Chapter 14 (1/1/2015)

Start from the beginning
                                    

“Oo nga girl, magaling mag explain si Lexie. Kesa naman bumagsak ka na naman dyan. Anong gusto mo? Ang makapasa o ang mapagalitan na naman ni Tito?” Nag pout ako. Kunsabagay. Pero ano ba ang mas mainam pakiharapan? Ang galit ni Papa o ang galit ni Alexis. At isa pa, kailangan ko nang maipasa ang calculus para makagraduate na ako next sem.  

“Sige na nga.” Napipilitang pagpayag ko. Kaya nung makatapos kami sa pagkain, dumiretso na ang tatlo sa room nila at doon na daw mag aaral kasi punuan na nga ang library.

 Kami naman, kinuha ni Alexis ang mga gamit ko at tumayo na. Tumayo na din ako at sumunod sa kanya. But we’re not going to the library o kung saan mang pwede kaming mag aral.

“Peace na tayo ha.” Sabi ko sa kanya habang nakasunod ako. Mas mabuti na yung uunahan ko siya.

“Later.” Hala!

“Gaano katagal ang later?” Pangungulit ko pa at sumabay na sa paglalakad niya.

“Mamaya.” Sabi ulit niya.

“Tinatagalog mo lang eh.” Hindi na niya ako pinansin hanggang sa makarating kami sa parking ng school. Hala, bakit dito? Saan kami pupunta? Ano ang gagawin namin?

At mas nagulat ako nung binuksan niya ang pinto sa backseat kesa sa harapan at doon ako pinapasok. Sa backseat talaga?

Hindi na ako nagpakiyeme, pumasok na ako sa backseat ng sasakyan. Who would have thought na napakawild pala ni Alexis. Sa kotse talaga na nakapark sa school? I am nervous and excited at the same time.

Umikot siya sa driver’s seat at binuksan tapos pinaandar ang aircon. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa pumasok siya sa kabilang bahagi ng backseat.

Ayan na…ayan na…

Then umupo na siya sa tabi ko tapos tiningnan ako.

“Give me your book.” Sabi niya. Tulala kong binigay sa kanya ang libro. Nakatingin lang ako sa mukha niya. He is so serious. Maybe he is thinking how he would start.

“Saan dito banda ang pinag aaralan mo?” Sabi niya ulit habang binubuksan ang libro.

“Ha?”

“I said, saan dito ang pag aaralan natin?” Inulit pa niya. Ibig niya bang sabihin dito niya ako tuturuan sa kotse niya?

“Mag aaral tayo dito?” Hindi ako nakatiis. I need to confirm.

“Yes. Di ba sabi ko tuturuan kita. Punuan sa library at kung sa cafeteria naman, masyadong maingay. Why? What were you thinking?” Parang may sumigaw sa tenga ko ng boom! Basag! Kaya naman biglang nag init ang pisngi ko.

“I thought we’re going to have sex here.” Prankang sabi ko. Nanlaki ang mga mata niya at namula ang mukha. Hindi ata makapaniwalang sinabi ko yun,

“Amanda…”Iiling iling na sabi niya.

“Eh kasi naman Alexis. Malay ko ba na pag aaral ang nasa isip mo.” Napahiya talaga ako sa sarili ko dahil sa malaswang utak ko.

“Dahil yun ang napag usapan natin. And speaking of usapan, why did you tell me na nakapag aral ka na kagabi? Tapos makita kita ko ngayon na nagkacram ka sa exam mo.” Ayan na po! Ayan na. Sinasabi ko na nga ba eh.

“Kasi…kapag sinabi ko sa’yo na hindi pa ako nakapag aral, hindi mo na ako kakausapin.” I said as a matter of fact. There’s no use lying to him.

“Natural. Mas importante ang pag aaral mo. Marami pa namang panahon para makapag usap tayo but if you failed your exam it would cost you the whole semester.”  

“Bakit may pakiramdam akong mas strict ka pa sa Papa ko?”

“Because I am concerned about your future and I care for your well-being.”

“Concerned citizen ka ganun?” Hindi siya sumagot. Instead, he flipped the pages of my book at hinanap ang pinag aaralan ko kanina.

Badtrip to. Dineadma na lang ako bigla.

“Alexis, wag mo akong i-hearzoned.” Umangat ang tingin niya sa libro at tumingin sa akin.  

“No. I am not a concerned citizen. I just love you. Can we study now?” Dire-diretsong sabi niya.

Hindi ako nakasagot. Napanganga na lang ako habang nakatingin sa kanya. And I saw him smile a little tapos umiling iling at binalik na ulit ang attention sa libro ko, flipping through the pages.

Hindi agad ako nakarecover. Hindi ko alam kung ilang minutes akong nakatulala lang sa kanya. Lumunok ako at lumunok ulit. Did he just say that he love me? For real? Oh my God!

 I think…I think…

“I need water.”

A/N: Happy New Year!!

The Gay Who Stabbed MeWhere stories live. Discover now