"Sorry, okay? Let's go! Nandito na tayo," whoa! First time ko narinig magtagalog 'to ah?

"Magtagalog ka nalang kaya? Puro ka english e." Malditang sabi ko.

"I'm not fluent in tagalog, I just know a little tagalog." Sabi niya umirap naman ako.

"Halika na nga," sabi ko sa kaniya at hinila na siya palabas. Nandito na kami harap ng resort. May kumuha ng bag naming dalawa at naglakad na kami papasok.

Pagkapasok namin ay namangha kaagad ako sa ganda ng beach resort na 'to. Kahit hindi pa natatapos maganda na talaga. May lumapit saming babae.

"Goodmorning, Ma'am! Sir! Welcome to Terrasse Beach Resort." Nakangiting sabi nung babae. Tipid naman akong ngumiti. Yung kasama ko ay tumango lang at nauna ng maglakad.

"Asa among room 'te?" Tanong ko sa kaniya in bisaya.

"Ah, diha lang ma'am. Kabalo si Sir," sabi niya sakin at tumango nalang ako at sinundan na ang masungit na lalake.

"Teka nga, hoy! Bakit ba nagsusungit kana naman?" Sabi ko sa kaniya habang nakapag cross ang kamay at naka kunot ang noo.

"What? I'm not, your were just talking to the girl. And your just so slow to walk." Sabi niya.

Hindi ko nalang siya kinausap, bahala na nga lang siya sa buhay niya. Isa lang kami ng kwarto pero iba ang kama. Syempre 'no makikipag tabi ako sa kaniya? No freaking way.

Tahimik akong sumunod sa kaniya at tahimik lang din akong pumasok ng kwarto namin. Ang ganda ng kwarto na 'to, may dalawang kama, may center table with two chairs, may flatscreen na TV na nakadikit sa ding-ding, may isang malaking CR na may bathub at shower, may aircon rin syempre. Nilagay ko na sa gilid ng kama yung bag ko at ginawa kung bun ang buhok ko at tahimik na lumabas.

Hindi ko parin siya pinansin dahil naiinis ako sa kaniya. Bigla nalang nagsusungit wala naman akong ginagawang masama. Nakipag-usap lang naman ako ah? May mali ba dun? Kasalanan ko bang mabagal ako maglakad? Hindi naman ako katulad niya na malalaki ang hakbang. Ang liit ko kaya hanggang balikat nga lang niya ako e.

Nandito ako sa harap ng dagat nakaupo sa sand. Naka-paa lang ako dahil mas mafe-feel ko ang maliit na sand na dumadampi sa balat ko. May part naman dito na hindi mainit kaya dun ako sumilong. Ang ganda tignan ng dagat, napaka peaceful parang walang problema.

Sana ganiyan nalang 'no? Sana katulad nalang ng dagat na sumasabay nalang sa alon ang buhay ko. Ang sarap palang nakatambay sa dagat at nag-iisip ng mga bagay-bagay. Sea is giving me a peace of mind. Ang sarap tumira sa dagat.

"Hey," lumingon ako sa nagsalita. Si Sky, eto na naman ang puso kung parang nagkakarera sa loob.

Ano ba heart? Ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganiyan dati ah? Ayoko. Ayokong mainlove sa kaniya dahil baka sa huli sasaktan niya lang ako. Sobrang masasaktan ako kapag ganun. As long as kaya kung macontrol yung sarili ko. Ayoko talaga.

"Bakit?" Sabi ko ng hindi siya tinitingnan.

"Are you mad?" Sabi niya sa malambing na boses. Napapikit ako. Please wag kang ganyan Sky. Please lang.

"Hindi." Maikling sabi ko. Nagulat ako ng hinawakan niya ang magkabilang braso ko at pinaharap sa kaniya. The moment na nagtama ang mata namin ay kaagad akong umiwas. Hindi ko kakayaning makapag eye-contact sa kaniya.

"You're mad." Hindi yun question, it's a sentence. Hindi na ako nagsalita.

He cupped my face. And there I saw his tireful eyes. Mukhang wala siyang tulog. "I'm sorry, okay? Maybe, I was just tired. Sorry if napapagbuntongan kita ng inis ko." Sabi niya sa malambing na boses. Ayan na naman siya e. Mas prefer ko nalang atang magsungit siya kaysa sa ganiyan.

"O-Okay lang. Matulog ka nalang dun, mukhang kulang ka sa tulog e." Sabi ko sa kaniya at iniiwas ang mata.

"I'm not going to sleep if we're not okay," napabuntong hininga naman ako.

"Okay na nga e." Sabi ko sa kaniya. Ayokong magtatagal kaming mag-usap baka kung saan pa mapunta.

"Okay, matutulog lang ako. Mauna ka ng kumain, hindi muna kita masasabayan dahil inaantok na talaga ako." Infairness, straight tagalog. Tumango nalang ako sa kaniya habang nasa dagat parin ang tingin.

Tumango naman siya at hinawakan ulit ang mukha ko at hinalikan ang noo ko bago tumayo. Ang puso ko! Naghuhurumentado na naman sila, hindi na maganda 'to.

Delikado..

______________________________________________

:> ❤️❤️❤️

I'm InLove With YouWhere stories live. Discover now