13

19 0 0
                                    

AFTER 4 YEARS

"Ate Gabby,thank you po talaga at pinagbigyan mo ako uli sa interview na to ha." Tanong nung girl na naka-school uniform.

"Sure. No problem. Besides, I'm honored na atleast napunta sa isang katulad mo ang Third Wheel Club." Binaba ko muna yung bag ko sa tabi ng upuan ko.

Siya na kasi yung current President ng Third Wheel Club. Na-inspire daw kasi siya sakin. Naxs naman oh.

Nasa may Aristocrat kami ngayon ni Leela Phantone. Siya yung undergrad na naginterview sakin noon. At ngayon iinterviewhin niya uli ako. For club articles. Di ko siya masisi kung siya mismo yung gumagawa ng interviews kasi former Journalism club member siya.

Nung second year siya lumipat ng club.

"Ate Gabby ang laki po ng pinagbago niyo. Ang tangkad niyo na po! Atsaka ang ganda niyo po! Astaka hindi na po kayo masungit!" Tuwang tuwa siya.

"Wow. Masungit talaga? Bakit naman?"

"Eh kasi po dati po nung unang interview po natin sobrang scary niyo."

Natawa na lang ako. Dati yun. "Busy lang kasi ako nun. Atsaka nagbago na ako."

Nilabas niya yung papel at ballpen niya. Magstastart na ata siya mag interview.

"May reason po ba behind neto? I mean, marami na po kayong na-achieve diba? I heard na Pre-Law po ang kinuha niyong course sa college."

Wow. Madami palang nasagap tong batang to sa buhay ko ah. "Well..."

Lumapit ako sakanya na para bang may sikreto akong sasabihin. Lumapit rin naman siya.

"Oo. May isa akong reason."

"A-ano po yun?"

"Nakakita ako ng multo."

-------

BACK TO PRESENT DAY:

GABBY'S POV

Nasa lamay kami ngayon ni Drew.

Bakit ganon. Bakit ang bilis? Bakit ba ako affected ha?

Parang ilang araw ko lang naman nakasama si Drew pero bakit feeling parang ilang taon yung pinagsamahan namin?????? Nako. Alam na. Anong alam na? Abby anong alam na?!??

Nakatayo ako ngayon sa harap ng kabaong ni Drew. Ngayon ko lang siya nakitang naka-tuxedo. At malamang huling beses na rin to.

"Bakit ba kasi ang bilis mong namatay ha?"

"Diba tuturuan pa kita maging Third Wheel?"

"Tanga mo naman kasi magdrive!"

Pre. Baka sumagot bigla yung patay. Chill.

"Grabe Gabby nakakagulat." Biglang tumabi si Anne sakin. Oo nga pala, madaming taga-St. Lastika Academy ang nandito ngayon para makilamay.

Nagulat rin silang lahat. Ang bilis kasi masyado nung pangyayari. Akalin mong na-excite ako pumasok ngayon para turuan si Drew tas bigla siyang nasagasaan?

"...." Hindi ko ma-explain sarili ko. Iiyak ba ako? Matutuwa ba ako? Magkikimkim ba ako ng sama ng loob? Andami kong tanong. Lalo na sa pagkamatay ni Drew.

"Condolence po." Pagtalikod ko nakita ko sila Raine at Lora at iba pang taga-Heartbreakers Club.

"Dude..." Ang nasabi lang ni Raine dun sa kabaong ni Drew.

"Raine." Nasabi ko.

"Gabby."

Nagtinginan na lang kami. Mukhang magaaway pa nga ata kami kaya umiwas na lang kami ng dadaanan. Ayoko naman manggulo sa lamay ni Drew.

The Third Wheel Clubजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें