.. (Dos)

12 1 1
                                    

Galexio's POV

Present...

Nang dumating ang umaga, ako'y naglalakad pababa para ng may nakita akong isang halaman, berde ang kulay ng katawan ngunit ang loob ay kasing pula ng bunganga at may matutulis na ngipin sa bandang huli.

Nagpapaalala sa akin ng isang istorya.

How to butterfly got fooled

The butterfly, flower of the sky, dances by in a whirl of colour.

She is born to fly from her cocoon, to bring a beauty so delicate into the warming summer air.

As sweet as the smell of nectar she seeks to the aromatic flower.

8 years ago....

"Kamusta first day?" tanong pa ni Dorothy habang nililibre ako ng ramen sa isang korean restaurant.

Uminom naman ako ng tubig para mabilis kong malunok ang pagkain na kinakain ko.

"I'll rate it 9," sagot ko pa.

Tumango naman ito sa mangha, "Wow, what's the highest? " tanong niya pa ulit

Napabuntong hininga naman ako, "100"

Lahat ng mangha na bumuo sa mukha niya ay pumalit ng pagkabigo.

"Eh, ano pala nangyari?" tanong niya pa tska ako nitong inirapan.

Napakibit balikat ako, "Sungit ng bagong transferree e"

Biglang bumalik yung isip ko sa nangyari sa akin kanina.

Masyadong cold yung Jupiter na yun tapos tinukso pa ako dahil sa kung papaano ako maging tour guide, sabi niya pa na di raw ako masyadong confident kung magsalita at halatang nauutal, e' syempre di naman ako extroverted masyado 'e. Sinubukan kong maging friendly pero wala talaga sa kaniya yung charisma ko 'e.

"Alex, alex?" bumalik yung malay ko at di ko namalayan na nagdedaydreaming na naman ako.

Inuyog ko naman ng konti ang ulo ko para magising ng kaunti, nalolost kasi ako minsan dahil sa sobrang pag-iisip ko.

"Ahh eh ano, kasi baka nababaguhan pa ata sya 'e," pagpapaliwanag ko pa.

Tumango naman ito at kinilig ng kaunti.

"Pogi niya 'no," wika pa nito.

Umiling lang ako at tinuloy ko na ang pagkain.

Napabarf ako sa busog na kinain ko na ramen.

"Thank you ah," wika ko pa

Napatakip naman ito ng ilong dahil sa barf ko.

Sarkastiko lang ito ngumiti at inirapan ako.

"Si Jupiter yun 'di ba?" tumingin siya malapit sa entrance at sumunod din ako sa tingin niya.

Shit!

"Oo nga, tara uwi na tayo," minadali ko kunin ang bag ko.

"Huh, sandali maglalagay muna ako ng liptint", bubuksan niya na sana yung bag niya para kunin yung liptint niya ng bigla ko siyang hinatak.

"Aray ko, ang sakit naman nun," reklamo pa ni Dorothy habang nakahawak sa palapulsuhan niya.

Mabilis naman ang tibok ng puso ko habang hinahabol ko ang aking paghinga.

Nang makahanap na ng masasakyan si Dorothy lumakad naman ako para umuwi.

Pagkarating ko ng bahay bigla akong may naalala. Nawawala yung notebook ko, fudge!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Letter for JupiterWhere stories live. Discover now