Chapter 48

537 28 7
                                    

[Chapter 48]



Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanila.

"A-Ahm Garnett?"- tawag ko

Humiwalay siya kay George at lumingon sa akin, napapasalubong ang dalawang kilay nya.

Tumingin siya kay George.

"G-George, kasama mo ba siya?"- tanong ni Garnett kay George, tinitigan ko si George.

"A-Ah oo, kasama ko siya."- George said

Tumingin sa akin si Garnett.

"S-Sorry."- sabi niya sa akin, napapalunok ako na ewan.

She literally forget me ..

"Ahm Garnett okay ka lang ba? Nabalitaan ko ang nangyari, sinugod ka raw sa hospital."- George said

Ngumiti si Garnett kay George.

Tss!

"Okay lang naman ako eh, ikaw? Ikaw dapat ang tanungin ko. Kumusta kana? sorry hindi na kita nasamahan sa pag-asikaso sa Mama mo."- Garnett said

Napapatiklop ang dalawang kamay ko at napaiwas ako ng tingin.

Fvck?!

Maya-maya hinatid na namin pareho si Garnett, pagdating namin sa tapat ng bahay nila.

Tumingin ulit si Garnett kay George tapos ningitian na naman niya.

Tss! Badtrip!


"Good night sa'yo, sige na pumasok kana sa loob."- George said

Ngumiti si Garnett at tumango sa kanya.

"Good night, Garnett."- i said

Tumingin siya sa akin at unti-unti nawala ang ngiti nya. Tumango lang sya at tsaka pumasok sa loob ng gate.

Napahinga ako ng malalim at napasabunot ako sa buhok ko.

Tsk!!!

"Totoo nga ang nababalitaan ko, nakakalimutan ka niya."

Tumingin ako ng seryoso sa kanya.

"Masaya kana?"

"Bakit ako magiging masaya?! May sakit si Garnett!"

"Tss, ikaw ang naaalala nya ngayon at hindi na ako."

Natahimik siya sa sinabi ko.

"Hindi niya ako kilala, ikaw ang kilala nya na nagpapasaya sa kanya ngayon. Ano? Hindi ka pa ba masaya?"- hindi ko alam pero hindi ko maiwasan makaramdam ng galit.

"Raven, naiintindihan kita. Nasasaktan ka sa mga nangyayari ngayon. Kaysa sa magalit ka dyan, tulungan mo siyang gumaling. Tulungan natin siyang gumaling."



Forward!

Kinabukasan, wala akong gana habang kumakain ng almusal. Feeling ko parang wala ng ganang mabuhay!

"Raven are you okay?"- Mom ask

Tumango lang ako.

Natahimik na.

Tumingin ako kay Dad at kay Mom.

Hanggang ngayon hindi pa sila gaano nagkakaayos na dalawa, hindi na ako pumapasok sa problema nila dahil narealize ko na mas lalo lang lalaki kung mangingielam pa ako. Pero alam ko namang ginagawa ni Daddy ang lahat para makabawi siya kay Mommy.

Love GeniusWhere stories live. Discover now