Lae's POV
Sandaling natahimik ang paligid nang pumasok si Mama sa kwarto ko. Natahimik ako kasi baka narinig niya akong nagmura, alam niyang 'di ako uuwi sa bahay kaya lagi siyang pumupunta dito para ipagluto ako. 'Di naman na ako nagrereklamo dahil ang kaya ko lang naman lutuin ay instant noodles.
"Anong mukha 'yan?" Tanong niya.
"Ahm, w-wala. Hehe, wala 'to 'ma. Ano palang ulam ko ngayon?" I asked.
"Ulam natin. Dito muna ako matutulog." She stated.
"Uh, okay. Ano nga ulam?" Tanong ko.
"Fish stew and beefsteak." Sambit niya. Natuwa naman agad ako dahil paborito ko ang paksiw.
"Magluluto na ako ha." Asik niya at lumabas na ng kwarto ko.
Kanina pa nagv-vibrate ang phone ko kaya nang buksan ko ito ay panay si Gab ang nagt-text.
7:38 PM
Unknown
Unknown:
Hey, u still there?
Reply pls
U wanna meet tom?
2 get ur keychain?
Or i'll just keep it.
Hey, we still connected?
Panay ayan lang at yung iba at double sent kaya nagtipa na lamang ako ng mensahe para sa kanya.
Lae:
No, that's mine. Let's meet tom. Goodnight.
Agad ko na pinatay ang phone ko at bumaba na sa sala. Magn-netflix na lang muna ako habang hinihintay si Mama na magluto.
"Ash, kain na." Sambit ni Mama kaya tumayo na ako at pinatay ang tv.
"Ang bango naman." Pang aasar ko sa kanya. Ayaw niya kasi nang pinupuri ang mga luto niya.
"Tse. Kumain ka na lang dyan." She said.
"'Di ka man lang ba kikiligin?" Sambit ko at napanguso.
"You don't look cute. Kumain ka na." She said.
Kumain na nga ako at pagtapos non ay umakyat na. Matutulog na ako at maaga pa ang pasok ko, si Mama sa guest room kasi ayaw ko na may katabi, nasisikipan ako.
"Goodnight, sweetie. Love you." She said.
"Goodnight, Ma. Love you too." I said back.
But before heading to bed, nag half bath muna ako at skin care. Nag toothbrush na din para fresh ang laway ko bago matulog.
***
Nagising ako ng marinig ang alarm clock ko. Napakaingay nito dahilan upang pati diwa ko ay magising. Pinatay ko ito at naligo muna. Mamaya na ako magt-toothbrush after ko kumain para di na hassle.
Pagbaba ko ay wala si Mama, ang isip ko'y baka tulog pa ngunit nagulat ako nang makita ang pagkaing natatakpan sa lamesa. May note na nakasulat dito.
YOU ARE READING
Only Exception (Time series #2)
Romance"I, Ashley Lae Pacheco, take you Gabriel James Blanco to be my lawfully wedded husband, in sickness and in health, for richer and poorer, in worst times of our life, to have and to hold, from this day forward. Til death do us part." I thought til de...
