Chapter 5

62 7 0
                                    

Don't you agree when they all say
'Home is where the heart is?'
But do you see
With every step that you take
You get further away
From where the heart is?

It's so easy to be blinded
And caught up, up in the clouds where everything's in a haze
Causing you to forget about the days
Of the common, simple, beautiful ways

I remember all the times that I had spent with my friends
Taking BART to San Francisco just for 350 cents
Talking, laughing, joking, didn't quite know what was to come
Years of memories, irreplaceable fun

I remember telling mom that I'd make her proud one day
She would smile and knew exactly all the right things to say
Man, I miss her and can't wait 'til I get back to the Bay
Back to the common, simple, beautiful wa-


Napatigil ako sa pagkanta nang mapansin ko ang isang bulto ng lalaki sa aking harapan.

"A-anong ginagawa mo rito? Bakit ba palagi ka na lang sulpot nang sulpot? Hindi mo ba alam na nakakagulat ka?" Mataman niya akong pinagmasdan na para bang nais niyang arukin ang laman ng isipan ko.

Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang maospital ako. Binigyan ako ng mas maluwag na schedule ni Harold na apat na araw lang sa isang linggo para naman daw makapag-pahinga ako kahit papaano. Sa Cafscape naman ay ganoon pa rin, narito ako mula alas-sais ng umaga hanggang alas-sais ng hapon, araw-araw.

"Can I take you out on a date today?" Napamulagat ako sa kaniyang sinabi.

"Ano? Date? B-bakit naman?"

Magmula nang maospital ako, hindi na rin ako halos lubayan ni Ron. Sa loob ng dalawang buwan ay lagi siyang nakasunod sa akin maliban na lamang kung may mga lakad siya. Hatid-sundo niya rin ako palagi. Darating siya rito sa café ng alas-singko para sunduin ako at pagkatapos ng gig, ay ihahatid ako sa apartment.

"Masama ba?" Balik-tanong niya sa akin bago nag-iwas ng tingin.

"Naka-drugs ka ba?" Napabalik siya ng tingin sa akin at manghang tumitig. "Pupunta ka rito nang napaka-aga, susulpot sa harapan ko, mag-aaya ng date, tapos ang isasagot mo sa akin tanong din?" Pumameywang ako dahil sa kunsumisyon kong nararamdaman sa kaniya.

"Wow, Aki! Hindi ko alam na may ganiyan kang side. You're so cute!  Galit ka na niyan? Ganiyan ka magalit?"

Halos mapapikit ako sa irita sa isinagot niya sa akin. Mukha ba akong nagpapacute sa kaniya?

Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan.

"Ano na, date tayo?" Umayos siya ng tayo pero bakas pa rin ang kapilyuhan sa mukha.

I crossed my arms before answering him, "Bakit nga kasi? Out of the blue, mag-aaya ka ng date? Pinagtitripan mo ba ako?"

"Hindi ah! I just want to... you know, know you more! And it's just a friendly date, Aki, so just say yes, okay? As if I'd let you say no." He grumpily said.

Is he for real? I rolled my eyes at him but eventually said yes, dahil alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang kaniyang gusto.


PATATAS 🥔❤️

11:48 AM

Gusy!!!
Guys*
Girls!
Generation ❤️
Shapi
Mili
Bub

His RaconteuseWhere stories live. Discover now