Kabanata 25: Hustisya

Start from the beginning
                                    

     Marami pa kaming napagkasunduang ituturo sa anak ni kuya kapag malaki na 'yon.

     Kumain na kami ng hapunan. Nagkwento rin sina Mama at Lola tungkol sa kabataan nila lalo na kung gaano pa kamura ang mga bilihin, malaki pa ang halaga ng centavos.

     Habang masaya kaming nag-uusap, hindi ko napigilang i-appreciate 'yung sandaling 'yon. Naging madilim man 'yung mga nakaraang taon para sa 'min, sa 'kin, masasabi kong unti-unti na lang ding nagiging maayos ang lahat. Mas komportable na ulit, mas magaan sa pakiramdam. Hindi laging ganito kasaya kaya natuto na 'kong pahalagahan 'yung mga ganitong pagkakataon kapag dumating.

     Minsan, hindi naman kailangang humiling nang sobra. Nasanay na 'kong i-appreciate 'yung maliliit na bagay na malaki ang impact sa buhay, sa mindset.

***

"Merry Christmas Papa..." bungad ko nang makarating sa may puntod niya kinabukasan. Kasama ko si Chase na hiniling na sumama nang ikinuwento kong dadalawin ko si Papa. Nag-motor kami papunta rito.

     Naglatag siya ng tela at naupo kami ro'n. Maaga pa kaya hindi pa gano'n kainit ang sikat ng araw. Maganda rin sa pakiramdam 'yung simoy ng hangin. Maraming puno sa paligid.

     "Kasama ko po si Chase. Sayang hindi mo siya nakilala Pa."

     Tinignan ko ang katabi at nakita siyang bahagyang ngumiti sa pagkakabanggit ko ng pangalan niya.

     "Ang astig po niya Pa," natatawa ko pang sabi.

     "I think nakita na niya 'ko noon... isang beses," mabagal na sabi niya.

     "Talaga? Kailan?" curious kong tanong, hindi alam kung paano sila nagkita o nagkasalamuha.

     Napahawak siya sa batok niya. "Sa may parke ng school, sinundo ka niya siguro noon. Hindi mo alam na umupo ka sa may bench malapit sa 'kin. Nang dumating siya, tinitigan niya 'ko nang seryoso kasi naabutan niyang nakatingin ako sa 'yo. One time lang naman."

     Masaya akong tumango, namangha na malaman 'yon.

     Napangiti naman siya. "Nahihiya akong aminin. Pero salamat at mukhang okay lang sa 'yo. Baka kasi isipin mong sinusundan kita noon. Nagkataon lang talaga," pag-amin niya. Ramdam ko 'yung pagsisikap niya na ipaintindi sa 'kin na wala siyang masamang intensyon.

     Umiling ako. "Mas matimbang sa 'kin 'yung nalaman kong nagkita kayo at some point, hindi man kayo nagkakilala."

     Tumango siya. Tahimik kaming nag-stay doon, ina-appreciate 'yung moment na 'yon. Umalis lang kami maya-maya para bumili muna ng pagkain.

     Pero sa pagbalik namin, nakita kong may isang ginang na tila papalapit sa puntod ni Papa. Malayo pa 'yon mula rito pero tanaw kong doon 'yung direksyon niya. Natigil lang siya nang nakita siguro 'yung telang naiwan namin doon.

     Kinabahan ako sa naiisip pero dahan-dahan akong naglakad para makumpirma kung sino 'yon. Nagkaharap kami nang hindi siya tumuloy at tumalikod para umalis.

     Nahulog niya 'yung hawak na ilang pirasong bulaklak nang makita ako.

     Hawak 'yung mukhang mamahaling bag sa kabilang kamay, nakasuot ng maganda at sosyal na damit at sapatos, hindi pa rin nagbabago 'yung pakiramdam ko mula nang huli ko siyang nakita.

Just TodayWhere stories live. Discover now