5

59 1 0
                                    

"ANONG GINAGAWA MO?!"

*click*

Anak ng kamote. Pinicturan nanaman niya ako! Ano bang problema Neto?!

"Pwede bang tumigil ka sa kaka-picture sakin!?" Sinigaw ko habang pinupunasan yung bibig ko.

*click*

Ay potangina.

Uupakan ko na ba to? Sige upakan mo na wala namang makakakita. Well, kung sabagay...Aissh...ano bang sinasabi ko?!

"Hindi ka talaga titigil?!"

This time, tinatawanan na niya ako. Malapit ko na tong patulan ha. May pahampas hampas pa sa binti pa siyang nalalaman.

Tawang tawa ang gago.

"Hindi ka ba talaga titigil?!"

Tinggal niya yung lace ng camera na nakasabit sa leeg niya. Tapos ngumiti siya sakin.

"Alright. I'm sorry. Titigil na ako."

Hay nako buti naman. Muntik ko na siyang masapak dun sa---

*click*

"HAHAHAHAHAHAHA!!"

Lakas ng tawa ni gago. Hinay hinay sa mura teh. Fine. Whatever.

Lumapit na ako sa kanya para tumigil sa kakapicture sakin. Bawat lakad ko nagflaflash yung camera.

*click*

*click*

*click*

*click*

*click*

*clic---

This time nakahawak ako sa lens ng camera niya. Pero siya nakangiti parin. Yung pangasar na ngiti.

"Ano bang kailangan mo sa kin?!"

"Eh ikaw? Anong kailangan mo sakin?" Tinanggal niya yung kamay ko sa camera niya.

"Ano bang sinasabi mo?!" Napahawak ako sa ulo ko. Siya tong bigla biglang nagpipicture tas siya yung may ganang magtanong kung anong kailangan ko sa kanya?!

"May nakapagsabi sakin na kailangan mo daw ang tulong ko?"

Ohh.

So alam niya pala na kailangan ko siya para sa club.

Wait, pano niya nalaman?!

"May lumapit sakin. Isang fourth year. Nagtatanong kung kilala ko daw ba yung mga clubless. Kailangan daw kasi ng club niyo ng isa pang member kung hindi papatanggalin club niyo." Sabi niya.

Mukhang kilala ko na kung sino nagtanong dito.

Kay Anne ko pinagawa to eh. Sa kanya ko pinahanap yung mga club less.

Sa dami dami ng pwedeng matanong sa kanya pa talaga.

Sus.

Assumero pala tong lalaking to ha.

"So assumero ka ganon? Eh ikaw na rin ang nagsabi, PITO kaya kayo na club less. PITO AS IN SEVEN. May seven pa kaming pwedeng pagpilian."

Matuto ka munang magbilang koya. Tsk..tsk..tsk..

"Di mo na kailangan pumili. Pumapayag na akong sumali sa low standards na club niyo." Naka smile pa niyang sinabi yun.

Ang kapal.

The Third Wheel ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon