yes, Sir?" Sagot ko.

"Get your breakfast too, we'll dine together. Bye! I love you.." at pinatay niya na ang tawag. Kita mo 'tong lalaking 'to. Pagpasok kung cafeteria ay sinabi ko na kay Ate Kyla ang order ko. Nakakalokong ngiti naman ang binigay niya sakin.

"Sabay kayo ng baby mo kakain?" Panunukso niya pero tumango lang ako. Kinikilig naman siya kaya napapatingin ang ibang tao sa kaniya. Umiiling-iling nalang ako sa kaniya at nagpaalam na.

Umakyat na ako at pumasok sa loob tsaka ni lock yung pinto. Baka may pumasok e.

Sabay kaming kumain ni Sky at nung pagkatapos naming kumain ay bumalik  na ako sa table ko at busy si Jane na nakatingin sa cellphone niya. Nang makita niyang nakabalik na ako sa table ko ay bigla siyang lumapit sakin habang kinikilig.

"OMG! kayo na?!" Mahinang boses lang pero ramdam mo yung tili sa loob-loob. Nahihiya akong tumango sa kaniya.

"Pano mo nalaman?" Pinakita niya sakin ang account ni Sky. Nakapost dun ang picture ko na stolen. Nakatingin ako sa sunset, sa camiguin ang stolen na yun. Kinuha ko kay Jane ang cellphone niya.

May nakalagay na caption na 'happiness' maskin ako ay kinilig sa nilagay niya. Nakita ko ang comment ng ibang babae at ang kaibigan ni Sky.

@chrstangonzaga: woah bro! First time ah?
@kyle_cuevas: she is really beautiful bro, lucky boy haha

Pumula naman ang mukha ko sa sinabi ni Kyle. Hindi na naman lingid sakin na nakakatanggap ng ganyang compliment. Pero iba parin talaga ang epekto kapag kaibigan ng boyfriend mo ang nagsabi. Binasa ko ang comment ng mga babae.

@itsophie: omg kuya! She's beautiful is she your girlfriend?

@lorraineee: ang ganda niya kuya, I want to meet her

@anna: who is she? She's not beautiful.

@Blue: sino siya sky? Hindi naman kayo bagay.

Natutuwa ako sa comment ng mga kapatid at kaibigan ni Sky. At napairap naman ako sa dalawang nagkakagusto rin ata kay Sky.

I don't care ako ang pinili ni Sky over them. I'm still lucky tho'

***

_______________________________________________

:> ❤️❤️❤️

I'm InLove With YouWhere stories live. Discover now