CHAPTER FIVE

12.4K 270 1
                                    

CHAPTER FIVE

FIVE MONTHS AGO

“VIA! Via!” Dumadagundong ang boses ng kanyang ama habang paakyat sa second floor ng kanilang bahay. Hindi tuminag ang dalaga. Nanatili siyang nakahiga sa kanyang queen-sized bed.

Magkagulo na ang mundo, hindi siya babangon. Lalo niyang nilakasan ang kanyang iPod. She was listening to her favorite song, Electric Dreams.

Bumukas ang pinto ng kanyang kuwarto at dire-diretso ang kanyang ama sa kanyang kama at galit na hinila ang earphones na nakasaksak sa kanyang tenga.

“Anong gulo na naman ang ginawa mo?” Nakita ni Via na halos lumabas na ang mga ugat sa leeg ni Monteclaro Zamora- sikat at makapangyarihang businessman- ang kanyang ama. “Alam mong naipamigay na ang mga wedding invitations! Tapos maglalabas ka ng press statement na hindi matutuloy ang kasal mo kay Jolo?”

Hindi siya kumibo, sa halip ay hinayaan na lamang niyang tumalak ang kanyang ama. Kung ibang tao siguro siya ay kanina pa siya naihi sa takot- ganun ang image ng kanyang ama sa karamihan- peligroso at dobberman. Pero alam niyang kahit madaling magalit ang kanyang ama at mukha itong malupit na Emperor kapag mainit ang ulo, mahal siya ng kanyang ama and she can get away with anything- well- almost anything.

“Pati Malacanang ay napadalhan na ng imbitasyon! Ang Chief of Staff ng AFP, magiging ninong mo! Lahat ng business partners ko, mga kaibigang pulitiko- they all agreed to attend your wedding! Tapos eto ka, magsasabing cancelled ang kasal mo? Are you crazy?”

Umismid lang siya. Kahit um-attend pa ang lahat ng housemates ni Kuya sa PBB House, hindi pa rin magbabago ang desisyon niya. Walang kasal na magaganap next month. Kahit maglupasay pa ang kanyang ama.

“Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang ni Jolo? Na lukaluka ang anak ko? Matapos magkaroon ng engrandeng engagement party at maisaayos ang kasal e magba-back-out?”

“Wala akong sinabing magpa-bongga kayo ng engagement party,” sa wakas ay sagot niya. Totoo naman yun- hindi niya hiniling kahit kanino na magpaparty para sa kanya. “Kayo itong nagpilit.”

“Gaga! Kung nagbibigay ako ng malalaking party para sa ibang tao- bakit hindi sayo? Ikakasal ang nag-iisang anak ko, hindi ko gagastusan?”

“Kayo nalang ho ang magpakasal.” Tumayo siya saka akmang papasok sa banyo nang hilahin siya ng kanyang ama at ibalik sa kama para muling paupuin.

“E kung sampalin kaya kita? Hindi mo man lang naisip ang kahihiyang dala ng mga actions mo! Lagi mo nalang inuuna ang sarili mo! For once, think about other people!”

“Kayo na rin ang nagturo sa akin noon- dapat sundin ko kung ano ang nasa puso ko. You told me to follow my heart and to think of myself first before others.”

“Sa business yun! Tinuruan kita kung papano maging successful sa business- by not allowing others to distract you from your plans- to think of yourself first bago ka maawa sa ibang tao! Follow your heart, follow your guts- yun ang tinuro ko sayo na gawin mo kapag may business ka na. Ibang usapan ang kasal! Ibang usapan ang kahihiyan ng pamilya!”

The Cavaliers: DRIXUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum