Chapter 9

1.4K 61 13
                                    

"AHHH! SH*T!" Napatayo ako sa pagkakahiga ko sa sofa ng bahay namin sabay ginulo ko ang buhok ko.

Napasuntok na lang ako sa mga tuhod ko at napahilamos sa mukha ko. Masyado ng komplikado lahat ng mga nangyayari ngayon. Naiinis na ako! Di ko na alam ang gagawin ko! Naguguluhan na ako pero.. Mahal ko pa rin si Rosenfeld at hindi ko siya isusuko.. Kahit may anak siya.. Kahit nasasaktan ako.. Kahit hindi niya na ako mahal..

Napasandal na lang ako sa may sofa at inalala ko ang mga sinabi sa akin ni Ey tungkol kay Rosenfeld.

[Flashback]

"You know what, you need to know something.." Seryosong sabi sa akin ni Taong Yelo. Nakakakilabot.

Sa di malamang dahilan, bigla akong kinabahan. Ewan ko, minsan nakakatakot din ang mga pinagsasasabi ng lalaking ito ehh.

"W-what is it?" Tinitigan niya ako ng seryoso at lalo akong kinabahan.

"About my idiot cousin.." Panandalian kaming nanahimik.

May hinagis siyang envelope sa table ko. Tinitigan ko si Ey tapos napatingin ako sa envelope. Napalunok ako at mariin na napapikit. Huminga muna ako ng malalim sabay kinuha ko yung envelope at kinuha sa loob ang mga papel.. Napatingin ulit ako kay Ey at wala siyang ka-rea-reaksyon na nakatingin sa akin.

Dahan -dahan kong binuksan ang envelope at nilabas dun ang apat na pirasong papel.. May nahulog na kung ano sa envelope kaya pinulot ko agad ito.. Napalaki na lang ang mata ko ng makita ko ang picture ni Rosenfeld.. May mic siyang hawak at nakangiti siya sa picture.. Kitang-kita sa mga ngiti niya na masaya siya.

"I-itong--"

"Yeah. My idiot cousin is a teen star. A famous teen star sa Korea. It's hard to believe but pina-imbestigahan ko talaga siya. And seriously, I'm shocked to know that." Di naman halata sa mukha niya na nagulat talaga siya. Wala ehh, poker face pa rin siya.

Binalik ko ang tingin ko sa picture ni Rosenfeld. Ilang minuto kong tinitigan yun at napangiti na lang ako. Ang ganda talaga niya. Lalo siyang gumanda sa paningin ko! Huling sulyap sa larawan niya at pinatong ko na yun sa table ko. Kinuha ko yung mga papel sa table ko at binasa ko ito. Naglalaman ito ng mga impormasyon tungkol kay Rosenfeld. Impormasyong sa loob ng pitong taon naming paghahanap sa kanya, nandidito lahat ang mga nangyari sa kanya.

FS B2: FAKE FEELINGS [Completed] -Editing-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon