Chapter 43: White Alpha

563 20 6
                                    

White Alpha

~~~

Fin POV

"Sino yang malaking itim na lobo?"tanong ko habang naka tingin sa maitim at malaking lobo.

"Si Grego, ang pinuno ng mga Black alpha. Nabuhay ulit siya." Sagot ni Freddrick habang naka tingin din sa tinitignan ko.

"At sino naman yang puting malaking lobo?"balik na tanong ni Freddrick.

"Si Von?"tanong na sagot ko.

"Tanga si Van yan." Sagot ni Von na nasa tabi ko pala. Napa tingin ako sa puting malaking lobo na naka tayo sa harap ni Cleopatra.

"Oh? Si Van yan?"tanong ko saka tumingin kay Von.

"Kaya nakakatakot kayo minsan asarin eh."sabi ko at binalik ang tingin sa harap.

Naka tayo si Van sa harap ni Cleopatra. Gaya nong itim na lobo, kulay pula din ang mga mata ni Van habang naka tingin sa itim na lobo.

Tumingin naman ako sa mga black alpha na ano mang oras ay susugod sa amin.

"Basta pag may sumugod na black alpha, mag tatransform agad ako bilang paniki. Tamang lipad lang habang pinapanuod ko kayo mamatay."sabi ko kaya naka tanggap ako ng batok mula kay Von. Inirapan ko lang siya.

Napatigil ako ng makita ang mga black Alpha na kinukuskos ang mga paa nila sa lupa. Napa kunot ang nuo ko ng biglang umalulong ng malakas ang malaking itim na lobo.

Napa hawak ako sa baril ko ng sundan iyon ng mga black alpha.

"Mag handa kayo, susugod na sila."pagkasabi non ni Freddrick ay biglang tumakbo ang mga black alpha papunta sa amin.

Agad na nag transform si Freddrick bilang lobo at ganon din sila Von at Creed. Agad ko namang hinagisan ng apoy ang mga susugod na black alpha sa akin at nag transform bilang paniki. Lumipad ako papunta sa gawi ni Leona para tulungan siya sa pag patay sa mga Black Alpha na sumusugod sa kanya.

Ng mapatay na namin ang mga sumusugod sa kanya ay pinuntahan namin si Leana at tinulungan.

"Wala ka bang spell jan na pwedeng mag padali ng trabaho naten?!"sigaw ko at hinagisan ng Fireball ang isang itim na lobo.

Inutusan ko ang mga ugat ng puno na ikulong ang limang mga black alpha na papasugod sa amin kaso masyado silang malakas kaya nasira nila ang ugat.

"Meron kaso maaapektohan sila Creed, Freddrick, Von at Van!"sigaw ni Leana habang nilalagyan ng kung ano mang spell ang sumusugod sa kanya.

Agad kong ginaya ang anyo ng mga lobo, nag transform ako bilang pulang lobo at sinugod ang isang itim na lobo. Sinakmal ko ang isang paa niya saka kinagat ang tyan niya at marahas na hinagis palayo sa akin.

Bumalik ako sa pagiging tao ng mawala ang lakas ko.

"Fin sa likod!" Napa tingin ako sa likod ko at nakita ang dalawang itim na lobo papalapit sa akin. Ilalabas ko na sana ang bola na bomba ng may itim na lobo ang pumatong sa akin at akmang sasakmalin ako ng bigla itong binangga ng isang puting lobo at kinagat ang katawan. Nilabas ko ang bolang bomba saka tinapon sa gawi ng dalawang lobo saka tumakbo palayo bago iyon sumabog.

Muli akong napatingin sa puting lobo na nag ligtas sakin.

"May utang ka na sakin Fin." Sabi nito at tumakbo palayo sa akin. Takteng Freddrick yun.

"Quits na tayo ulol!"sigaw ko at nag transform bilang paniki at lumipad papunta sa gawi ni Creed.

Pagkalapag palang ng paa ko sa lupa ay sinalubong na agad ako ng tatlong itim na lobo.

Blood Sucker (Van Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon