KABANATA 43

Start from the beginning
                                    

"Tch! Nasasabi mo 'yan kasi kasal na kayo ni bria" bigla itong nagsungit tsaka ako iniwan na siyang kina-kibit kona lang psh Abnormal din talaga ang kambal kong 'yun.










Hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko dahil gusto ko munang magpahinga , grabe naman kasi si bria sinakto talaga ang kasal namin sa graduation.









"Anak?" Napatayo ako nang marinig kong tinawag ako ni tatay hindi lang ito nag-iisa kundi kasama rin nito si Father-in-law.








"Bakit po? M-may problema ba?" kabadong tanong ko sa dalawa na abot tenga ang ngiti tsaka ko lang napansin ang hawak nila.









"Wala naman anak , Meron lang kaming ibibigay sayo" Nakangiti pa ring sabi ni tatay habang si Father-in-law ay may kakaibang ngiting iginawad sa'kin.









Magsasalita pa sana ako nang i-abot na sa'kin nang dalawa ang regalo daw nila sa'kin kaya tinanggap ko na lang kahit medyo mahihiwagaan ako sa kinikilos nilang dalawa. Para pa nga silang nanalo sa lotto nang tinanggap ko 'yung regalo nila.









"Wait , one" Bubuksan kona sana 'yung maliit na box na binigay ni Fatherinlaw kaya lang agad niya rin akong pinigilan. "Wag mo munang buksan 'yan , sa honeymoon niyo na lang" Dugtong pa nito at dahil madali akong kausap ay tinabi kona lang ito kung saan nakalagay ang mga binigay din na Regalo sa'min.









"Oo nga pala anak , Galingan mo ang performance mo ha? Gusto namin bullseye agad ayos ba?" Segunda ni tatay na siyang kinatawa ng kasama niya kaya namula naman ako dahil naiintindihan ko ang sinasabi nito.









"Tay naman , Pero salamat po sa regalo niyo" Sagot kona lang sa dalawa. Nagpaalam na din sila tsaka bumalik sa lamesa kung nasaan nakaupo ang pamilya ko at pamilya ni Bria.









Pero nagtataka ako dahil kanina ko pa hindi nakikita si bria kaya naman nagpalinga-linga ako para hanapin ito at mabuti na lang paborito ko ang kalabasa dahil agad ko itong nakita.








Nakangiti kong pinuntahan ang pwesto nito habang marami ang bumabati sa'kin na lubos ko namang binabalik sa kanila. Nang makapunta sa pwesto ni bria ay agad ko itong hinawakan sa kaniyang bewang.








"Oh nandito na pala ang Asawa mo" Asar nang kausap ni bria pero ngumiti lang ako dahil sa hindi ko siya kilala.








"Okay Wife duty muna hahaha , Btw enjoy lang kayo" Nagpaalam na kami sa kausap ni bria tsaka pumunta sa lamesa kung nasaan nakaupo ang mga magulang namin.









Inalalayan ko itong umupo at tumabi na rin ako dito "Ayos ka lang ba bri?" Tanong ko agad sa kaniya dahil kanina pa siya nakatayo at walang tigil niya ring pinapasalamatan ang mga taong dumalo sa kasal namin.









Akala ko sasagot ito pero dahil hindi ito sumagot ay tiningnan ko ito ng may pagtataka. Nakita kong tumingin siya sa'kin nang masama kaya agad akong napa-inom ng tubig.









"Bri naman ano nanamang kasalanan ko-










"Sinabi ko naman sa'yong tatawagin mo na akong love dahil kasal na tayo diba?" Masungit niyang sabi kaya naman tumango na lang ako para hindi na kami mag-away pa.









Umirap muna ito bago niya ulit ipaskil ang kaniyang ngiti pagkaharap sa mga magulang namin. Masaya ang mga ito at halatang kinikilig habang pinagmamasdan kami ni bria.








𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Where stories live. Discover now