Chapter 29

459 28 0
                                    

[Chapter 29]


Wala talaga siyang modo. Tsh!

"So dahil umatras si Jerome para sa activity representative, ikaw na ang bagong makakasama muli ni Garnett sa gagawin na aktibidad sa labas ng eskwelahan. The first is Division, but national ang goal natin, manalo sa division ang isa sa inyo para makarating sa national. Gaganapin ito sa next week, so be ready."- President Cruz said

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Raven, seryoso lang ang mga tingin nya.

"Heto, dalawang invitation para sa inyo. Huwag nyong iwala dahil ayan narin ang gagawing pang entry pass doon sa activity. Wala rin reserba na invitation kung sakaling mawala yan. Okay?"- President said, tapos binigay nya sa amin yung envelop na maliit. Agad ko naman tinago agad yung akin.

"Okay, so let's go? Good luck to you Garnett."- Sir. Ravil said, napangiti naman ako.

"Opo, salamat po Sir."- i smiled

Padabog naman bigla na tumayo si Raven at agad itong lumabas. Si Sir Ravil halatang nagtataka rin sa kinikilos ng anak nya. Tsh, ano bang problema nun? Hindi ba sya nahihiyang gumanun sa harap ng tatay nya?! Tssh!

"Pwede ka ng lumabas Ms. Sardonicillo."- President said

Sabay naman kaming napatayo ni Sir Ravil.

"Aalis narin ako, salamat."- Sir Ravil said

"Sandali Ravil, pwede ba kitang makausap?"- President ask him

Ako naman nag-bow na sa harap nilang dalawa at agad naring lumabas ng office. Napahinga ako ng maluwag, hays sa wakas!

Paliko na sana ako nang makita ko si Raven na nakaupo sa gilid ng hagdan. Nakatakip ang mukha nya gamit ang dalawang kamay nya. Kitang-kita ko rin na may sugat ito at nagdudugo pa, nanuntok ba sya ng pader? A-Ano bang nangyayari sa kanya? Ayokong mag-assume pero nang dahil ba sa akin kaya sya nagkakaganito?! M-Masyado pang sariwa, kaya nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nagkakaganito.

Lalapitan ko na sana siya pero pinigilan ko ang mga paa ko. Hingang malalim Garnett, k-kailangan mo ng umiwas. Madala kana sa mga ginagawa nya sa'yo!

Huminga ulit ako ng malalim at imbes na doon ako dumaan, sa ibang hagdan ako bumaba then dumiretso muna ako sa cr. Pagkapasok ko nang biglang may tumulak sa akin mula sa likuran ko mabuti at hindi naman ako nasubsob. Paglingon ko si Sarrah kasama ang dalawang alipores nya. Tsk!

"Ano bang problema mo ha?!"- tanong ko

"Wala. I'm just bored kaya may naisip akong pwedeng gawin sa'yo para malibang naman ako."- she said

Napapailing ako, ibang klase talaga.

"Wala akong ganang makipag-away sa'yo, Sarrah."- iiwas na sana ako pero tinulak na naman nya ako sabay hawak sa akin ni Jeniel at Dana

"Ano ba?!"

"Wala pa nga kaming ginagawa aalis kana."- Jeniel said

"Relax Garnett."- Sarrah said

Kinuha ni Sarrah yung bag ko at binuksan 'yon, halos ipagtatapon nya lahat ng gamit ko.

"Sarrah ano ba?! Yung mga gamit ko! Ano bang gagawin mo ha?! Ano ba?!"- hindi ako makawala sa pagkakahawak sa akin ng dalawang kaibigan nya.

"Tumahimik ka nga!"- sigaw ni Dana

"Okay guys, it's here."- nagulat ako nang biglang kunin ni Sarrah yung envelop na para sa activity.

"A-Anong gagawin mo dyan?! Sarrah please ibalik mo yan!"

Tumingin sya sa akin then she's smirk. Kinakabahan na ako sa maaaring gawin ng babaeng 'to.

Love GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon