6

57 1 0
                                    

"Akin na yang form!"

/*____*\

Hinablot ko kay Canlas yung club application form na dapat ibibigay namin sa bagong club member.

"Pero diba dapat si Ebrie ang magcocomplete ni-----"

"Ssshh!"

Nilagay ko yung daliri ko sa bibig niya para manahimik siya habang sinusulatan ko yung form.

"O ayan! Ipasa mo yan sa Principal."

"Pero Pres. kailangan ng pirma niyan sa baba." Sabay turo sakin sa baba nung papel.

Okay. Dalawang bagay lang ang ayaw kong mangyari.

Una. Ayoko masara ang club dahil lang hindi ako nakakuha ng isang member.

Pangalawa. Ayokong mag-sorry or magmakaawa kay Mr. Photographer.

Bwiset na Raine yan.

Iniipit talaga ako. Kailangan talagang tanggapin lahat ng club less sa club nila?!

Feeling ko talaga pinlano niya to.

Pero bakit kaya hindi si Ebrie? May galit kaya si Raine sa kanya? Kaya ba siya natanggal sa club?

"Ako na ang pipirma!"

Sorry po Lord.

Desperado na po talaga ako.

*scribble*

*scribble*

Bahal na to! Mukha naman siyang pirma! Mukha siyang chicken scratch. Hindi kita kinakausap brain.

Ang sakit. May pangalan naman ako. Ako si Abby.

What?! Kelan pa nagkaroon ng pangalan ang utak ko?! Seryoso ka ba sa Abby?

O naman. Nice to meet you Gabby. I'm Abby.

Magpatingin na kaya ako sa doctor?

"President? Sinong kausap mo?"

0____0

Jusko. Naririnig pala ako.

"O ayan, ipasa mo na! Sige, may i-thi-third wheel pa ako ulit!"

--------

DREW'S POV

Physics class na dapat kaso wala pa yung teacher.

Magpipicture na nga lang ako.

Pagbukas ko ng camera mukha ni Gabby Diuco yung nakit ko.

Natawa ako. Yung picture kasi niya yun na may spaghetti sauce pa siya sa bibig niya.

Akala ko pa naman magkaka-club na uli ako. Akala ko talaga gagana yung 'picture trail ng mukha niya' move.

Andami kong babaeng nauto dun sa move na yun.

Pero hindi gumana sa kanya.

Aish...

Effort yun ha. Gustong gusto ko ng mag-club uli. Hindi na kasi ako maglilinis atsaka makaka-ganti na ako kay Raine.

"Pare, pahiram nga ng ballpen." Bigla akong kinalabit ni Jean sa likod.

Gumagawa ata ng kanta.

"Lakas ng loob mong gumawa ng kanya, wala ka namang ballpen."

The Third Wheel ClubWhere stories live. Discover now