#Chapter33

53 0 0
                                    

#Chapter33

Jasmine's POV

Nakatulala ako habang nag memeeting.

"Mrs. Kyril"

Bumagabag saakin yung nakasalumaha ko kagabi, ewan may parte saakin na hindi mapakali na hindi ko din maintindihan, wala naman kaming masyadong napag usapan kagabi, pero ito ang naging epekto niya saakin.

Kuya Celion is Celine's big brother and that guy is obsessed with me! Noon paman sinusundan na ako nito kahit saan ako pumunta tumigil lang ito at hindi ko alam bakit. Gulat na gulat ako kagabi nang makita ko siya, sa mismong pangbabae na cr pa talaga!?

Tumigil ba talaga ito sa pag sunod saakin? o sinusundan niya padin ako pero hindi na tulad nung dati na makikita ko siya, patago ba itong sinusundan ako noon pa? Bakit siya nag pakita saakin kagabi? at ano ibig niyang sabihin niya kagabi?

"Mrs. Kyril?"

"Ate"

Magkikita ba ulit kami? kailan? hindi ko alam kung ano gagawin niya? anong sasabihin niya saakin. Hindi ko alam ang takbo ng utak niya.

"Ate" napakurap naman ako nang may tumapik sa balikat ko, nilingon ko ito si Jewell pala, mabilis kong nilibot ang paningin ko sa buong conference room, nakatingin ito lahat saakin lalo na ang nag prepresent ngayon, may halong kaba ang mga tingin niya.

"I think we need to wrap up this meeting, ate is not feeling well" si Jewell mismo ang nag salita, hinayaan ko lamang ito, tumango tango naman ang mga ito at isa isang nag handa para umalis na.

"Ate are you okay?"

"huh? ah yes I am, don't worry about me" tumayo naman ako at iniwan ito.

"Miss Jasmine, andiyan po yung asawa niyo" sabi naman ng secretary ko nang makalapit ako sa pwesto niya malapit sa opisina ko.

"Talaga? ano daw ginagawa niya dito?"

"Hindi ko po alam Miss Jasmine, kasama niya po si baby Ashxyl"

Right! baby Ashxyl! nakalimotan kong kukunin pala namin ito kanina umaga!

"Thanks" mabilis akong tumakbo papasok sa opisina ko.

"Ayaaaan! Ashxyl is already pretty! prettier than mommy" tumawa naman itong si Ashton habang tinitigan niya si Ashxyl.

"Anong ginawa mo kay Ashxyl" nakasuot ito ngayon ng princess dress at may suot na pajama. May suot din itong headband kahit hindi maayos ang buhok nito, tapos si Ashton naman ay may pulbo sa mukha nito.

"Tada! surprise" masaya nitong sabi, kinarga niya pa si Ashxyl at mabilis na lumapit saakin, niyakap niya naman ako sa libre niyang braso sa bewang ko. Mabilis kong pinunasan ang mukha nitong may pulbo.

"Ano ba ginagawa mo kay Ashxyl? ang pangit pangit ng suot"

"Maganda kayaaa! balot na balot dapat ganyan ka mommy mag bihis" inirapan ko naman ito at pinatitigan ang inosenteng mukha ng anak ko. Nakatingin lang ito kay Ashton habang kinakain ang kamay. Kinuha ko naman ito kaya napalingon saakin si Ashxyl.

"Mommy!"

"Yes baby I'm here" binuka niya naman ang mga braso niya kaya kinuha ko ito kay Ashton.

Umupo naman kami sa couch na mahaba habang si Ashton sa single couch siya at pinatitigan kaming mag ina.

"What's with you today? hindi mo naalala na kukunin mo si Ashxyl ngayon sa mommy mo, dineretso kita dito sa opisina mo at bumaba ka naman ng deritso"

"Marami lang akong iniisip, buti ikaw nag kuha kay Ashxyl, sana diniretso mo nalang sa mansyon ni Alexander"

"Sabi mo gabi pa ang dating nila?"

"Ah right" tumango naman ako, hiniga ko si Ashxyl at tinanggal ang pajama niya. Inayos ko naman ang buhok nito.

"Bakit mo tinanggal? okay na yun! ayaw kong may makakita ng balat ng anak ko! bawal pa yun! baby pa siya"

"Para ka namang baliw, kung ano ano nalang iniisip mo, sa tingin mo ba bagay yun kay Ashxyl?"

"Bakit? babagay naman talaga yun! mas mabuti nga yun, ginagaya mo lang talaga si Ashxyl sayo, puro balat ang nakikita" umirap pa ito na parang bata.

"Bakit pag nakita ba ni Ashxyl pag laki niya na ganon ang fashion niya nang bata pa siya masisiyahan ba anak mo?"

"Oo prinoprotektahan ko lang naman si Ashxyl"

"What a great father" sarcastic kong sabi dito sabay ikot sa mga mata ko.

"Yes I am of course!" taas noo nitong sabi.

"Anong plano mo ngayon? dinala dala mo sa labas si Ashxyl"

"Gagala kaming dalawa, sama ka?"

"Marami akong gagawin"

"Ipagliban mo muna yan"

"Wag mo kong igaya sayo Ashton, umalis na kayo, wag na wag mong bagohin ang itsura ng anak mo, mapapatay talaga kita"

"Oo na, sayo lang naman ako takot sa bantang yan"

Kinarga niya naman si Ashxyl kaya mabilis ko itong hinalikan.

"Ako?"

"Nakasobra ka na kagabi pa kaya umalis na kayo, mag ingat sa pag mamaneho" siya naman ang humalik sa labi ko ng mabilis at lumabas na sila ng opisina ko.

Umupo naman ako sa swivel chair ko at pinilit ko na mag focus sa pagbabasa ng mga papeles ko.

Kinuha ko naman ang phone ko para eh text si Ashton.

Let's eat lunch together Ashton.

Binalik ko na ulit ang atensyon ko sa trabaho ko hanggang sa makabalik sila Ashton sa opisina ko.

"Ano yan!?" gulat kong tanong kay Ashton habang papalit palit ang tingin ko kay Ashton at kay Ashxyl na parehong may suot na parang sumbrero pero natatakpan ang mukha ni Ashxyl dahil sa laki, yung bunny design na nauuso ngayon sa mga bata. May nakatali din sa kamay ni Ashxyl na lobo na mickey mouse.

"Pinag gagawa mo sa anak mo Ashton?" lumapit naman ang dalawa at pinatayo ni Ashton sa mesa ko si Ashxyl.

"Bunny!" masayang sabi ni Ashxyl sabay talon talon pa.

"Bunny daw"

"Hindi ka talaga pwedeng iwan sa anak mo Ashton, kung ano ano pinag gagawa mo" Kinuha ko naman si Ashxyl, hinalikan niya naman ako at nilalaro na nito ang lobong nakatali sakanya.

"I'm trying my best, yan ang gusto niya binigay ko, why not kaya ko naman" taas noo nitong sabi.

"By the way, saan tayo kakain? mag pahatid nalang kaya tayo dito? pagod ako, kiss mo ko para hindi na ako mapagod wife" ngumuso naman ito.

"Tumigil ka nga, isip bata ka talaga" umirap pa ako dito pero hinila niya ako sa mga pisnge ko at hinalikan ako sa labi ko.

"Miss Jasmine" mabilis humiwalay saakin si Ashton at lumingon sa likod, sinilip ko naman ang bagong dating pero hindi makatingin saamin ang secretary ko.

"It's already lunch time po, mag papahatid po ba ako ng pagkain dito?"

"No it's okay, sa labas kami kakainin, kumain ka na din" si Ashton naman nag sabi non.

"Uhm sir, you have a lipstick stain" naiilang sabi nito, nag bow pa bago umalis, umikot si Ashton habang pinupunasan sa hinlalaki niya yung labi niya.

"Use lip tattoo wife" kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya, pano niya nalaman ang bagay na yun?.

"What? I just knew that because of Misha" mabilis nitong depensa nang tignan ko ito ng masama.

"I'm not asking" kinarga ko naman si Ashxyl at iniwan si Ashton don.

His Unheard Feelings ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora