Chapter 5

12 0 0
                                    

Isa lang naman ako na tagahanga niya pero hindi ko akalain na mangyayari ito. Noon ay lagi akong nagbibigay ng mensahe sa kaniya sa online, kada oras ay ginagawa ko 'yon kahit pa alam kong hindi siya magre-reply.

Kada oras nagbibigay ako ng mensahe sa kaniya na para bang akala mo talaga ay nakakausap ko siya, umaarte ako sa bawat message ko sa kaniya na para bang ako ay isa niyang girlfriend na hindi niya pinapansin. Ginagawa ko 'yon dahil alam ko naman na hindi niya 'yon binabasa kaya sinusulit ko ang pagkakataon na mag-inarte.

Noon ang tanging alam ko lang na kaya kong matupad ay ang pangarap kong makita ko siya sa personal, ngunit ang makausap siya ay hindi ko inaasahan. Sobrang saya ko noon at hanggang ngayon dahil patuloy ko pa rin siyang nakakausap sa online, hindi man sa personal pero masaya ako dahil alam kong karamihan sa mga ibang fans ay pinapangarap na mapansin sila ng kanilang iniidolo.

Masaya na ako kahit isang beses lamang na pagpansin niya sa mensahe ko ang gagawin niya pero mas matinding kasiyahan pa ang naramdaman ko dahil hindi lang isang beses, kung hindi maraming beses kaming nagkakausap.

Simula noong araw na magreply siya sa message ko tungkol sa meet and greet na isasama niya ako sa isa big fan niya ay nagtuloy-tuloy ang pa aming pag-uusap, at sa mga sumunod pa na mga araw.

"Papa!" sigaw ko nang makabalik na si Papa na mayroong dalang kotse.

Nang dumating si Papa noong nakaraan na araw ay agad kong sinabi ang tungkol kay Jhackier My Love at naniwala siya sa akin agad. Hindi tulad kay Mama na hinusgahan ako agad at sinabihan pa ng baliw, kaloka, pinakinggan kasi ni Papa ang sinabi ko kaya pinaniwalaan niya ako.
Nang maniwala si Papa ay pinilit niya si Mama na tignan mabuti ang mga usapan namin ni Jhackier My Love at dahil doon ay pinaniwalaan na din ako ni Mama.

Hindi na ako makapaghintay na dumating na ang kinabukasan, dahil 'yon na ang pinakahihintay ko. Bukas na ang araw ng meet and greet ni Jhackier My Love.

"Maganda ba ang nahiram kong kotse, Anak?" nakangiting tanong sa akin ni Papa. Color black ang kotse at mukhang mamahalin talaga ito.

"Opo, Papa. Kaloka, baka magmukhang pagmamay-ari natin iyan kapag bumiyahe tayo papuntang Manila," saad ko habang pinagmamasdan ang kotse.

Nakakatuwa lang isipin na may' mabait na Amo si Papa, kaya siguro hindi niya rin maiwan ang trabaho niya dahil mabait ang kaniyang Boss. Ang sabi ni Papa ang trabaho niya daw ay Janitor sa isang kumpanya at minsan kinukuha daw siyang driver ng may-ari ng kumpanyang pinapasukan niya. 'Di ba? Grabe talaga maka-sideline si Pudrakels.

Talagang bumalik pa si Papa sa Manila upang hiramin ang kotse sa kaniyang Boss, hiniram niya ito para maihatid ako ni Papa bukas papunta sa meet and greet, gusto ko sanang mag-commute na lang papunta doon ngunit ayaw ni Papa. Ayaw niya daw mapagod ako. 'Di ba? Ang sweet talaga ni Pudrakels. Ang kaso lang sa pag-uwi ay kami na lamang ni Daira ang magco-commute dahil di-diretso na si Papa papasok sa kaniyang Trabaho.

"Aba, oo naman, kaya tara na, Anak. Mag-ikot tayo gamit ang sasakyan na ito at ipagmayabang na kunwari ay sa atin ito," saad ni Papa at humalakhak dahilan para mapagaya rin ako sa kaniya.

"Tara na po. Mama? Sama ka dali," tawag ko kay Mama na nasa loob ng bahay.

"Hindi na, kayo na muna ng Papa. Ayokong madamay sa kabaliwan niyo," umiiling na sabi ni Mama. Sinasabi niya lagi na baliw daw kami ni Papa. Ewan ko ba kay Mama, sadyang kill joy lang talaga siya.

"Ang KJ mo naman, Ma," sabi ko at narinig ko na naman ang pagtawa ni Papa.

"Ay naku, Casilyn. Magluluto pa ako, kayo na lang ng Papa mo." Napanguso naman ako na parang bata.

Im just a FanWhere stories live. Discover now