WAVE TWENTY-FIVE

Zacznij od początku
                                    

Dali dali akong pumunta sa may banyo at sumuka sa inidoro. “Ate! Are you okay?” rinig kong sabi ni Penelope pero patuloy lamang ako sa pag susuka.







Nang sa tingin ko ay nahimasmasan na ako dali dali kong ni flush ang bowl at nagmumog at hilamos sa may sink.






“Oh tuwalya.” inabutan ako ni Kiara kaya agad ko iyong tinanggap at pinunasan ang aking basang mukha.






Walang kibo akong pumunta sa sala at naupo roon. Tiningnan ko ang lamesa kung naroon pa ang mga pagkain at sobrang laki ng pasasalamat ko dahil wala naman na.







Huminga ako ng malalim at tiningnan ang nakapamewang na pinsan ko sa aking harapan.







Si Penelope ay kunot noong nakatingin lamang sa akin. Umiling ako at binuksan ang telebisyon.






Hindi ko nalang pinansin ang mga titig nila at nanood nalang ng balita. Buong akala ko ay itong kalagayan ko lang ang gugulo sa isip ko pero...






Mas lalo yata akong maguguluhan sa napapanood kong balita ngayon lamang.






“Magandang tanghali sa mga manonood ngayon. Bali-balita ang tungkol sa dalawang tao na dating magkasintahan.” napaayos ako ng upo dahil sa pamilyar na malapad na likod na nasa television.






“Ang isang sikat na modelo rito sa ating bansa na si Remedy Constanciandra Ferox ay ilang beses na nakita kasama ang bagong CEO ng Rivera's Company, na si Dark Asher Rivera.” pakiramdam ko ay may sumasaksak sa aking puso.







Ang kaninang pakiramdam ay mas lalong lumala. “Nakita silang magkasama sa isang restaurant, mall at isang hotel.” masayang sabi ng reporter.






“Aba lintek na matcho dancer 'yan!” marahas na kinuha ni Kiara ang remote at pinatay ang television.






“Ate...” I look up at Penelope na ngayon ay may nag aalalang nakapukaw na tingin sa akin.







I smiled at her. “Ayos lang ako. Sige magpapahinga muna ako sa aking kuwarto.” sabi ko rito at hindi na sila hinintay na magsalita.







Pagkapasok na pagkapasok ko sa kuwarto ay bumagsak na agad ang mga luha ko. Marahas ko iyong pinunasan.







Bakit parang napaka babaw ng luha ko nitong mga nakaraang araw? Noong una iniyakan ko ang palabas na pinapanood ko dahil akala ko namatay iyong bida.








Pangalawa, nagising ako ng mga bandang alas tres dahil kumakalam ang sikmura ko. Tumingin ako sa ref pero wala akong gustong kainin puwera sa mangga kaso wala, naiiyak na ako dahil hindi ko alam kung hihingi ba ako ng tulong kay Kiara pero ayaw ko naman siyang abalahin.






Pangatlo na 'to. Hay nako, kailangan ko nang tumigil dahil sumasakit na rin ang ulo ko. Humiga nalang ako sa kama at nag talukbong gamit ang kumot.



***



“SA TINGIN MO?” rinig kong sabi ng kung sino. “Ha? Anong sa tingin ko?” rinig ko muling ani ng isang pamilyar na boses.







“Anong mali sa ate mo?” sabi ulit at this time napagtanto kong si Kiara ito at ang kausap niya ay si Penelope. Gayun pa man nanatili lamang akong nakapikit.







“Hmm...she looks so bothered lately. Paiba iba ang mood niya, bigla rin siyang naging matakaw. Pansin ko na nga rin ang pagtaba niya e.” sabi ni Penelope.







“Oh diba! Sabi ko na e!” naging interesado ako sa kanilang pag uusap. Ano na naman kayang sasabihin nitong magaling kong pinsan.







“What ate?” tanong ni Penelope pero bago pa man makapag salita si Kiara biglang bumukas ang pinto ng aking kuwarto.







Bigla silang natahimik na dalawa. Bakit? Lumabas kaya sila? Narinig kong muli ang pagbukas at pagsara ng pinto.







Buong akala ko ay bumalik sila kaya naman didilat na sana ako kaya lang biglang lumundo ang bahagi ng aking kama.









Si Penelope siguro ito. Lumapit ang taong 'yon sa akin at ipinalupot ang kanyang braso sa aking beywang.







Teka...kay Penelope ba talagang mga braso 'to? Bakit parang ang laki? Hinimas pa nito ang aking tiyan na siyang nagdulot ng pakiramdam sa akin kung saan sa isang tao ko lang nararamdaman.







“I'm already here, sorry I'm away for a week.” mahinang bulong niya sa aking tainga. I bit my lower lip, pinipigilan ang sarili na umiyak.







“I love you baby and you're the one I want to marry. Ikaw lang...”




***






PAGKAGISING ko ay agad akong napabangon. Tiningnan ang bahagi ng kama upang tingnan ang lalaking katabi ko kanina.






Pero...





Wala.








Don't tell me it's just a dream? Napasapo ako sa aking noo ng makaramdam na naman ng hilo.







Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone. Ala una na, ang tagal ko palang nakatulog. Tumayo na ako sa kama at dahan dahang pumunta malapit sa aking aparador.






Pagkatapos kong magpalit ay dumiretso agad ako sa kusina. Nagugutom ako, hindi ako naka kain ng tanghalian.






Natagpuan ko sa sala mag isa si Kiara. May tuwalya na nakasabit sa kanyang mga balikat habang nilalantakan ang kaisa isang pizza.








“Oh gising ka na pala. Kumain ka na, nakapag luto na ako ng sinigang diyan sa kusina, umuwi na rin si Penelope kanina.” sabi nito kaya tumango na lamang ako.





Sinigang...







Umiling ako dahil naalala ko na naman siya. Ito kasing sinigang ang paborito niyang niluluto sa akin tuwing umaga.







Ang sabi niya ay mainam at mainit sa katawan. At iyong kaninang umaga...mukhang totoo talaga at hindi lamang panaginip.







Umiling muli ako at kumuha ng mangkok para makakuha na ng sinigang. Agad akong nag sandok noon at walang pasabing iyon ay tinikman.







Nang malasahan ko ang sinigang ay doon ako napatigil. Naibaba ko ang aking kubyertos at napasapo sa akin noo.








“Kiara!” sigaw ko pero halakhak lamang niya at ang pagbukas sara ng pintuan ang aking narinig.









Ngayon ko lang naalala! Hindi nga pala sanay magluto ng ganitong pagkain si Kiara, ibig sabihin totoo rin iyong nandito nga si Dark!

Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz