chapter17

2.4K 21 6
  • Đã dành riêng cho myla25
                                    

Enna's POV

Naramdaman ko ang paghinto ng kotse.

"we're here." narinig kong sabi ni Harold.

pagdilat ko namangha ako sa nakita ko . Hindi ko akalain na ganito kaganda ang lugar. Inalalayan nya akong bumaba ng kotse .

" wow " speechless .

You like it ?" he asked.

" i- i love this place !.." nasa harapan ko ang isang two storey house. Isa yung bahay -bakasyunan, sa second floor ng bahay yung part na nakaharap sa dagat glass ang dingding. pati yung sa isang room which have a wall to ceiling curtain.. natatanaw yun mula dito sa kinatatayuan namin.

"this place is so beautiful.. breath taking " dinig na dinig yung hampas ng mga alon sa di kalayuan. Para bang nang-aakit . Isa pa sa kinamamanghaan ko ay ang mga bulaklak na nakatanim sa paligid ng bahay. The place reminds me of the movie alice's in wonderland minus the nakakahilong garden walls.. so lovely. orchids and flowers of different varieties. nakadagdag pa sa ganda ng paligid ang papalubog na araw.

" who owns the house? " i asked him. Di kasi ako sure kung sino sa mga kabarkada nya ang may-ari nito. well kung sino man sa kanila.. i envy him/her. Ang ganda ng lugar,napaka peaceful ng paligid. Sa di kalayuan sa kaliwang bahagi ng bahay natatanaw ko din ang mangilan ngilang mga puno.

" oh nandito na pala kayo, Harold."

"ay kabayo!" napapitlag ako ng biglang may lumabas na matandang lalaki mula sa kaliwa ko. At ang mokong tinawanan pa ako.

" pasensya na ineng kung nagulat ka.. akala ko kasi eh si harold lang ang darating . Wala kasing pasabi ang batang ito bigla - bigla na la ang susulpot dini.."

napakunot-noo ako.. nasa quezon na ba kami?

sinipat ko yung relos ko. past 6pm pa lang.. ang bilis naman namin nakarating. may pagdududa akong tumingin kay Harold.

" i'll tell you later." sabi nya then sumunod na kami kay tatang papasok ng bahay.

" biglaan po kasi mang tonio, si enna nga po pala ,girlfriend ko."

"Hon si mang tonio nga pala sya ang katiwala dito." sabi ni Harold.

" magandang gabi po mang tonio"

" magandang gabi din ineng.Kagandang bata . " nakangiting sabi nya.

" Syempre mang tonio, ako pa ho. Bukod po sa maganda at sexy na mabait pa po." biro ni harold.

" hahaha.. pilyong bata .di ka pa rin nagbabago harold. Siguradong magugulat si Cora kapag nalamang umuwi ka."

" oo nga po pala nasaan si nana cora?"

" Nasa bayan at dinalaw ang mga apo . Bukas pa ang uwi noon. Oh sya at maiwan ko muna kayo ihahanda ko lang mesa. Siguradong gutom na kayo."

" salamat po. " sabi ko.

" Aakyat lang ho muna kami saglit mang tonio. " paalam ni Harold habang bitbit na yung mga gamit namin. Hinawakan nya yung isa kong kamay tapos inakay nya na ko paakyat.

may tatlong kwarto sa taas . yung pinakadulong kwarto yung binuksan nya. Tumambad sa akin yung kaninang hinahangaan kong kwarto. it turns out na yung dalawang bahagi pala ng dingding ang salamin. yung sa kanan pala yung natatanaw ko kanina and the other side ay ang terrace. open sya kaya pumapasok ang hanging dagat.

" you like it? "

" yes ang ganda talaga dito. "

humakbang ako palabas ng terrace.  

sumunod sya sa akin . Niyakap nya ako mula sa likuran.

HAROLD'S POV

" im so glad that you like it here.Ganyang ganyan din ang reaksyon ko nung una kong nakita to. " sabi ko sa kanya habang yakap ko sya.

" You fell in love with the place ,too? " malambing na tanong ni Enna.

