Chapter 21

24 7 0
                                    

It was another day of staring idly at my computer. These past few days, I have struggled to focus on everything that I do. Kadalasan, natutulala na lang ako bigla, just like what's happening right now. 

I sighed.

Napagdesisyunan kong tumungo na lang sa counter dahil mukhang mas magiging productive at may pakinabang ako roon kaysa rito sa opisina.

Mula sa labas ng aming opisina, tanaw ko ang kabuoan ng cafe. Hindi pa rin ako halos makapaniwala na nakapagpatayo na kami ng pangalawang branch ni Mili. Nandoon ngayon si Mili at finafinalize na lang ang iba pang detalye para sa pagbubukas nito sa susunod na buwan.

Nginitian ako ni Beth nang makita niya akong papalapit sa kaniya. 

"Hi, Miss. May kailangan po kayo?" Magalang niyang tanong. Umiling naman ako. "No. Uhm, can I take over? Tulungan mo na lang muna sila doon sa kusina at mukhang marami-rami ang kailangang asikasuhin doon ngayon."

She gladly obliged and strides to the kitchen.

I faced the young girl in front of me. Kasing edad yata 'to ni Tine? I flashed her a small smile. "What's your order, Ma'am?"

"One cup of espresso and one glazed donut po. Dine in."

"One cup of espresso and one glazed donut..." She nodded when I repeated her order. "Okay, Ma'am. Here's your receipt. I'll call your name na lang po once your order is ready. Thank you!"

She politely smiled. Pagkatalikod niya ay nilagay ko ang kaniyang kopya ng order sa lagayan.

Dahil wala pang customer sa counter ay tumungo ako sa kusina at inutusan muna muli si Beth na magbantay doon sa counter. Nalilito man dahil nakipagpalit na naman ako ng gawain, magalang pa rin siyang sumunod.

Gusto ko lang talaga na may gawin at may nakikita akong ibang tao para malibang ang mata ko at hindi maisip ang mga bagay na... Okay, stop. Don't go there.

Nakipagkwentuhan ako kay Dhalia habang nilalagay niya sa tray ang mga order. Nang matapos siya ay nagpresinta ako na ako na ang magbibigay ng mga ito sa mga customer.

Muli akong lumabas sa kitchen at dumiretso sa tabi ni Beth at pinatunog ang bell.

"Order for Ma'am Jillian."

A petite girl with a bob cut hair, approached me. She presented the same receipt I have so with a smile, she left the counter with her order.

Inaayos ko ang susunod na order nang may mahagip ang mga mata ko mula sa glass wall ng café. Nakita ko ang papasok sa pinto na sina Toffer at Rin. Pinagbuksan ng pinto ni Toffer si Rin at pinauna ito bago siya pumasok.

Sigurado akong maaari pa kong umalis, tumakas at iwan na lamang kay Beth ang ginagawa rito pero hindi ko 'yon ginawa dahil kailangan kong maging propesyunal.

Yumuko ako at pinagpatuloy na inasikaso ang order. I rang the bell and called the name written in the receipt.

"Order for Ma'am Krystal!"

In my peripheral vision, I saw the both of them looked at me. Medyo nagpanic ako nang napansin ko na papunta sila sa kinaroroonan ko. Mabuti na lamang at naharangan sila ng customer na kumukuha ng kaniyang order kaya napatigil silang dalawa sa paglalakad. But when the lady exits, Toffer appeared in front of me.

"Hi, Aki! It's good to see you here." He said in lively voice. Mukha siyang galak na galak na makita ako.

I immediately returned his smile. "Hi. Good to see you as well. Mabuti naman at naisama mo na si Rin dito." Paulit-ulit niya kasing binabanggit noong nakaraan na gusto niyang isama si Rin dito subalit may pinagkakaabalahan daw si Toffer kaya hindi sila matuloy-tuloy.

His RaconteuseWhere stories live. Discover now