Kabanata isa: Maria Sophia Gonzales Pérez

21 2 0
                                    

MARIA

Magsisimula muna tayo magpakilala. Ako si Maria Sophia Gonzales Pérez, dalawamput apat na taong gulang at maldita, char. Pero hooyy! May respeto naman ako sa rumerespeto din sa akin. Give and take lang, tama ba? May lahi akong español dahil na rin sa aking daddy at pilipina naman ang aking mommy pero namatay ang mommy ko sa sakit kaya eto naman daddy ko after 5 years nakahanap ng bagong asawa at gold digger pa. Guro ako sa *toot* highschool at History ang tinuturo ko ayun ang napili ko dahil wala lang. Wala ako mapili, e. Kahit hindi ako interesado masyado sa history. Mayaman ang pamilya ko dahil may negosyo kami ngunit gusto ko maging guro upang makatulong ako sa ibang bata na gusto matuto kahit panandalian lang dahil alam ko na ako magmamana ng aming negosyo. May kasamaan ugali ko pero mabait naman ako sa mga estudyante ko. Marami na nagsubok manligaw sa akin ngunit wala akong sinasagot sa kanila dahil mga mukha silang adik at ang papangit ng ugali. ANG GANDA GANDA KO TAPOS WALA MAN LANG POGI NA NAGSUBOK MANLIGAW? alam ko naman hindi din kagandahan ang aking ugali kaya ayoko na din magkaroon ng jowa na pangit din ugali baka mag suntukan lang kami. Okay share ko lang.

"HOY SOPHIA GURL! SINO NANAMAN KAUSAP MONG BABAE KA? IKAW BA AY NABABALIW NA? PACHECK UP KA NG BILAT KA!" Napairap nalang ako.

Siya si Jessa. Maingay kong bestfriemd nung highschool pa. Magkasundo kami dahil pareho kami ng ugali, MALDITA. Buti nga naging teacher pa kami sa pag uugali namin. Lagi din kami magkasama dahil kami lang dalawa ang magkaibigan.

"WAG KANG MAINGAY DIYAN JESS! KAPAG NAHULI TAYO NG BOSS NATIN BAKA TAYO PA AY SESANTIHIN. ALAM MO NAMAN NA MAINIT TAYO SA PANINGIN NON." Sabi ko. Talaga naman, dahil alam niya yung ugali namin kapag magkasama, mas maingay pa kami sa mga estudyante.

"Sus. Sapakin ko pa yun, eh." Sabi niya na tumatawa pa.

Napahawak nalang ako sa aking mukha nung sinabi niya yun.

"NAGUGUTOM AKO, JESSA. KAIN TAYO JOLIBEE." sabi ko.

"ANONG JESSA? ANG BADUY HOY, MARIA. PARANG SINAUNA NA EWAN. SABI KO NAMAN SAYO JESS NALANG."
sabi niya. Blahblahblah

"MARIA NAMAN KADIRI HOY!" Sabi ko.

"EDI TAWAGIN MO AKONG JESS KUNG AYAW MO TAWAGIN KANG MARIA. HAY NAKO SOPHIA GURL TARA NA PUNTA TAYO MALL PARA KUMAIN AT NAGUGUTOM NA DIN AKO." sabi niya ng tumatawa.

Sumakay kami sa sarili naming kotse ng pumunta kaming mall. Naglalakad na kami papuntang jolibee buti malapit lang sa entrance ng mall ang jolibee. Nag order na si Jess ng makakain namin at ako ay naghanap ng table namin.

Nakita ko si Jess na papunta na sa table namin na dala ang pagkain, nagningning naman ang aking mata nung makita yun.

"Nako, Jess. Alam mo talaga ang gusto koooo." Sabi ko.

"Syempre, gurl. Ako naman lagi nag oorder kapag kakain tayo jusko." Sabi niya.

Kumain na kami pero dun sa entrance ng mall, parang may kinakausap ang guard dun na matandang babae ngunit hindi ito pinapapasok dahil siguro ay madumi ito at pulubi. Nakaramdam naman ako ng awa dahil may dala din siyang sako na parang mabigat.

"Tignan mo, Jess. Nakakaawa yung matanda hindi pinapapasok." Sabi ko at tinignan niya ang matandang babae sa entrance.

"Oo nga ano? Puntahan mo, gurl. Pakainin natin dito sa Jolibee. Ako na dito matitira para may magbantay ng gamit natin." Sabi ni Jess.

Love in 1862Where stories live. Discover now