Chapter 2

692 116 103
                                    

Nasa classroom kami ngayon. Nadidiscuss ang Teacher-in-charge namin kung ano mga dadalhin for the class tomorrow regular classes na kami.

"Class, please don't forget to bring your 1x1 pictures and index card for tomorrow's class dahil may recitation. Thats all. Please stand up." sagot naming lahat.

Napahalumbaba agad kami dahil recitation na agad for the week. Ayaw na ayaw ko pa naman ang recitation na to kasi minsan namemental block na ako kapag randomly akong tinatawag ng guro ko pati prof din. Hays, SHS na wala na rin tayo magagawa.

"Goodbye section 3!" sabi sa amin ni Ms. Salazar. She waved us with her usual warm smile.

"Good bye, Ms. Salazar!" We said it in a choir.

Maya't maya nagkakagulo ang mga kaklase ko sa tapat ng pintuan ng aming classroom. Hindi ko alam ang pinagkakaguluhan. Naririnig ko ang kanilang tilian at tawanan halos lahat sa mga kaklase ko pati mga batchmates ko sa ibang strand.

"AAAA ANG POGI NIYA!"

" POGI NI LUCAS SHET!"

"PANSININ MO KAMI OH!"

Pumunta ako kina Zoe at Leighna na nasa tapat din ng aming pintuan ng classroom. Pagkarating ko sa puwesto nila, tinanong ko sila kung sino ba yung pinagsisigawan nila kasi mukha silang nanonood ng kdrama sa todong kilig.

"Zoe, sino ba mga yun, bakit sila nagtitilian?" Natatakang tanong ko sa kanya habang sumisilip sa labas ng classroom.

"Hindi mo ba yun kilala? Si Lucas Santos sa STEM Strand. VP siya!" Kwento akin ni Zoe.

Tabi lang ng aming classroom ang mga taga STEM sections. Tatlong sections lang ang HUMSS kaya tabi namin ang classroom niya bali STEM 1 siya.

"Hindi! sino ba siya?" nagtatakang tanong ko sa kanilang dalawa kasi mukhang kilala niya lahat dito sa school na ito. Wala naman kasi ako paki sino nasa ibang strand. Nahihiya din ako makipagkilala.

"Yung gwapo sa STEM Strand na matalino pero medyo snob siya eh!"

Dumungaw rin ako malapit sa pinto. Nakita ko siya nakaheadphones at naglalakad lang sa hallway tapos na siguro yung orientation nila. Saan kaya pupunta ito?

Magulo ang kanyang buhok at mapungay ang kanyang mga mata. Gwapo nga pero parang hindi ko gusto ang awraa niya. He was wearing a polo and black slacks while wearing a gray hoodie. His aura seems imtimidating.

Recess na namin kaya't nagyaya sila Zoe at Leighna patungong Starbucks. Itong school ko may canteen pero maraming kainan sa labas ng campus. Mas gusto ng kaibigan ko sa labas nalang bumili.

"Tara Starbucks sa recess!" yaya ni Leighna. She raised both of her hands like a hooray sign.

May Starbucks kasi kami malapit sa school. Pwede naman pumunta doon tuwing breaks at halos lahat ng students from schools malapit ay dito halos nagstay dahil sa sobrang init ng panahon.

"Tara sama ako! Sama ka ba Allieana?" sabi ni Zoe

"Oo tara na, Isang oras pa naman ang break time natin. So lets goo!" sabi ko.

Habang naglalakad kami nagkwentuhan kami ng kung ano ano. Malapit lang naman ang Starbucks kaya mabilis naman kami nakarating dito. Marami lang ang tao mostly mga nakaupo.

"Leighna, hanap ka na ng upuan para sa ating tatlo." Sabi ko sa kanya habang sila ay nakapila.

"Okay sige order muna kayo." sabi ni Leighna.

Wala naman masyado pila kaya't nagorder kaagad ako sa counter.

"Good Morning Ma'am. I would like to take your order." The cashier requested my order for today.

Chasing Dreams (Strand Series #1) [MAJOR REVISIONS]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora