CHAPTER 6 - When I See You

18 1 0
                                        

KATRIEL's POV

Malapit na naman kami magkita ni Kim. Hindi ko alam kung paano ko siya ngayon lalapitan, nabalitaan ko kasi na medyo di daw siya okay ngayon. Nabalitaan ko din na lately natatakot na siyang tumingin ng pictures dahil sa nangyari.

"Miss Katriel Vienne Hyosh?"

"Yes po?"

"Diretso na po kayo dito sa room."

Agad naman akong sumunod. Matagal na din noong huling bisita ko sa kanya dito sa ospital. After ng nangyari hindi ko alam kung dapat tinulungan ko pa ba siya o hindi na.

"Mabilis naman pong gumagaling yung mga sugat niya pero may problem po tayo sa heartbeat niya. Last night po bumababa ang dugo niya at ang tibok ng kanyang puso."

"Make sure to keep an eye on her and please don't tell anyone na nandito siya. It's between you and the nurse na hinire ko."

"Yes ma'am. Pero paano po pag nagising siya uli at hinanap niya kayo ma'am Vienne?"

"Just tell her I'm managing stuffs, busy ako. I just don't want to make things worst. Hindi ko siya pwede ipakita sa kahit kanino."

[ Cade calling.. ]

"Excuse me. I gonna take this call."

Huminga ako ng malalim before answering his call. I also saw the doctor na umalis so..

"Hello Cade?"

"Hello Kate nasan ka?"

"Shooting. Shooting for short film."

"Are you free this evening? Let's go sa park."

"Yeah sure. You know what daan din tayo sa isang way na alam ko. Ang ganda dun sobra."

And I know, alam mo din yung place na yun.

"Yes!" Narining ko yung pagse-celebrate niya sa kabilang linya. Hay Cade paano pa ba kita maiiwan sa ginagawa mo sa akin ngayon.

"So.. I'll pick you later sa coffee shop? Anong oras ba tapos ng shooting mo?"

Naguilty ako sa sinabi niya. He knew nasa shooting ako pero I am here to a place na hindi ko maaaring sabihin sa kanya.

"Hmm. I think mga 7pm tapos na kami."

"Okay so.. see you?"

"Yes Cade. See you."

I heard him celebrating and he ended the call. Nahuhulog lang ako lalo, nahuhulog na 'ko sa bangin na ginawa niya. Gustong gusto ko maging honest sa kanya pero alam kong maguguluhan lang siya, kung si Kim nga hindi makapaniwala sa sinabi ko eh.

Umalis na din ako sa lugar na 'yon at dumiretso sa bahay. Mahaba haba pa naman yung oras ko kaya iidlip muna ako. Sobrang sakit ng ulo ko kakaisip about her, about me and Cade.

"Hi Vienne." Nagising ako ng marinig ko ang boses. Familiar siya.

"Namiss mo ba ako?"

Minulat ko ang aking mga mata pero wala siya sa tabi ko o kahit saan dito sa paligid. Sinubukan kong buksan ang lamp at switch ng ilaw pero hindi ito bumubukas.

"Hangga't nandito ka sa lugar ko hinding hindi gagana yang plano mo."

Paglalakas loob kong sinabi.

When I See You [COMPLETE - editing]Where stories live. Discover now