#Chapter28

45 0 0
                                    

#Chapter28

Jasmine's POV

"Alam mo tumigil ka sa kamanyakan mo katabi mo pa naman anak mo" inirapan ko ito bago binalik ang tingin sa kalsada.

"Paniguradong madaming media ngayon diyan, alam na nilang umuwi ka"

"Yeah, actually sila ang sumalubong saakin nung makauwi ako. Buti nalang tinulongan ako ng security guards ng airport para makalabas ng safe"

"Pinasama ko si Hanz sayo para ligtas ka ano ba ginagawa non?" napatingin naman ako sa rear mirror.

"At this moment nakasunod saakin, hindi niya kayang mag isa ang mga media Ashton"

"Haharap ka sa media na ganyan ang suot?"

"Why? as if bago sa mga mata nila ang pananamit ko ngayon, they've been seeing me wearing clothes like this." kalma kong sabi.

"Tsk"

"Wala kang magagawa, malapit na kami sa university"

"Why I have this kind of wife? hard headed"

"Because ako ang binuntis mo sa dinadami dami ng naka one night stand mo"

"Hindi one night stand ang nangyari saatin Jasmine, kung hindi mo ko hinabol habol edi sana hindi sasakit ang ulo ko sayo ngayon"

"Kapal naman ng mukha mo kung makapag sabi ka diyan na hinabol kita"

"Why hindi ba?, kung hindi naman kasi kayo baliw na mag kakaibigan at mag dare"

Right! alam niya yun! dahil nung binili niya ang bahay, sinabi ng mga kaibigan ko bakit ako natalo.

"Kung hindi ka naman kasi gagong umalis ng bansa bago matapos ang dare" narinig ko pang nag 'tsk' ito pero hindi ko na pinansin.

"Ang daming tao" komento ko habang nililibot ko ang paningin ko para makahanap ng pwesto kung saan eh park ang kotse.

Nang makahanap ako mabilis kong pinark ang kotse ko bago ako maunahan, kinuha ko maman ang purse ko at cellphone ko.

"Matulog ka na Ashton madaling araw pa diyan, sinama sama mo pa ang bata sa pag pupuyat"

"Nagising si baby Ashxyl kanina hinahanap ka kaya nagising na din ako, naalala ko din na ngayon ang graduation ni Jazreal kaya tatawagan sana kita kaso naunahan mo na ako so yeah!"

"Matulog ka nalang ulit" suot ko ngayon ang ear piece ko at nakababa lang yung phone ko.

"Kung hindi ba naman matigas ang ulo ng asawa ko, edi sana natutulog na ako ngayon, babantayan kita Jasmine"

"Ano ako bata? at isa pa andiyan si Hanz para mag bantay saakin."

Napasinghap naman ako sa gulat nang may lumapit saaking grupo ng media, inulan naman ako ng flash ng camera nila at mga tanong.

Narinig ko ang pag mumura ni Ashton, mabilis naman hinarang ni Hanz ang katawan niya, inalalayan niya naman ako, tumulong na din ang mga security guard ng university sa pag harang na makasunod ang mga ito saakin, nasa labas ako ng university nag park dahil siguradong puno na sa loob, dumami ang security guard ng university simula nung naging share holder ang Kyril dito.

"Are you okay?" narinig kong tanong ni Ashton.

"I'm fine"

"Nasa loob na ang mga magulang mo, Jas" tumango naman ako sa sinabi ni Hanz at tuloyan na kaming nakapasok sa university.

-

Bumuga naman ako ng hangin nang makita ko ang binigay saakin ng secretary ko na papeles.

"Ate"

"It's not your fault, help me nalang para maayos ito okay?" malambing kong sabi dito, pilit kong sinisilip ang mukha nito, nakayuko kasi ito ngayon.

Pinagalitan ito ni daddy kagabi at sinisisi kaya ito ako ngayon, imbis na umuwi sa pamilya ko, andito ako nag mukmok sa kompanya namin dahil sa problemang hinaharap.

"Sorry kung hindi ka nakauwi kay baby Ashxyl"

"It's fine, nag uusap naman kami ng anak ko, hayaan mo na"

"Miss Jasmine" napalingon naman kami ng sabay ni Jewell sa likod niya, pumasok ulit ang secretary ko na may dalang table.

Lumapit naman ito saamin at nilapag sa harap ko ang table.

Mrs. Jasmine Veingle-Kyril is having an affair to Lloyd Acerño

Kumunot ang noo ko sa nabasa kong headline.

Anong affair? binaba ko naman ito at nakita ko ang mga larawan na nakuha sa tuwing nag kikita kami ni Lloyd.

It's not an affair! we're just talking about the isssue and about the business nothing else!

Lloyd Acerño confirm it to us, that he and Jasmine is having a relationship.

This is bullshit! Napatingin naman ako sa secretary ko.

"May tumawag po saakin ngayon lang para eh confirm kung totoo po ba ang kumakalat na balita"

"Kailan lang to nailabas?"

"Kanina pa po umaga" napapikit naman ako bigla akong nahilo.

"Umalis muna kayong dalawa" kalma kong sabi sakanila, sinunod naman nila ito kaya tahimik na ang opisina ko.

First siniraan niya pa si Ashton saakin, he said, Ashton is having an affair kaya umuuwi ito dito ng hindi kami kasama. Tapos ngayon sinisiraan niya ako sa buong bansa?!

Hinilot ko naman ang ulo ko at pumikit.

Siya ang dahilan kung bakit may issue ang kompanya namin, nakikipag usap ako ng maayos dito para walang gulong lalabas sa media pero talagang mahilig ang gago gumawa ng gulo!

Kinuha ko naman ang phone ko na nag iingay, wala sa sariling sinagot ko ito.

"Girl!" napabuntong hininga naman ako nang marinig ko ang boses ni Francheska.

"Not now Francheska masakit ulo ko"

"You're trending not only nationwide but in fvcking worldwide!" lalong bumagsak ang mga balikat ko dahil sa sinabi niya.

"Akala ko deleted na ang article pero may nag post ulit!" pahabol nitong sabi.

"Deleted?"

"Yes, 30 minutes after the article released, deleted na ito pero may nag post ulit, ngayon di na kayang eh delete lahat dahil alam na ng buong mundo girl!"

"I'm not having an affair Francheska" tamad kong sabi nito.

"Alam ko, hindi katulad ni Lloyd ang pinapatulan mo"

"I'm going to end the call, gusto ko munang mag isip"

"Alright, call us if you need anything okay?" tumango na lamang ako at binaba ang tawag.

Ang pinoproblema ko lang kanina ay ang kompanya pero ngayon pati issue kong hindi naman totoo ay pinoproblema ko.

-

Bagsak ang mga balikat kong pumasok sa bahay, buong maghapon wala akong nagawa sa opisina at gabi na ng mapansin ko ang oras.

"Jasmine!" narinig kong sigaw ni dad.

"Not now dad, I'm drain wag mong pagalitan si Jewell, kasalanan ko yun" deritso kong sabi sakanya at nilagpasan ito.

Dumiretso ako sa kwarto, wala sa sariling binagsak ko ang katawan ko sa kama. Wala akong ginawa pero pagod ang katawan ko.

"Ate sabi ni dad na andito na daw si Ashton at si baby Ashxyl sa bansa, nasa bahay niyo daw ito, tumawag daw ito kaninang 6 pm" yun ang huli kong narinig bago ako tuloyan nilamon ng antok.

His Unheard Feelings ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon