CHAPTER 26 - ( FINAL CHAPTER)

2.3K 28 7
                                    

CHAPTER 26 (FINAL CHAPTER)

ENNA'S POV

"I really don't know where to start." Ilang araw kong pinaghandaan ang pagkikita namin . Ilang ulit ko na rin na kinabisado sa isip ko ang mga linyang sasabihin ko pero ngayon na nasa harapan ko na sya ay wala hindi ko alam kung saan ako magsisimula .

Nagkita kami sa isang coffee shop malayo sa pinagtatrabahuan namin. Ayokong may makakita o makakilala sa amin .

"He doesn't know,does he?" tanong nya sa akin .

Napayuko ako at sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ko. "I- I don't have  courage to tell him ."

" Keith , isa lang ang reason kung bakit nakipagkita ako sa'yo ngayon. I know this is to much to ask but can we keep it as a secret...for now. " nakikiusap na sabi ko sa kanya.

" We can't keep it that long. Time will come na malalaman- "

" Sasabihin ko rin sa kanya ang lahat kapag handa na ako but please not now. Hindi ko pa kaya . " sansala ko sa iba pa nyang sasabihin . Mataman nya akong tiningnan .Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya dahil blangko ang expression ng mukha nya. Napayuko ako .Hindi ko kayang salubungin ang mga titig nya.

" Alam mo bang hinanahap kita noon ." marahang sabi nito . Nag angat ako ng tingin sa nagtatanong na mga mata .

" Siguro kung hindi ko kinailangan na umalis ng pilipinas ay nagtagpong muli ang mga landas natin ng mas maaga. Hindi mo sana nakilala si Harold." Biglang nag init ang mga pisngi ko. Limang taon na akong nagtatrabaho sa kompanya at kung nagkataong umuwi ito ng mas maaga ay hindi nga malabong magkita uli kami.

" Pero mukhang may ibang plano ang Dyos .Plano nya tayong pagtagpuing muli at pahirapan." may bahagyang diin ang huling kataga. Well yes , tama nga ito dahil talagang napaka awkward ng sitwasyon. Lalo pang nagpadagdag sa guilt feelings ko ang katotohanang magpinsan ang mga ito.Kahit pa nga alam naman ni Harold ang mga nangyari noon.

" I love him so much ,Keith . "

" I know ." nakakaunawa at mabilis na sagot nya .

" Wala akong sasabihing kahit ano pero kung dumating sa puntong magkomprontasyon kami ni Harold wala na akong magagawa pa ,Enna.For now, let's be civil to each other lalo na sa opisina . "

"Salamat ." tanging nasabi ko. Tumango lamang sya bilang tugon.

                                                                         *********

Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang linggo na lamang at ikakasal na kami ni Harold. Last day ko na ngayon sa opisina dahil nag file ako ng 1 month leave mula sa trabaho . Naging magaan para sa akin ang mga nakalipas na mga araw dahil hindi kami nagkikita ni Keith sa opisina. Tumulak na ito papuntang cebu para personal na asikasuhin ang project na dapat ay kasama ako. Isa rin iyon sa mga ipinakiusap ko sa kanya noong magkita kami .Kung maari sana ay iba na lamang ang isama nya dahil magleleave ako sa trabaho.

Batay sa mga pangyayari ay nakikita kong mabuting tao si Keith . A true gentleman. Sana ay makakita din sya ng babae na magmamahal sa kanya ng wagas. Kung hindi ko nakilala si Harold hindi malabong mahulog ang loob ko sa kanya . Paano ko ba makakalimutan ang huling mga katagang binitiwan nya bago ako nagpaalam na aalis na noong nasa coffee shop kami ...

" Enna , kung dumating man ang panahon na isuko ka ni Harold hindi na ako magpaparaya ... hindi na kita pakakawalan pa. "

                                                                      ********************

A  Night  To Remember ( twisted lies ) ( BOOK1-COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon