Kabanata dalawa: Pagtatagpo

10 2 0
                                    

MARIA

"WHAT THE FUCK IS THIS PLACE?" Sigaw ko.

Narinig ko nagbubulungan ang mga tao sa sinabi ko.

"Anong salita ang kaniyang binabanggit?"

"Si Señorita Mariana ba iyon?"

"Bakit ganiyan ang kaniyang kasuotan? Kitang kita na ang kaniyang balat."

"Parang may lahing espanyol."

Naririnig ko ang mga bulungan ng mga tao tungkol sa akin pero yung Mariana? Whut? Maria Sophia ako hoy kahit baduy yung Maria huhuhu. Pero napairap nalang ako at naglakad lakad upang makahanap ng mapagtatanungan kung anong klaseng lugar ito. May nakita akong lalaki na nasa tabi ng kalesa kaya wala ng atubiling pinuntahan ko si kuyang mama.

"Excuse me? What is this place?" Sabi ko at napa kunot ng noo ang lalaki kaya nagsalita ulit ako.

"Hello? I said what is this place?" Sabi ko ulit.

"Binibini, pasensya na ngunit wala akong maintindihan ni isa sa iyong mga sinabi." Sabi ng kuyang mama na naka kunot noo.

OMG ANO ITO? HINDI SILA NAKAKAINTINDI NG ENGLISH? EH HALOS LAHAT NAMAN NG TAO AY MAY ALAM ANG LENGGWAHE NA IYON KAHIT KONTI MAN LANG. sabi ko sa isip isip ko.

"Pasensya, kuyang mama. Sabi ko po ay kung ano itong lugar na ito dahil hindi ko po alam kung anong lugar ito." Sabi ko kay kuyang mama.

"Ah, ika'y nasa maynila calle escolta, binibini." Sabi nung kuyang mama habang tinitignan ako or should I say yung pananamit ko? Bastos.

What?! Escolta? Manila?! Hindi naman ganito ang itsura nun, ha? Sinungaling ata si kuyang mama. Ajujuju. Kinuha ko ang cellphone ko para itext si daddy kaso hindi nagsesend kasi WALANG SIGNAL! PUTSPA!!!

"Mawalang galang na, binibini. Matanong ko lang na bakit ganiyan ang inyong kasuotan? Ikaw ba ay galing sa ibang bansa kaya ganiyan ang itong pananamit?" Tanong ni kuyang mama.

Whuttt? Syempre ganito ang sinusuot ng mga babae dahil hindi naman katulad noong panahon na halos balor na balot ang iyong katawan, pero nakakapagtaka dahil ang mga babaeng nakita ko kanina ay naka saya.

"Sige po, salamat po. Alis na ako." Sabi ko sabay takbo at hindi na sinagot ang kaniyang katanungan.

Ako'y nagtaka na dahil dun. Tignan ko nalang sa phone ko tutal makikita naman dun ang date. Nung binuksan ko ang phone ko, nakalagay ay December 15, 1862 8:10AM???? Wtf? Naalala ko ang relo na binigay sa akin ni lola ay ganito din. So, wait nag tome travel ako? Hindi maaari!!! Wala pang ganun. Pero kung wala ay bakit andito ako???

tumakbo pa ako hanggang nakalayp ako kay kuyang mama dahil wala na akong maisip kundi ganun pero sa kakatakbo ko ay nagulat ako na napa upo ako sa kalye dahil may nabangga ako. Lalaki at ang ganda ng suot, parang anak mayaman, pero hindi ko nakita ang kaniyang mukha dahil bigla nalang akong nahimatay.

"Ughhh shit ulo ko." Sabi ko habang naka hawak sa ulo ko dahil masakit. Sino ang lalaki na iyon? Parang nakita ko ang ganung tao na nagsusuot ng ganun sa libro na tinuturo ko sa aking mga estudiyante.

"Binibini gising na po ba kayo?" Tanong sa akin ng matandang babae na parang pang yaya ang suot pagkapasok dito sa wait? Where the hell am I? Pagkakaalala ko may nakita akong lalaki na hindi ko nakita ang mukha.

"Andito ka sa tahanan ng gobernador-heneral, binibini." Sabi ulit sa akin pa parang nababasa niya ang aking naiisip.

"P-po? Ano po ulit??" Sabi ko.

" Andito ka sa tahanan ng Gobernador-Heneral." Sabi pa niya.

"At totoo nga ang sinasambit ng tao sa merchado na kamukha mo si Señorita Mariana." Sambit niya ulit.

Tahanan ng gobernador?!!!! Governador-heneral? Yung tawag sa mga taong namamahala dito sa philippines noong panahon noong sinakop ng espanya kung hindi ako nagkakamali?

Tsaka bakit nila ako tinatawag na Mariana? Maria Sophia ngaaa. Kahit mabantot ang Maria mas pipiliin ko yun. Jusko.

Omg minsan talaga nalilimutan ko ang mga napag aaralan ko. Bakit ganun? Huhuhu.

So, totoo nga talaga? 1862? Andito ako sa panahon na ito? Omg hindi pa ma digest ng utak ko.

"Gising na ba ang binibini, Manang Linda?" tanong ng isang lalaki na kakapasok pa lang ng kwarto

"Opo, Gobernador-Heneral." Sabi nung matanda.

napatitig ako sa lalaking kalapasok pa lang ng kwarto. Ilang seconds din ako nakatitig at ang masasabi ko lang ay

HOLY SHETNESS ANG POGI!!!







---------

Love in 1862Where stories live. Discover now