CHAPTER THREE

12.2K 283 13
                                    

CHAPTER 3

KINABUKASAN ay maaga siyang nagtungo sa opisina ni Mayor Santiago 'Santi' Morales. Wala siyang appointment pero nang ibigay niya ang pangalan ay ang mismong mayor pa ang lumabas sa sarili nitong kuwarto.

“Wowie, please cancel all my appointments today. Pakisabi na may mahalaga akong aayusin. Ikaw na muna ang bahala dito,” wika ni Mayor Morales sa sekretarya nito.

“Hindi na ho kayo magla-lunch dito?”

“Doon na ako sa farm magla-lunch. Pakitawagan na rin sila doon at sabihin mong maghanda.” Binalingan siya ng may-edad na lalake. “Halika, Lt. Exmundo. Join me for lunch.”

Tahimik siyang sumunod. Kasama niya ang isa niyang tauhan, samantalang si Mayor ay may limang bodyguards. Nag-convoy sila patungo sa sinasabi nitong farm- na nalaman ni Drix later na isang malawak na hacienda.

Pagdating nila doon ay halos mataranta sa pag-aasikaso ang household staff nito. Mula sa sala ay nakita niyang agad na naglagay ng mga pagkain sa dining table ang mga katulong. Halatang sanay sa biglaang bisita at paghahanda.

Nakita niyang panay masasarap na pagkain ang inihain. Gusto tuloy kabahan ng binata dahil baka last meal na niya iyun!

“Pakisabi kay Via na bumaba at may bisita kamo,” utos ni Mayor sa katulong na naglagay ng dalawang basong juice sa sala. Agad namang tumalima iyun.

Mayamaya ay nakita niyang pababa na si Via. Oversized shirt na pink at maikling shorts ang suot nito. Sa biglang tingin ay para lang itong highschool kid. Kung hindi niya ito kilala, malamang na nagka-crush na siya dahil maamo ang mukha nito, makinis ang kutis at endless ang legs!

Look at that angelic face. Mukhang inosente pero kampon ng lagim! Hindi lang masama ang loob niya ng mga oras na iyun- nagngingitngit din siya. He could feel his freedom slipping through his fingers.

“Finally, nagpakita ka rin,” wika ng maldita. “Mabuti naman at nakapag-isip ka na ng matino..”

Hindi niya pinansin ang babae. Mas mabuti nang makita nitong labag sa kalooban niya ang gagawin. Mas gusto pa yata niya ngayon ang sumama sa isang suicide mission para puksain ang mga terorista kesa magpakasal sa babaeng reyna ng kadiliman.

“Kailangang pag-usapan natin ang kasal ninyo,” narinig niyang wika ni Mayor Santi. “The sooner the better. Puwede kong ipaayos sa sekretarya ko ang mga papeles.”

“Kayo nalang ang magkasal sa amin, tito. You have the power naman di ba?”

Napakurap siya sa sinabi ni Via. Kung iba siguro ang sitwasyon nila, mapa-flatter pa siya sa ginagawa ng babae dahil ito mismo ang atat na atat na makasal sila. Pero maliwanag na pikot ang gustong mangyari nito kaya muling tumigas ang expression niya.

“May isa lang po akong kundisyon, mayor.” Napatingin sa kanya ang dalawang kausap. “Kapag nakapanganak na si Via ay dapat siyang pumayag na ipa-DNA test ko po ang anak niya.”

The Cavaliers: DRIXWhere stories live. Discover now