“Ma'am Via!” natatarantang wika ng driver. Mabilis nitong inalalayan ang amo.

“Via, are you alright?” tanong ni Drix sa babae pero nakapikit ito at tila namimilipit sa sakit. Kinabahan siya!

“Oh my God Drix... napapano si Via? Manganganak na ba siya?” Nagpapanic na rin si Peachy sa likod niya. Ni hindi na niya ito nilingon dahil kay Via ang atensiyon niya.

“Buksan mo ang kotse, dalhin natin siya sa ospital!” utos niya sa driver ni Via.

Mabilis namang tumalima ang driver kahit medyo natataranta. Sumakay din siya sa loob ng sasakyan, katabi ni Via. Bago tuluyang umalis ay nakapagbilin pa siya.

“Sumunod kayo ni JD please! Samahan niyo ako sa ospital!”

“Sige, susunod kami. Pakitext kung saang ospital siya dadalhin ha?” pahabol ni Peachy bago tuluyang umalis ang kotse ni Via.

Mabuti nalang at mabilis pero maingat magmaneho ang driver nina Via. Hindi nagtagal ay nakarating sila sa Medical City sa may Ortigas. Agad na diniretso sa emergency room si Via.

NAKAUPO sa may labas ng emergency room si Drix, hindi mapakali at pinagpapawisan na ang mga kamay. For the first time ay nakaramdam siya ng matinding kaba, something that he never felt before. Ni hindi siya kinakabahan kapag nasa field kung saan puwede siyang ma-ambush, pero ngayong naghihintay sa kalagayan ni Via ay halos panawan na siya ng ulirat!

Diyos Ko, sana po ay safe si Via at ang anak namin. Lord huwag Niyo pong pabayaan ang mag-ina ko. Kulang na lang ay maiyak siya.

Pero biglang nawala ang kaba niya nang mamataan ang isang taong palapit sa emergency room. Walang iba kundi si Jolo! Biglang napatayo si Drix at sinalubong ang ex ng kanyang asawa!

“Ikaw na naman?!” singhal niya.

“Ay!” biglang napaatras si Jolo. “Teka lang bro..”

“Huwag mo akong matawag-tawag na bro, hindi kita kapatid!”

“Sorry, pero gusto ko lang tingnan kung kumusta na si Via.”

“Puwede ba, tigilan mo na si Via? Hindi ka na nga niya pinakasalan. Tapos umi-epal ka pa rin?”

Hindi agad nakasagot si Jolo. Pero mayamaya ay napangiti ito... then natawa ng tuluyan. Lalong napikon si Drix at akmang susuntukin ang lalake.

“Teka sandali lang, Drix!” Itinaas ni Jolo ang dalawang kamay na animo'y sumusuko pero natatawa pa rin. “You don't understand.”

“Anong hindi ko naiintindihan ha? Simula nang puntahan mo ang asawa ko sa Cagayan, nagkagulo na ang buhay namin! Ikaw ang salot sa aming mag-asawa e!”

“Look Drix, it's not what you think, okay?” ani Jolo. Saka ito lumapit pa kay Drix saka bumulong. “I'm gay.”

“Ano?” Tama ba ang narinig niya?

“I said I'm gay, okay?” bulong uli ni Jolo. “Alam ni Via yun kaya nagkasundo kaming huwag sundin ang gusto ng mga parents namin.”

Hindi agad siya nakasagot sa sinabi ni Jolo! Gusto niyang matawa but his inner self told him not to. Baka ma-offend ang kausap!

“You mean...”

“Via and I are just friends. We can never be more than that... not in this lifetime!” Natatawang wika ni Jolo.

Napailing si Drix. Akalain mo yun?

“But no one knows, okay? Kaya please, keep it a secret too.”

“Pero bakit?” Aware naman si Drix na tanggap na ng lipunan ang mga gaya ni Jolo kaya nagtataka siya kung bakit kailangan iyung itago.

“Basta. Not now. It's a privacy thing.”

Tumango nalang siya. “Pasensiya ka na ha, napagbintangan tuloy kita.”

“Okay lang.” Ngumiti si Jolo. “So, since alam mo na ang sekreto ko, I guess okay lang din if I ask you how you feel about Via.”

“What do you mean?”

“Do you love her?”

“Anong klaseng tanong yan?” Biglang naasiwa si Drix.

“Hindi kasi alam ni Via kung ano siya sa buhay mo bukod sa pinakasalan mo dahil nabuntis. I guess that's the reason why she left,” seryosong pahayag ni Jolo. “Hindi siya emotionally secured dahil hindi niya alam kung mahal mo siya o hindi.”

Pakiramdam ni Drix ay binuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa narinig. Iyun nga siguro ang dahilan kung bakit ayaw ding makipagbalikan sa kanya ni Via. Kelan ba niya inamin na mahal niya ang asawa?

Ang laki kong tanga. Hinawakan ni Drix sa may balikat si Jolo.

“Salamat brod. Hayaan mo, aayusin ko to,” aniya saka lumapit sa may emergency room.

Eksakto namang palabas ang isang nurse-- hinahanap kung sino ang kasama ni Via. Pero bago pa nakasagot si Drix ay may naunang sumagot sa may likuran niya.

“Ako! Ako ang ama ni Via,” dumadagundong ang boses ng isang may-edad na lalake.

“Tito Monty!” agad na bati ni Jolo na mas lumalim ang boses.

Alerto naman si Drix nang malamang daddy ni Via ang bagong dating. Akmang lalapit siya para makipagkamay at magpakilala ay saka naman nagsalita ang kasama ng lalake.

“Sir, siya po ang kausap ni Ma'am Via kanina bago isinugod dito sa ospital,” susog ng driver na nasa likuran.

“Siya ba?” Yun lang at isang malakas na suntok ang tumama kay Drix! Bagsak siya!

Nagtilian ang mga nurse at ibang taong nakakita sa nangyari. Maging si Jolo ay napatili. Walang anuman na binalingan ng lalake ang nurse.

“Miss, please take me to my daughter. I want to see her.”

The Cavaliers: DRIXWhere stories live. Discover now