005

26 2 0
                                    


11:09 PM

ABKD JM: Malapit na mag 11:11.... Gusto ko mag share ng kwento sayo

ABKD JM: Gusto ko lang kaseng may kausap ngayon

ABKD JM: Wala man lang bang "nandito lang ako handang makinig sayo babe, alam mo naman mahal na mahal kita diba"

ABKD JM: o kaya kahit seen na lang

11:10 PM

ABKD JM: Pati ba naman "seen" pinagdadamot mo pa?

ABKD JM: Magkikwento na nga lng ako

ABKF JM: okay lang kahit di k mag rply :)

11:11 PM

ABKD JM: #Day 2 message

Alam mo bang natatawa ako sa ginagawa ko? Para na nga akong tanga eh. Bakit nga ba kita chinachat? Bakit pa nga ba ako umaasa at maghintay kada minuto na magrereply ka? Bakit nga ba ako nagtitiis at nangangarap na mapansin mo ako? Bakit nga ba naghihintay pa rin ako na matandaan mo ako at makilala? Wala akong idea kung bakit. Siguro dahil sa kabaliwan ko sayo. Masyado na akong nahulog pero hindi mo masasalo. Sabi nga ng kaibigan ko tigilan ko na itong kahibangan ko. As if naman daw mapapansin mo ako. Meron namang himala diba? Malay mo isang araw mag reply ka. Yan na lang ang pinanghahawakan ko sa mga oras na 'to. Actually, this is not the first time na nag try akong mag chat sayo. In fact, ang dami na. Gusto kong i message sayo mga salitang galing sa puso ko. Gusto kong malaman mo kung gaano mo naapektohan ang puso ko. Pero hindi ko tinuloy. Bakit? Wala naman kasing mangyayari kung sasabihin ko. Alam kong hindi mo naman ako magugustuhan. Isa kang artista. Hindi kita kayang higitan o tapatan. Ang hirap mong abutin. Masyado ka ng mataas. Malapit mo ng maabot ang tagumpay. Parang langit ka at lupa ako. Leche! Ang dami kong kaagaw sayo. Sobrang sakit, Josh. Wag mo ng dagdagan pa. Pero what could I expect, right? We're living in a world where the one you love never loves you back. Whatta life.


11:56 PM

ABKD JM: AY IBA KA RIN EH NO!? AKO NA NGA ANG NAG DRAMA, WAPAKELS KA LANG!?

ABKD JM: Mabuti pa yung multo nagpaparamdam, pero ikaw.....

ABKD JM: Good night :)



___________

Everyday You (ChatSerye)Where stories live. Discover now