CHAPTER 7 - MEMORY LANE

12 1 0
                                        


Cade's POV

Kinabukasan ay nag text sa akin si Kate na sa hapon na kami magkita dahil medyo sumakit ang ulo niya. Ilang beses niya daw pinilit na alalahanin yung ilang bagay para hindi ako mahirapan mag explain sa kanya.

Kung alam niya lang na willing akong ulitin lahat kahit yung pangliligaw ko sa kanya para lang maalala niya 'ko.

Katriel's POV

Ilang beses sinabi ni Cade na willing siyang ipaalala sa akin lahat ng bagay na 'di ko matandaan. Pero paano ko maaalala 'yon kung hindi ako ang hinahanap niya? O ako ba talaga?

"Ate tulungan mo naman ako oh. Naguguluhan na 'ko. Sabi mo sa'kin gagawa ka ng play na para sa akin at kung sino ang makakapartner ko dun siya yung nahanap mo para sa akin."

Napabuntong hininga na lamang ako habang iniisip ko yung nangyayari. Nahihirapan ako umintindi ngayon hays. Cade alam kong mas mahihirapan ka kaya akin na lang muna 'to.

Buti na lang at mamayang hapon pa kami magkikita kaya may chance pa para ipahinga ko 'tong utak ko. Ipinikit ko ang mga mata 'ko...

"Ano Vienne, nag enjoy ka ba sa biro ko?"

"Ano na namang kailangan mo? Pwede ba kung wala kang dulot sa mundo manahimik ka na lang."

Naiirita na 'ko. Hindi na ako nakakatulog ng maayos dahil sa boses na 'to. Hindi ko alam kung nasisiraan na ba ako kakaisip sa mga bagay bagay.

"Hintayin mo lang sa tamang oras lahat mawawala sa'yo kung hindi ka aalis sa lugar na 'to."

Cade's POV

3:00 PM

Nandito na 'ko sa gate ng park at hinintay na dumating si Kate dahil ayaw niya na pumunta pa 'ko sa kanila at gusto niyang sabay kami na papasok.

"Cade!" Nakita ko siya tumakbo at nakangiti.

"Kanina ka pa ba dito? Sorry natagalan ako ha."

"Hindi naman, kararating ko lang din dito." Ngitian ko siya at hinawakan ang kanyang kamay.

Balewala ang paghihintay ng isang oras o higit pa kung ikaw din naman yung kasama ko. Naglakad kami papasok sa park pero hindi kami dumaan sa mismong entrance nito.

"Babe. Saan tayo pupunta eh doon ang entrance ng park?"

"Sabi ko sayo may dadaanan tayo dito na magandang place diba? Sundan mo lang ako." Sumagot siya sa akin, ngumiti at binalik ang tingin sa daanan na tinatahak namin.

Ilang minuto pa ay nakarating kami sa parang sikretong garden ng park na ito. Hindi ko naman masasabi na sikreto dahil marami din naman ang dumadaan pero hindi ko pa ito napuntahan.

"Anong lugar 'to? Hindi ko alam na may iba pa palang daanan dito maliban sa entrance."

"Maganda ba? Madalas ako dito noong bata pa 'ko. Ang ganda kasi, isa pa pag gabi ka dumaan may makikita kang mga alitaptap tapos malamig ang simoy ng hangin. Maganda diba?"

Ngumiti ako at sumagot..

"Mas maganda naman ang mga lugar pag kasama ka. Maganda nga 'to pero mas maganda pag kasama kita."

Tinignan niya lang ako at kinurot ang aking pisngi. Agad din kaming naglakad uli pero sa iisang side lamang.

"Bakit dito tayo sa side na 'to?"

When I See You [COMPLETE - editing]Where stories live. Discover now