"Ano?"




"Ikaw." tumawa ako sa sarili kong banat sa kaniya.




"Ikaw, alam mo ba kung ano pangarap ko?" sabi ko.




"Ako? Haha! Alam ko na 'yan!" pagmamayabang ko.




"Mali" nakangising sagot niya.




Nanlaki ang mga mata ko, grabe! Medyo hindi ko tanggap ang sagot niya ha!




"Pangarap ko makapunta sa Paris, France kapag naka graduate ako ng college." sabi niya habang nakatitig sa'kin. "Kasama ka."




Napaiwas kaagad ako ng tingin, nararamdaman ko kasi na nag iinit ang pisngi ko! Myghad!




"Hahahaha" sagot ko.




Medyo nahihiya pa ako kasi ang sabi ko kanina siya ang pangarap ko, pero siya may pangarap para sa'ming dalawa huhu. Baka isipin niya na puro lang ako harot tapos wala akong pangarap para sa'min, hmp! Syempre meron din 'no, hindi ko pa lang iniisip!




"Bakit, ayaw mo ba?" nag aalala na tanong niya.




"H-huh? Hindi!"




"Hindi?"




"Ay, ano-- Gusto ko! Gustong gusto ko." nginitian ko siya.




"Pupunta tayo roon ah! Kaya kailangan sasagutin mo ako." natatawa na sabi niya.




"Gusto mo sagutin na kita, now na?" nakangising sabi ko.





Namula ang tenga niya kaya mas lalo akong natawa.




"Char, ligawan mo muna ako hanggang college hahaha."




"Okay, bebe." hinampas ko ang dibdib niya nang bigla niya ako halikan sa noo.




"No kiss!"




"Atleast hindi sa lips" natatawa na sabi niya. "Tara na." tumayo na siya kaya sumunod na rin ako.




Pagkarating namin sa bahay agad na rin nagpaalam si Kenneth na aalis na siya.




"Chat mo ako." sabi niya atsaka kumaway paalis.




Naglalakad ako sa sala tapos nilapitan ako ni mama.




"Kaya mo ba ako tinanong dati tungkol sa paano mo malalaman kung gusto mo ang isang tao dahil kay Ken?" natatawa na sabi ni mama.




Nag panic agad ako at napatingin sa paligid ng bahay namim. Phew! Buti wala si daddy.




"Nasa kwarto ang daddy mo." umupo si mama sa sofa.




Tumabi ako sa kaniya.




"Hmmm, opo." nahihiya ako habang tumatango-tango.




"Sabi ko na, e." natatawa na sabi ni mama. Hinawakan niya ang isang kamay ko habang ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa tyan niya.




"Nak, lagi mong tandaan na hindi kailangan magmadali."




"Opo, mommy." nakangiting sabi ko.




"Masaya ako na nakikita kang masaya sa kaniya." masayang sabi ni mama. "Hindi madaling pumasok sa isang relasyon ha, pinag iisipan 'yan ng mabuti."




Marou Marupok (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon