Chapter 19

111 3 2
                                    

"Nasaan ka na ba?" tanong ko sa sarili ko na babakasaling bumalik siya sa akin. Hindi niya man lang sinagot ang tawag ko or text ko sa kanya.

My mind is still awake, still thinking of him. Kasama ko siya kanina sa amusement park and it seems happy and memorable at first sa date namin pero it is so sudden na hindi niya man lang ako babalikan.

Hindi ako nakaramdam ng kahit anong antok kaya nagbasa ako ng readings namin sa Environmental Social Science. Hindi ko muna kakausapin mga kaibigan ko siguro busy pa mga yun at sa school nalang kami magkikita. Maya't maya nararamdaman ko ang mabigat sa aking talukap kaya napaisipan kong matulog sa kama.

Kinabukasan, kahit handa na ako pumasok dahil may graded recitation kami, hindi pa rin siya nawawala sa aking isipan. Simula kagabi hindi pa rin macontact o kung ano meron sa kanya.

"Huy san ka galing kagabi? musta date niyo ni Lucas?" Kinamusta ako nina Zoe at Leighna habang naglalakad kami sa hallway. Sinalubong nila ako sa may hagdanan malapit sa hallway.

"Ewan ko bigla nalang nawala eh. Ayaw na macontact." Sinamungitan ko sila at deretso na sa classroom namin.

"Antayin mo ako!" sabi ni Zoe habang hinahabol ako papasok sa classroom.

I sitted on my desk while reading my readings sa isang subject. Habang sila ay sinundan ako at umupo sa sahig sa tapat ng desk ko.

"Ano nga nangyari?" pangungulit ni Leighna sa akin habang inaayos ang kanyang paguupo.

Medyo maaga pa kasi lalo na sa school namin may morning prayer pa pero habang hindi pa bell siguro kwentuhan ko nalang siya. Medyo malapit lang kami sa classroom ng mga STEM students pero hindi ko alam if makakapasok siya. I wanna see him so bad.

Kwinento ko sa kanila ang nangyari kagabi hanggang ngayon ay masakit pa rin sa akin na hindi man lang nagcontact. I saw sa facebook account niya ngayon pero inactive siya dahil lagi siyang busy lalo na vice president siya ng STEM.

"Pagkatapos nun, hindi ko na talaga siya makita kung saan. Sinubukan ko rin tawagan nung pagkauwi ko." Pagkwkwento ko sa kanila.

Saktong nagring ang bell at pinag gather kami sa dalawang classroom na magkatabi. Medyo nakakaantok ang morning prayer ngayon. I chose myself to sleep pero mamaya ginising din ako ng mga kaklase ko.

"Huy gising!" kinalabit ako ng todo ni Julianne kaya napatayo ako. Nahiya ako bigla dahil marami ang nakatingin sa amin pati ang teacher na nagleleksyon sa harapan.

I didn't mind but my eyes shoved through the line sa STEM Strand. Kadalasan kasi nasa harapan ang mga officers sa classroom pero wala siya. Hindi siya pumasok.

"Papasok ba si Lucas?" tanong ko kay Zoe habang nakikinig sa teacher sa harapan.

"Ayiee hinahanap" pangloloko sa akin ni Zoe kaya narinig din ng ibang section kaya tumatawa sila pasikreto.

"Hindi pumasok eh. Nagleave daw." kwento ng isang kaklase ko na may kaclose sa STEM.

I wondered saan ka na pumunta.. Lagi kitang hinahanap sa tabi't tabi. Sana pagdating mo, magdate tayo at pumunta sa paborito nating kinakainang restaurant o gagala lang kasama ng friends natin.

Dumating ang teacher namin sa unang subject. Puro discussion at nagparecitation. Hindi ako nakikinig pero sumasagot naman ako sa mga tanong hanggang sa magrecess break na. Marami na nagsisilabasan sa kani- kanilang classrooms.

"Tara pumila na tayo sa canteen! maraming tao panigurado" yaya sa amin ni Zoe habang dala dala ang kanyang tupperware para ilagay doon ang kanyang binili na pagkain.

"Sige sunod ako! may gagawin pa ako" Sabi ni Leighna kaya nauuna na kami pababa.

I ordered carbonara and iced tea tapos si Zoe naman ay isang clubhouse sandwich na may kasamang potato chips at iced tea. Umupo na kami sa may upuan na may dulo ng lugar na ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing Dreams (Strand Series #1) [MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now