chapter20

2.3K 28 8
                                    

ENNA'S POINT OF VIEW

Martes...

May pagmamadali sa mga hakbang ko. Isa isa kong tiningnan ang mga dala kong files. Baka may nakalimutan ako at naiwan sa bahay.

" Ma'am Enna magandang umaga po! " bati sa akin ng guard on duty.

" Magandang umaga din po ! " tipid ang ngiti kong sagot. Matamlay pa rin ako hanggang ngayon. 2 days. No miscalls. No msg received from Him. Nakakatanga lang pero na-mi-miss ko sya kahit ang sakit pa din.

Kaninang umaga ang agang manermon ni Nanay. Bakit daw mukha akong namatayan. Ang tamlay ko pa daw. Hindi rin kasi ako nakakain ng maayos kanina. Ilang subo lang umayaw na ako. Ayun nasermunan tuloy ako.

Ayoko ng ganito . Pati si Nanay at Jack naaapektuhan na. Lalo pa't close din sila kay Harold. Si Jack parang nag-aalangang kausapin ako dahil siguro nakikita nya na madalas natitigilan ako.

Sa loob ng dalawang araw na hindi namin pag-uusap may isang bagay lang akong narealized yun ay ang nararamdaman ko para sa kanya. Dahil sa kabila ng ipinagtapat nya , kahit hindi mawala ang mga pagdududa at mga tanong ko nangingibaw pa rin yung PAGMAMAHAL na nararamdaman ko para sa kanya sa kabila ng lahat. Oo tanga na kung tanga ako pero MAHAL KO TALAGA SYA! At hindi ko kayang mawala sya sa AKIN! Handa akong makinig sa iba pa nyang sasabihin. Nakapagdesisyon na ako na makikipag-usap ako sa kanya pagbalik ko. After 4 days magiging okay ang lahat.. hopefully.

" Ting! " tunog ng bumukas na elevator ang nagpabalik ng diwa ko. Dali-dali akong sumakay at pinindot ang floor number ng office namin. Maaga akong pumasok ngayon kasi may mga kukunin pa akong ibang files para sa presentation ko . I want to impress my New Boss hindi dahil sa gusto kong sumipsip sa kanya kundi dahil gusto kong ipakita sa kanya na kaya kong makipagsabayan sa mga lalaking arkitekto. Dati kasi yung dati kong boss nung una parang duda din sa kakayahan ko but later on he acknowledged me as one of his best team member. Sabi ko nga sa inyo diba dedicated ako sa trabaho. Pero kinakabahan ako dito sa bagong boss namin lalo pa at marami akong naririnig tungkol sa kanya.

Pagpasok ko sa office kinuha ko na yung mga kakailanganin ko . Palabas na sana ako ng matigilan ako. Parang may nakatingin at nagmamasid sa akin. Weird ?  

Paglingon ko wala naman akong nakitang tao. Nagpatuloy na ako sa paglabas at sumakay ng elevator papunta sa ground floor kung saan iniwan ko ang maliit kong maleta na naglalaman ng ilang mga personal na gamit.

" Good morning ! " bati ko sa iba kong ka-teammates na nandoon na din. 4 kami sa team. Pupunta kami sa cebu for a meeting sa ilang clients na gustong kumuha ng service ng company sa pagpapatayo ng ilang hotel and resorts sa ilang lugar sa cebu. Ako ang napiling magpresent ng plano at ilang example ng mga structures and designs na pwedeng gawin .

" good morning din Miss Enna! " ganting bati ng ilan.

Maya-maya dumating na yung secretary ng boss namin.

" A guys.. pinasasabi ni sir Keith na sa airport na nyo daw sya antayin. "

" okay " sabay sabay na sabi namin. Tapos nagkanya kanya ng dala ng mga bitbit papunta sa van na maghahatid sa amin sa airport.

curious na talaga ako kung sino ang bago naming team head. I heard isa sya sa anak ng board member. And his family is the one  who owns 50 percent shares of the company. Ibig sabihin anak sya ng President . Pero napapatanong nga ako minsan. Bakit hindi as Department Manager sya inilagay ? bakit team head? MA AT PA.

" Wala pa si sir keith. " sabi ni Arman. Isa sa mga kasama ko. Nagkibit balikat lang ako. Hindi naman kasi ako interesado. Mas nag-aalala ako kay Harold. Kanina pa ako patingin tingin sa cp ko. Baka sakaling tumawag sya.

A  Night  To Remember ( twisted lies ) ( BOOK1-COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon