"Oo, wait lang." hinanap muna niya sa drawer niya yung list. Pagkakita niya ay ngumiti naman siyang binigay sakin.

"Eto, yan ang palagi niyang kinakain sa breakfast, lunch, and even sa snacks niya. Nandyan lang yan sa cafeteria natin sa baba.." sabi niya sakin. Kinuha ko naman yun.

"At sabi rin ni Sir na pumasok ka daw sa loob," sabi ko at tumango lang siya sakin. Pumasok na siya sa loob at ako naman ay bumaba sa lobby. Nandito lang din kasi ang cafeteria. Infairness naman sa cafeteria nila dito ang lawak. Pang mayaman talaga.

Pumasok na ako sa loob at pumunta sa cashier para ibigay ang list, may nakalagay naman dun na pagkain sa breakfast. Buti nalang mababait ang mga tao dito, hindi masyadong mahirap magtrabaho kasi magaan ang loob mo.

Tocino, Fried Egg, at Virginia hotdog at isang cup na rice lang ang breakfast niya, kumakain pala ang mayayaman ng ganitong pagkain? Pareha pala kami na mahilig sa Virginia na hotdog. Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto, nasa table na si Jane pagkadating ko.

"Eto na po yung breakfast niyo, S-Sir." Sabi ko at nilapag sa center table niya ang breakfast. May sofa siya at dalawang maliit na couch, nakaharap ang couch sa flatscreen na TV. Nasa left side ang sofa niya at ang dalawang sofa naman kapag dun ka umupo nakatalikod ka sa table ni Sir. At may center table din, dito siya kakain.

•••

"Ms. Velasquez!" Nagulat ako sa biglang pagtawag ni Sir sakin sa telecom.

"Po?!" Sabi ko naman dun.

"Get me my snacks," yun lang sabi niya at nawala na agad siya. Ba't ba ang strikto niya? 3:30 na kasi kaya naghahanap na siguro to ng pagkain. Bumaba na ulit ako sa at pumunta sa cafeteria. Chocolate moist cake at frappe lang ang inorder ko dahil yan lang naman ang nakalagay sa list. Madali ko lang kinuha yun at umakyat na ulit para ipakain sa strikto kung boss.

"Eto na po, Sir!" Sabi ko. Nilagay ko lang ulit sa center table niya dahil may kausap siya sa cellphone niya.

"Yeah, I'll call you again later. I still have something to do," sabi niya at binaba na ang tawag. Lalabas na sana ako ng bigla niya ulit akong tinawag.

"Did you already take your snack?" Seryoso niyang sabi, dahil may hiya naman ako.

"O-Opo," sabi ko kahit hindi pa talaga. Baka bibili nalang ako mamaya, magpapalaam lang ako kay Jane. Nasa baba lang naman ang cafeteria. Tumango lang siya at lumabas naman ako.

"Hi!" Inangat ko ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa harapan ko. May dala siyang paperbag. Di ko alam anong laman.

"Uh.. Hello!" Nahihiyang sabi ko. Hindi kasi ako sanay na may kumausap sakin na ibang lalaki aside sa Kuya at Kay boss.

"Nag snacks ka na ba?" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Umiling naman ako at nag-abala kunyaring may hinahanap para hindi naman masyadog awkward. Nakatingin kasi ang ibang empleyado samin. Mahilig ba sa atensyon ang isang to? Siguro nga, gwapo rin naman siya.

"Here, I have snacks! Tapos narin naman akong kumain." Sabi niya at nilapag sa table ko yung paper bag na dala niya.

"Huh? Ah.. wag na," nauutal pa ako.

"Sige na, kunin mo na. Don't worry walang lason yan," at tumawa siya, infairness ang gwapo niyang tumawa. Kinuha ko nalang yun dahil makulit siya, gutom narin naman ako slight hehe.

"Salamat dito," sabi ko at binigyan siya ng tipid na ngiti.

"Walang anuman, btw. I'm Kevin Samson. I'm the head manager of this department.." sabi niya at tumango lang ako. Nabaling naman ang atensyon namin sa pumasok na dalawang lalaki at mukhang mayaman din. Narinig ko naman ang bulong-bulongan nila.

"OMG! Ang gwapo talaga ni Kyle!"

"Shet! Ang hot ni Christian!"

"Ang gwapo talaga nilang magkaibigan."

Huminto sila sa harap ng pinto ng opisina ni Sir, tumingin naman sila sa akin at kay Kevin.

"G-Goodafternoon po, Sir Kyle at Sir Christian.." sabi ni Kevin at ganun din ang ginawa ko.

"You're the new secretary of Sky, right?" Nakangiting sabi ni Sir Kyle.

"O-Opo," kinakabahang sabi ko.

"Hmm." Sabi lang nila at pumasok na sila sa loob. Narinig ko pa ang bati nila kay Sir Sky.

"What's up, bro?" Sabi ata ni Sir Christian bago sumara yung pinto. Hindi na namin marinig ang pinag-uusapan nila dahil soundproof daw yung opisina ni Sir.

Huminga muna ako ng malalim bago umupo ulit sa upuan ko. Nagpaalam narin si Kevin na pupunta na siya sa opisina niya, may sarili rin siyang opisina dahil siya nga ang head manager ng finance department.

Kinain ko narin ang banana cake at smoothy na binigay sakin ni Kevin, pagsapit naman ng 5 PM umuwi na isa-isa ang mga empleyado dito sa finance. At pinauwi narin kami ni Sir pero mamaya na daw siya uuwi dahil may tatapusin pa raw siya. Kanina pa umuwi ang mga kaibigan niya. Kailangan ko pa palang mag review pagdating ko sa apartment dahil may 60 items test kami sa english bukas.

Hindi naman ako masyadong pagod dahil konti lang naman ang pinapagawa sakin. Kita mo yun? 20 thousand ang monthly tapos yun lang gagawin ko? Aba! Swerte ko ata!

_______________________________________________

:> ❤️❤️❤️

I'm InLove With YouWhere stories live. Discover now