" Yeah. I fell in love with the place" with the place nga lang ba?may biglang sumingit na mga alaala .. 

napabuntong hininga ako ng malalim.

hey parang ang lalim nun ah. what's that for?" Enna asked.

" Wala Hon. Napagod lang ako sa pagmamaneho. Parang kailangan ko ng kiss. " malambing na biro ko sa kanya.

Ganoon??" humarap sya sa akin.

" Eh kung eto kaya ibigay ko sa'yo??" sabay taas ng kamao nya. anak ng .. nagiging amasona na yata ang mahal ko.

" naglalambing lang naman po . "

" Magpaliwanag ka. Nasaan ba talaga tayo? Akala ko ba kasama natin ang mga kabarkada mo?"

" Nagbago na ang isip ko. Parang mas gusto kitang solohin. Kapag wala ka sa tabi ko at di kita nakikita kulang lagi ang araw ko. Ikaw lang kumukompleto ng araw ko. " malambing na sabi ko.

" bola. Di mo pa sinasagot ang tanong ko. "

" Well... nasa san juan batangas tayo. and.. "

" and ? " dugtong nya.

" sa akin 'tong Bahay.

" And? "

" the truth is talagang ang plano ko eh sumunod tayo sa kanila kaya lang nagbago ang isip ko. Gusto kong ipakita sa'yo ang lugar na to. Matagal na din kasi akong hindi nakapunta dito. Alam mo bang kapag nalulungkot ako,naguguluhan or kailangan kong mag-isip dito ako pumupunta. " seryosong sabi ko sa kanya.

" eh ngayon ba? Alin doon sa tatlo ang pinagdadaanan mo? " pabirong tanong nya.

" wala . gusto ko lang ipakita sayo at i-share ang lugar na to. Ayoko na nga hindi mo naman siniseryoso ang mga sinasabi ko. " nagtatampo kunwaring sabi ko.

" Hindi naman sa ganoon. Hindi lang ako sanay na seryoso ka. At isa pa, ayokong masanay ng ganito."

" ganito ? like ? "

" ganito, yung lagi tayong masaya, yang pinapakita mong sweetness . masyado na akong nasasanay na nasa tabi kita. Natatakot ako na dumating yung time na hindi ko na maranasan ang lahat ng 'to. Yun bang kapag nagising ako isang araw ,hindi ka pala totoo .. hindi pala totoo ang lahat ng ito. nakakatakot , harold..ayokong dumating ang time na yun. "

" hindi darating ang time na yun. Lahat ng 'to totoo. at kahit ano pang mga pagsubok ang dumating sa atin hindi kita iiwan,hindi kita isusuko. Lagi lang akong nandito sa tabi mo. Basta promise me walang bibitiw . "

" ipinapangako ko Hon. "

niyakap ko sya ng mahigpit, Ipinapangako ko sa sarili ko hindi ko hahayaan na mawala rin sya sa akin. Hindi ko na uulitin ang mga pagkakamali ko dati. This time hindi ko kakayanin kung mawawala si Enna sa akin. Sya lang ang nag pabalik ng tiwala ko sa sarili ko. Hindi man nya alam pero sya ang dahilan ng malaking pagbabago ko. I want to tell her everything .. pero natatakot ako na baka hindi nya ako maintindihan, na pagdudahan nya ang pagmamahal ko. Pero humahanap lang ako ng tyempo . Alam ko na kahit anong iwas ang gawin ko darating at darating yung time na yun. Hindi ko nga lang alam kung kelan ako magiging handa... but one thing is for sure Si Enna lang ang laman ng puso ko. Maybe not in the past years of my life but she will always be here Now and forever.. alam ko kung nasaan man si Marion ngayon she would be happy for me.

_A/N_

minsan lang po akong mag online kaya hindi ko din mabasa yung mga comments nyo. But as soon nag online ako, iisa isahin ko po kayong lahat, salamat po sa mga matyagang nagbabasa ng ANTR. SA mga naglikes and comments po salamat po ulit... para po ito kay myla25 and kay ate garami .  

sana po makabasa din po ako ng comments from my silent readers,hehehe

A  Night  To Remember ( twisted lies ) ( BOOK1-COMPLETE)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