Chapter 8

9 0 0
                                    

"Siya unang kumausap sa amin nagandahan kasi siya sa akin, kaya siguro gusto niya akong kaibiganin, " saad ko at nagkibit balikat. Napahawak ako sa aking tenga ng pitikin ni Daira ang tenga ko.

"Kapal mo talaga e no. Kinausap lang kita no'n dahil ang tahimik mo," sabi niya at inirapan ako. Tinuon niya ang kaniyang tingin kayla Tanya."Halos lahat kasi ng mga Classmate namin noong Highschool ay iniiwasan ako, mga pikon kasi, nagsasabi lang naman ako ng totoo na mga amoy putok sila. Tapos itong si Casi tahimik lang, alam niyo naman feeling tahimik siya sa umpisa. Kaya siya ang nilapitan ko."

"Manahimik ka nga diyan, tahimik lang naman talaga ako ikaw nga diyan ang madaldal. Change topic na lang kaya tayo, panigurado kasing sisiraan lang ako sa kuwento nitong si Tarsier," sabi ko ngunit sabay-sabay silang umiling.

Bakit ba parang enteresadong-enteresado sila sa amin?

Pagkatapos namin kumain ay ito kami ngayon naku-kuwentuhan, noong una 'yong dalawang babae ang kuwento nang kuwento. Tuwang-tuwa pa nga ako dahil makakausap ko itong tatlong artista na si Tanya, Fritz, Witmer at pati na rin pala si Wendy. Pati rin ang tatlo sa kapwa ko Fan ni Jhackier My Love. Ngunit nawala ang tuwa ko ng tanungin nila kung paano kami nagkakilala ni Daira.

"No. Gusto kong malaman ang kuwento niyong dalawa," sabi ni Tanya.
Napabuntong hininga na lamang ako.

"Okay, para tapos na agad. Kami lang dalawa ang nakakatiis sa ugaling mayroon kami," sabi ni Daira. Napangiti ako sa kaniyang sinabi at ganoon rin si Daira. Nang kami ay magkatinginan ay nag-apir kaming dalawa at sabay na humalakhak.

"Loka-loka talaga itong mga baklang 'to. Kanina nagtatalo tapos ngayon nagtatawanan," umiiling na sabi Nikks.

"Ikaw, Nikks? Bakit ka Baboy na negro at bakla pa?" tanong ni Daira sa kaniya.

Tatawa na sana ako ngunit hindi ko na nagawa nang makita ko si Jhackier My Love na nasa likod namin na nakaupo sa sofa. Kaming lahat ay nakaupo sa sahig samantalang siya ay nakaupo sa sofa habang siya ay nakapikit. Natutulog si Jhackier My Love kaya puwede ko na siyang halikan.

Kill joy rin itong si Jhackier My Love, hindi manlang siya sumama sa amin dito para makipagkuwentuhan, kaloka. Sa kaniyang meet and greet ito pero parang siya naman itong guest lang na walang ginawa kung 'di ang tumahimik lang.

Tumayo ako at iniwan silang nagku-kuwentuhan, naglakad ako palapit sa kaniya. Nang ako ay makalapit ay umupo ako sa kaniyang tabi. Hindi ko naiwasan ang mapahagikgik habang kagat ang aking daliri upang pigilan ang aking pagkerengkeng.

Jhackier My Love, bakit ang pogi mo? Gusto kong itanong sa kaniya iyan para naman malaman ko kung may' pinagkukunan ba siya sa ng ka-guwapuhang mukha na mayroon siya.

Isang perpektong hugis ng mukha ang mayroon siya. Matangos ang kaniyang ilong at nakakainggit iyon dahil katamtaman lamang ang tangos ng ilong ko. Ang maganda niyang mata na paniguradong kapag ito'y minulat niya at ikaw ay tinitigan niya ay talagang titigil ang mundo mo. At ang kaniyang labi. Ang ganda-ganda dahil mapula ito kahit wala naman lipstick.

Magaling siyang artista at maganda ang kaniyang boses. Masungit at Bad Boy siya tignan dahil hindi siya palangiting tao, 'yon ang isa sa mga dahilan kaya siguro maraming humahanga sa kaniya. Lalaking-lalaki rin siya tignan. Panigurado akong mas lalo pang rumami ang tagahanga niya nang mapagtanto ng iba na mabait siya, sadiyang seriyoso lamang siya na tao.

Nakasandal lamang siya sa sandalan ng couch habang nakapikit, naka-krus ang kaniyang mga braso kaya kita ko rin ang kaniyang muscle, halatang matigas talaga iyon.

Nakasuot lamang siya ng puting T-shirt. Kanina ay naka jacket siya na itim, buti na lang talaga tinanggal niya ang jacket niya. Hawakan ko kaya ang muscle niya? 'Wag na lang, baka maihi pa ako sa sobrang kilig.

Im just a FanWhere stories live. Discover now