Chapter 2

992 51 1
                                    


SINUKLAY ni Charry ang mahabang buhok gamit ang daliri sa kamay pagkasakay niya ng elevator patungo sa pang-limang palapag ng Acosta Building kung saan matatagpuan ang opisina ng bagong kliyente nila sa Designs. May appointment kasi si Charry sa may-ari ng Acosta Advertising Firm. Naroon siya para i-present sa kliyente ang halimbawa ng mga interior home design na mga gawa niya.

Tumuwid ng tayo si Charry ng huminto ang elevator sa pangalawang palapag tanda na may sasakay do'n. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay hindi niya maiwasan ang maningkit ang mga mata ng makilala niya ang lalaking pasakay sa elevator. Mukhang nakilala din siya ng lalaki dahil napansin niyang saglit itong natigilan habang ang mata ay nakatuon sa kanya.

Inismiran naman ito ni Charry ng tuluyang sumakay ang lalaki. Hindi niya sukat akalain na magkikita silang muli ng hambog na lalaking ito. At hindi maiwasan ni Charry ang mag-ngitngit ng maalala ang nangyari sa unang beses nilang pagkikita. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isipan ni Charry ang pag-iisip nito ng masama sa kanya at higit sa lahat ang paghalik nito na walang pahintulot sa kanya! Halos isang linggo na iyon pero malinaw pa rin sa kanyang isipan ang nangyari.

Mayamaya ay tumaas ang isang kilay niya ng makita kung saang palapag pupunta ang lalaki?

Mukhang may appointment din ang lalaki sa may-ari ng AAF dahil do'n din ang tungo nito. Napaismid na humalukipkip na lang si Charry habang paakyat pataas ang sinasakyan na elevator. Mayamaya ay hindi niya maiwasan ang magpanic ng biglang huminto ang elevator na sinasakyan. Namatay din ang ilaw na sa loob ng elevator.

"Anong...nangyari? Bakit huminto?" nanlalaki ang matang bulalas niya. Tumingin siya sa lalaking kasama niya sa loob ng elevator. "What happened?" tanong niya. Sa pagkakataon iyon ay sumulyap sa kanya ang lalaki.

"It's brownout. And we're stock here." sagot nito.

"What?" nanlalaki ang mga matang wika niya. "So, ang ibig mong sabihin hindi tayo makakalabas dito hanggang sa hindi bumabalik ang kuryente?"

Isang kibit-balikat lang naman ang isinagot ng lalaki sa kanya.

Napakurap-kurap naman siya. "Paano...kung bukas pa magkaroon ng kuryente? So, ibig din sabihin no'n ay bukas pa tayo makakalabas dito?" hindi makapaniwalang bulalas niya. Pagkatapos niyon ay ipinagpadyak-padyak pa niya ang mga paa. "Arggh! I can't really believe this!"

"You should be calm in situation like this." sabi ng lalaki.

Charry glared the man murderously. Kung nakakamatay lang sana ang tingin. Baka bumulugta na ito sa harap niya. Calm you ass! Isang irap lang ang isinagot ni Charry sa lalaki. Muli ay ipinadyak-padyak niya ang paa. Tumingin din siya sa relong pambising. Lalo siyang na-frustrate ng makita kung ano ang oras na. Dalawang minuto na lang kasi ay mala-late na siya sa oras ng appointment niya kay Carl—ang pangalan ng may-ari ng AAF. Lalong lumakas ang pagpapadyak ng kanyang paa sa sahig. Nag-iisip din siya kung ano ang sasabihin niya kay Carl kung bakit na-late siya sa oras ng usapan nila. Mayamaya ay napatingin siya lalaki ng marinig niyang nagsalita ito at do'n niya napansin na may kinakausap ito sa cellphone.

"Do something." wika nito pagkatapos nitong patayin ang naturang tawag. Sumandal ang lalaki sa dingding ng elevator. He also crossed his arms above his shoulder and then he looked at her. Sunod-sunod namang napalunok si Charry sa tinging ipinagkakaloob sa kanya ng lalaki. Hindi maintindihan ni Charry kung bakit bigla na lang niyang naramdamang ang panghihina ng tuhod niya. Wala sa oras na napasandal din siya sa elevator. Iniwas din niya ang tingin rito.

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa.

"Ano bang klaseng building ito?" sabi niya para magkaingay sa loob ng elevator. Hindi kasi siya komportable sa tahimik na paligid. At lalong lalo na sa tinging ipinagkakaloob sa kanya ng lalaki sa sandaling iyon. Nang tumingin muli siya sa lalaki ay napansin niya ang pagtaas ng isang kilay nito. Inismiran niya ito at nagpatuloy sa pagsasalita. "Ang laki-laki ng building pero wala man lang generator. Ang kuripot naman ng may-ari." dagdag pa na wika niya. At mula sa gilid ng kanyang mata ay nakita ni Charry ang pang-angat ng dulo ng labi ng binata tanda ng pag-ngiti. And she had to admit, he looks more handsome when he smiles. Ipinilig na lang ni Charry ang ulo. Ayaw niyang purihin ang hambog na lalaking ito kahit sa isip man lang niya!

The Cursed Bride Series: The Groom wannabe (Completed)Where stories live. Discover now