Chapter 11

14 0 0
                                    

Paakyat pa lang ako sa jeep ay ang biglang pag-ring naman ng Cellphone ko, nang makaupo ako ay agad kong kinuha sa bag ko ang cellphone.

Akala ko si Mama ang tumatawag ngunit mali ako, hindi naka save sa contacts ko ang number ng tumatawag. Baka si Jhackier My Love na 'to.

"Hello?" patanong kong sabi nang sagutin ko ang tumatawag. Sana si Jhackier My Love na 'to. "Hello? Hello? Kaloka! Sino' to?" tanong ko muli. Ang tagal kasing sumagot e. "Si Jhackier My Love ba 'to? Kung hindi bahala ka sa buhay mo, ayaw mong sumagot agad," saad ko.

Tangka ko na sanang ibaba ang linya ngunit hindi ko na nagawa nang magsalita na ang tao sa kabilang linya.

"Wait. It's me, Jhackier," saad ng taong nasa kabilang linya. Ang kanina kong inis na mukha ay napalitan ng pagngiti.

"Ay, sabi na ikaw 'yan e," saad ko at humalakhak. "Bakit ka nga pala napatawag?"

Napayuko ako nang mapatingin ako sa paligid, nakatingin kasi ang mga pasahero sa akin, kaloka. Ang ingay ko kasi, e. Panigurado rin ako na nagagandahan silang lahat sa akin kaya nila ako tinitignan.

"Hello? Hello? Hi? Hi?" paulit-ulit kong tanong upang kumpirmahin kung nasa linya pa ba siya. Ba't kasi ang tagal niyang sumagot?

"Can we go out tomorrow? Ano, Sa mall lang naman 'uli, puwede ba?"

"Seriyoso? Oo, puwedeng-puwede!" agad kong sagot. Napatakip ako sa aking bibig nang kunot noo akong tignan ng mga tao dito sa loob ng jeep.

Ba't kaya gusto niya kaming magkita 'uli? Baka mamaya liligawan niya na pala ako. Bigla akong napakagat sa aking hinlalaking daliri dahil sa aking naisip.

"Thank you, where are you?" tanong niya.

"Nasa Jeep na. Ikaw?" tanong ko. Napahagikgik naman ako nang tanungin ko siya, parang close na close na kasi kami dahil sa tanong ko.

"I'm driving. I'll call you back later. Ingat, Casilyn." Napabuntong hininga na lamang ako nang babaan niya ako ng linya.

Kainis, hindi manlang niya muna ako hinintay na magpaalam rin sa kaniya.

Nang ako ay makauwi naabutan ko si Mama na nakatayo sa labas, nakatayo siya sa may' pintuan.

"Bakit ngayon ka lang? Mag-a-alas siyete na," salubong na kilay na tanong ni Mama. O.Ana Dragon na naman si Mama.

Pero kahit nakakatakot ang mukha ni Mama ay binigyan ko pa rin siya ng napakalaking ngiti, kahit O.A na dragon siya ay hinalikan ko pa rin siya sa pisnge.

"OA ka na naman, Mama. Malaki na po ako, wala pong mangyayari sa akin na masama." Nilagpasan ko na si Mama upang tuluyan nang makapasok sa bahay. Binato ko ang bag ko sa couch. "Kalma lang po tayo, Ma'. Ha?" saad ko muli. Humiga ako sa coach na animoy ako ay pagod na pagod.

"Kalma, Kalma?" si Mama. Umupo siya sa paanan ko, napanguso ako na parang isang bata nang kurutin niya ang tagiliran ko. "Nakong bata ka. Alam mo naman na hindi ako sanay na ganitong oras ka umuuwi," saad ni Mama. Napauwang naman ang labi ko.

Umupo na ako sa coach at binigyan siya ng napalaking ngiti. Kailangan magpakabait pa rin ako, bawal rin na magmukmok ako habang ako ay  sinisermunan niya. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay alisin ang galit niya upang payagan niya muli akong pumuntang Mall bukas.

"E, bakit no'ng college ako? Ilang beses na kaya akong umuwi ng gabi noon, minsan pa nga natutulog ako sa bahay kaklase ko e. Kaya dapat, Mama. Masanay ka na. Paano na lang kapag may' na trabaho ako, 'di ba?" Nagsalubong naman ang kilay niya dahil sa aking sinabi.

Maya-maya lang ay nawala ang na ang pagsalubong ng kaniyang kilay at napabuntong hininga na lamang siya.

"Hindi ko naman maiiwasan ang mag-alala sa'yo. Pero, Anak? Nasasakal ka na ba sa amin ng Papa mo, sobrang mahigpit ba kami sa'yo?" seriyosong tanong ni Mama dahilan para ilingan ko siya agad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Im just a FanWhere stories live. Discover now