Kabanata tatlo: Miguel Facundo de Jesús Ibañez

7 1 0
                                    

MARIA

"Ano ang iyong pangalan, Binibini?" Tanong sa akin ng lalaki na nasa harapan ko

Ang ganda ng katawan niya, siguro may abs 'to.
Ang gwapo ng mukha!! Pwede na maging jowa ko. Mukhang masarap si fafa.

"Sarap mo." Bigla kong nasabi at bigla napaubo ang lalaki.

"Mukhang nahumaling sa'yo ang binibini, senyor." Sabi nung matanda.

Bigla ako nagulat sa sinabi ko at tinakpan ang bunganga ko. Napasabi ko ng malakas ang iniisip ko omg.

Napaubo ulit ang lalaki "Ano ang iyong pangalan, binibini?" Tanong niya ulit.

"Ako si Maria, ikaw naman, Ginoo?" Yun lang talaga ang balak ko na banggitin.

"Miguel Facundo de Jesús Ibañez."

PANGALAN PA LANG MASARAP NA.

"Nice to meet you." Sabi ko kaya napakunit ang kaniyang noo.

Naalala ko pala na hindi sila nakakaintindi ng english!!

"Ang ibig kong sabihin ay ikinagagalak kitang makilala, Ginoo Miguel." Nakangiting sabi ko. Tinawag ko nalang siyang senyor dahil sa mataas na ranggo niya, baka ay mapagkamalan pa akong bastos at maparusahan ako huhuhu.

"Mabuti na ba ang iyong karamdaman, binibini?" Tanong sa akin ni Senyor Miguel.

"Okay naman ang aking pakiramdam, Ginoo." Sambit ko.

"Owkay? Binibini talaga bang ayos lang ang iyong pakiramdam? Ang mga salita na iyong binabanggit ay hindi ko maintindihan." Sabi ni Miguel.

Hindi ko talaga mapigilan ang mag eenglish kasi kahit naman nagtuturo ako sa mga estudyante ko ay may kasamang english din naman. Huhuhu.

"Pasensya na, Ginoo. Hindi na mauulit." Sambit ko.

"Saan ka nakatira, binibini? Para maiuwi na kita sa iyong tahanan." Sabi niya na ikinalungkot ko.

Wala ang aking tatay sa panahon na ito, anong gagawin ko? Saan ako titira? Ako ba ay magsisinungaling sa aking pagkatao kay Ginoo? Paano kapag nalaman niya na ako kay galing sa hinaharap? Ipapapatay niya ako?

"Binibini? Bakit ika'y natutulala nanaman?" Sambit niya na ikinagising ng diwa ko.

"Ay pasensya na, Ginoo. Hindi ko alam dahil wala ako maalala." Pagsisinungaling ko.

"Gusto ko muna matulog, Ginoo. Kung hindi mo mamarapatin." Sabi ko ulit.

"Ay, sige. Pasensya na, binibini. Ika'y iiwan ko muna. Ako'y pupunta muna sa aking silid." Sambit niya at lumabas na siya ng silid.

Tinignan ko ang relo ko kung anong oras, 10:15AM. Tinignan ko ang pictures sa phone ko ang tatay ko si Jessa kaibigan ko.

Naiiyak na ako sa naiisip ko dahil ako lang mag isa dito. Wala akong kasama. Wala ako kakilala. Wala si Jessa. Wala tatay ko. Hinahanap kaya nila ako? Paano ako makakauwi sa panahon ko? Sana gabayan mo ako mommy. Iyak ako ng iyak. Bigla na lang ako'y nakatulog.

Ilang oras nakakalipas, naalimpungatan ako. Kinusot ko mata ko.

"NASAN AKO? KANINONG KWARTO ITO? WAHHH" sigaw ko at napatalon ako paalis ng kama.

"BINIBINI!! BINIBINII!! MAG HUNOS DILI KA!!" Sigaw ng babae na papasok dito sa silid.

Si Manang Linda? Wait. Oo nga pala, wala ako sa panahon ko, andito ako sa panahong 1862.

Love in 1862Where stories live. Discover now