008

20 2 0
                                    

11:11 PM


ABKD JM: #Day 4

Nakita ko yung post mo sa twitter. Ang sweet niyo tignan. Maraming nag susuporta sainyo. Nakakaingit. Nakakaingit si Dennise dahil mayroon siyang ikaw na wala ako. Yung picture na pinost mo ay parang pinapamukha sakin na sa kaniya ka lang at sayo lang siya. Na para lang kayo sa isat isa. Tsk Edi kayo na. May magagawa ba ako sa pagmamahalan niyo. E one sided love lang naman ang peg ko dito. Pwede ba mag apply na kabet. Kasi ang hirap na isa lang ang nagmamahal. Ang sakit sa pakiramdam na makita kong may gusto ka sa iba, ang hirap makitang masaya ka dahil sa kaniya. Ang sakit. Sobrang sakit. Kaylan mo rin ba ako mapapansin? Kailan mo rin ba ako mamahalin? Haha! Katulad ng pagmamahal mo kay Dennise. Si Dennise na maganda. Si Dennise na matalino. Si Dennise na mahinhin. Si Dennise na almost perfect. At higit sa lahat, si Dennise na nililigawan mo. Ang hirap ng ganito. Ang hirap dibdibin (kahit wala akong dibdib) masiyado ng masakit. Gusto ko sanang magpakilala sayo kaso natatakot ako. Natatakot ako sa rejection. Sa chat pa nga lang always reject na eh, sa personal pa kaya. Leche!

Ano kayang mararamdaman mo sa oras na makilala mo ako, mabibigla ka ba? Magagalit? Maiinis?

Ps: palagi lang akong nasa paligid mo, yung taong nakalimutan mo dahil lang naging artista ka, naging sikat ka. Yung taong karamay mo sa lahat. Yung taong palaging nandiyan pag may kailangan ka. I hope na sana matandaan mo kung sino ang taong yun. Dun mo ako makikilala.


✔seen 11:23 pm

Everyday You (ChatSerye)Where stories live. Discover now