"Anastasia!"

Inirapan ko lang siya. Si ate naman pulang-pula na. Nalilito na rin siguro sya sa'min.

Sorry, ate. Malakas lang talaga tama ko ngayon.

Ivo faked a smile in the next pictures. Ang cute nila!

"Thank you po," sabi ni ate.

"Thank you rin! Pasensya na kay Ivo ha," I replied.

"Okay lang po. Ang swerte mo nga po sa kanya. Ang gwapo tapos mukhang gentleman man," she dreamily said.

I just laughed. She's right. Ivo's very gentleman. Bonus na lang yung looks niya. Even without looking at his face, I'd surely fall for him. He's just my type of guy.

"Mauna na po ako," paalam ni ate.

"Okay, ingat ka!"

I dragged Ivo to ride the MOA Eye. It's been a while since I've been here.

As usual, he willingly paid for our tickets. Mukhang mas tuwang-tuwa pa siya kaysa sa'kin nang makasakay kami.

We stayed quiet. I don't know but it's just comfortable. It's not like the awkward silence like we had the first time we met after breaking up. It's actually peaceful.

Nang nasa pinakataas na kami, Ivo broke the silence.

"I love you, Anastasia."

I smiled at him. I love him, too. Very much.

🦄

As they say, time passes by quickly when you're happy. Gano'n nga yata talaga. One month and two weeks na ako sa trabaho. It was pretty good actually. Except for two co-workers who don't really like me.

Wala naman akong ginawa sa kanilang dalawa pero simula pa lang, laging ang sama ng tingin nila sa'kin. One time, sinadya nila akong patirin sa canteen. Parang mga bata.

At first, I don't really understand why they're like that, but as time passes, na-gets ko rin. One of them likes Ivo very much.

"Hello, Theo?"

"A, favor. Pwedeng sa'yo muna si Gelo tonight? My dad was rushed in the hospital and I need to go there. Papunta na kami dyan," he told me.

"Okay, sure. Just wait for me in the lobby," I said and he hanged up.

I went to the lobby. Time na rin naman para umuwi.

"Ano bang nakita ni Prim sa babaeng 'to? Cheater naman! Nagpapaligaw kay Prim tapos may ibang katawagan. Yuck," sabi ni Leila, isa sa dalawang katrabaho kong napaka-bitchesa.

"Do'n ka na lang sa Theo mo! May anak naman na kayo! Bakit mo pa ginugulo si Prim?" si Kara naman, yung may gusto kay Ivo.

Hindi ko na lang sila pinansin. Lalagpasan ko na sana sila pero agad akong hinigit ni Leila.

"Bitch!" Kara almost slapped me but Theo was able to stop her.

"Oh ayan na ang prince charming mo! Magsama kayo!" she shouted and stormed out of the building with her friend.

"You okay?"

"Yeah. Sanay na 'ko sa kanila," I answered.

"It has been like that ever since. Kahit nasasaktan ka na, you're still nice," he commented.

"Wala namang magandang mangyayari kung papatol ako diba?"

"At least defend yourself, A," he sighed.

I just smiled.

"Anyway, where's Gelo? Akala ko ba sa'kin muna sya ngayon."

"He's outside. Nakikipag-usap sa guard. Ang daldal ng batang 'yon," sabi nya.

"Hindi nagmana sa'yo," sabi ko.

Natawa naman sya.

"Sige, A. I better get going. Puntahan mo na lang si Gelo," paalam nya.

"Okay. Ingat ka. Send my regards to Tito," I bid him goodbye.

Sabay na kaming lumabas. Dumiretso na si Theo sa sasakyan nya. Pinuntahan ko naman si Gelo na nasa bodyguard post.

"Mommy!"

"Hello, baby," I kissed his cheek.

"Nandyan ka na pala, Ivo," I said when I saw Ivo talking to the guard.

"Yeah. I saw Gelo kaya hindi agad ako pumasok," he said.

"Tara na?"

"Okay."

"Gelo, say bye to kuya," Ivo instructed the little boy.

"Bye po!" paalam nya kay kuyang guard.

"Una na po kami, kuya," sabi ko naman.

"Ingat po kayo, ma'am! Naku, ang cute ng anak nyo! Tapos pati asawa nyo ang bait pa. Bagay na bagay po kayo," komento ni kuya.

I smiled at him. He thinks that we're a family and I don't know why my heart somersaulted with that idea.

Better Than Imagined (AA #1)Where stories live. Discover now