-22

2.2K 31 7
                                    

xxxxxxxx

Para akong eng-eng. Kanina pa ako nakaupo sa kama habang pangiti-ngiti. Hawak ko pa rin yung mga bulaklak at yung note na namulatan ko kanina pagkagising ko. Kung may ibang taong makakakita sa akin baka isiping nababaliw na ako. Hindi nga ba? Hayyyy...

Inamoy - amoy ko pa yung mga bulaklak bago ako tumayo sa kama at inayos ang sarili ko. Suot ko pa rin yung t-shirt nya. Tinanghali na naman ako ng gising. Napuyat ako kagabi! ooppss.. kami pala !wahaha ...

Ano ba ang iniisip nyo? Wala kaming ibang ginawa okay ? Nagkwentuhan lang kami habang magkayakap. Ang sarap pala ng feeling kapag ganun. Yung tipong kahit wala alam nyo na pero kuntento na kaming magkayakap lang. Basta magkasama lang kami. Kung anu-ano lang naman ang pinag-usapan namin. Yung plans namin together kapag mag-asawa na kami. Yung set-up namin. Kinakabahan nga ako pagbalik kasi namin sa Manila ipakikilala na raw nya ako sa pamilya nya.

Nagtoothbrush ako at naghilamos. Saktong paglabas ko ng cr pumasok sya ng kwarto. May bitbit syang ilang paper bags.

" Good morning Hon. " nakangiting bati ko. Tapos lumakad ako pabalik ng kama at ibinagsak ko ang sarili ko doon. Inaantok pa talaga ako. Parang wala akong ibang gustong gawin buong maghapon kundi matulog. Pinagmamasdan ko sya habang isaisa nyang inilalapag ang mga dala nya.

"Good morning too,Hon. " ganting bati nya sya akin. Nahiga sya sa kama patagilid paharap sa akin.

Umayos ako ng higa tapos humarap ako patagilid sa kanya . Now we're facing each other. Bakit ganoon parang mas lalo syang naging goodlooking sa paningin ko.wahaha.. Pinagmasdan ko ang buong mukha nya. Sana kapag nagkaanak kami makuha ng baby namin lahat ang features nya. Wala na yung mga stubbles nya. Parang gusto ko tuloy haplusin ang mukha nya.

" Don't look at me like that . " seryosong sabi nya.

" like what? " pagmamaang maangan ko.

" Geez .. " hinila nya ako palapit sa kanya.

" ano nga? " napapangiti na ako kasi parang bigla hindi sya mapakali.

" Stop staring ... " aba.. biglang nahiya si loko.

" Staring like what ? " i teased him. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Bibihira ko syang makitang ganito.

" Staring like you wanna make love to me. " pilyo yung pagkakangiti nya sa akin. Tapos bigla nya akong kinabig ng mas malapit sa kanya .

" really ? " ang cute nya lang tingnan talaga.

" Argghh.. kulit lang. Stop doing that kasi baka mamaya hindi ako makapagpigil eh hindi na tayo makalabas dito maghapon. "

" Eh sino ang nagsabi sayong pipigilan kita? " ipinatong ko sa batok nya ang mga kamay ko. He's now on top of me. Nakatukod yung isang kamay nya sa gilid ko .

" ah ganoon? " tinitigan ko sya. Pumikit ako ng halikan nya ako. Tinugon ko yung mga halik nya hanggang sa bumaba sa leeg ko ang mga labi nya. I just let him kissed me and feel me. Parang mas lalo akong inaantok. Para akong pinaghehele ng mga anghel...

" hmmm . " naramdaman ko na lang na inayos nya yung higa ko.

" sorry Hon. " sabi ko sa inaantok na tinig. Nakapikit pa rin ako. He just kissed me and hug me tight.

Nagising ako medyo madilim na . Nakaunan na ako sa braso nya. Nakayakap pa rin sya sa bewang ko. Gustong gusto kong haplusin ang pisngi nya. Parang until now di pa rin ako makapaniwala. We are getting married soon. Pag-uwi namin magsasabi na kami kay Nanay . At kailangan ko na ring ihanda ang sarili ko kasi ipakikilala nya na ako sa pamilya nya.

A  Night  To Remember ( twisted lies ) ( BOOK1-COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon